Chapter 27

34 12 0
                                    

"Sarap ng fried chicken nila noh?" tanong ko sakanya pagka-kagat nya ng manok.

"Yeah." tango nya.

"Kung si Samoa lang, kaya non maka-ubos ng tatlong manok e. Baka sobra pa don kapag prito yung manok." natatawa kong pahayag sakanya.

"Really?"

"Oo. Teka, may load ka ba?"

"Uh. Load for what?"

"Pang data."

"I think so. Naka post paid ako e."

"Wow rich kid sanaol."

"Hindi naman."

"O dali buksan mo na hotspot mo."

"Already open. Password ang pangalan mo."

"H-huh?"

"The password is your name."

"D-dinga?"

"Oo nga." tiningnan ko na yung hotspot name nya sa WIFI ng phone ko.

"Yung Damtiella ba?"

"Yep." sinulat ko na ang pangalan ko. Nag-connect nga!

Binuksan ko na yung messenger app ko at tinawagan sa video call si Samoa. iinggitin ko muna.

"Oh?"

"Gandang bungad ah."

"Ano ba kase?"

"Napano ka ba at ang init naman ata ng ulo mo?"

"Ayaw magbukas ng isa kong phone e, ang dami ko pa namang naka drafts don."

"Bat mo naman kasi biniro ng ganun si Rico. Alam mo naman yang mga lalaki territorial. Ayaw nilang may kahati sa mga babaeng mahal nila."

Napataas sya ng kilay. "Anong nakain mo at kung makapag-salita ka dyan parang nagka-boyfriend ka na?"

Nagkibit balikat lang ako. Sinwitch ko naman sa back camera para maipakita sa kanya yung mga pagkain namin.

"Yaaaaaaa! Taena kayo! Madaya madaya!" tumatawa lang kami ni Dam.

"Di man kayo nana-nagkat noh."

"It wouldn't be a date if we'll take you with us." sabi ni Dam.

"Tama nga naman babe. Tayo nalang mag-date mamaya. Kakain tayo ng maraming fried chicken sige." sabi ni Rico kay Sam.

"Gusto ko ako magluluto. G?"

"G! Excited na ako. Ipagluluto ako ni Samoa!" sigaw pa ni Rico.

"Ingat ka Rico. Baka ma-food poison ka nyan." biro ko.

"Epal ka talaga, Shanti."

"Biro lang. Guilty ka naman agad."

"Che. Marunong din ako magluto noh."

"Talaga ba? Kahit nga pritong tuyo lang dinulok mo pa."

Nanlalaking mata namang tumingin si Rico kay Samoa. "turned off kana nyan sakin ha Puerto Rico?" sumagot naman si Rico "No! Nabigla lang ako dahil you eat tuyo pala."

"Halerrr. mahirap lang kami di mayaman. Syempre mga lutong mahirap kinakain ko."

"Well then, cook me your "lutong mahirap". I want to eat, what you eat. I want you to include me to your world, Samoa."

"Talagang dito pa kayo sa harapan namin nag-labing labing ha? Sige na bye na. De-date muna kami."

"Naks. Di ka na in-denial ngayon ah.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now