Chapter 7

76 17 0
                                    

"Ikaw dyan sa fries magprito at sa pop corn, at ako na naman dito sa Kikyam at FishBall" sabi ko kay Sam

Naghatid kami sa pagluluto para mabilis matapos

Kanina nung nahinto na ako sa pagtawa, sinabi ni Rico na second cousin nya raw si Damascus. Dito muna raw magi-stay hanggang matapos yung shoot ng pictorial sa school.

"Baka destiny kayo ni Damascus kaya nagkakilala kayo"

"Anong destiny naman pinagsasabi mo dyan"

"Wala ka pa namang nagiging boyfriend diba? Pano pag niligawan ka ni Damascus, papayagan mo ba?"

"Sam, iisa lang ang sagot dyan. HINDI" sabi ko na pinahaba pa ang "di" word sa dulo

"Gwapo naman sya, mabait, matalino, matangkad. Tulad ng mga type mo. At ito pa! Umiigting ang panga at namumungay ang mga mata"

Yea yun nga ang ideal man ko. Inspired by Wattpad haha. pero may mga ganyan naman sa totoong buhay, halos mga foreigner nga lang

"Hindi parin. Pwede naman yung iba wag lang sya"

"Bakit naman hindi sya pwede?" I shrugged my shoulders

"Wala. Trip ko lang"

"Ay. pero good catch narin yang si Damascus. Sayang yan bahala ka"

"Sige sayo na si Damascus, akin si Rico" flat kong tugon sakanya

"Yahhhhh! No! Akin lang si Rico ko" yung mukha nya parang ready ng awayin ako e

"Tss" sabi ko habang umiiling-iling at pinagpatuloy na ang pagpi-prito

"Hmm. Wow ang bango naman nun"

"Hi Dam!"

"Hello Sam. Hi Miss Microphone"

"Layas"

"The owner of this house is my relative so you can't kick me out of here." nagbelat pa sya pagtapos kumuha ng kikyam sa mga naluto na

"Hoy ano ba! Hindi pa kami tapos dito mamaya ka na kumain!" agaw ko sakanya nung lalagyanan

"I like it's smell kaya gusto ko ng kainin agad" bumitaw ako at bumaling sa pini-prito ko

"Well sabagay, kapag nga naman kayong mga lalaki makaamoy lang ng babae kinakain nyo na agad" pinalo naman ako sa braso ni Sam

"Not my Rico"

"Woah woah. yung IBANG lalaki. hindi ako kasama dyan"

"Tss hindi daw kasama."

"Yea that's true."

"Wag moko paandaran ng playing innocent style mo. Style mo bulok"

"Ano ba yan yung kikyam o madudulok na" turo nya sa niluluto ko

"Pag ikaw di umalis, mukha mo yang dudulukin ko!" tutok ko pa sakanya ng sanse. Tinaas naman nya yung kamay nya sign of defeating

"Oh may humor din, pwede na" napatalon naman ako sa gulat ng bumulong si Sam

"Para kang sira. May pabulong-bulong ka pang nalalaman dyan" ismid ko sakanya

Natapos na kami sa pagluluto kaya dinala na namin yun sa sala. Naabutan naman namin ang mga lalaki na prenteng nakaupo at nanonood ng movie sa TV

Natulos kami sa kinatatayuan namin ni Sam ng hindi paman kami nakakalapit sakanila e may narinig na kaming parang ungol ng babae at lalaki.

"Oh fuck shit! I need to get laid tonight. That porno gave me a boner" rinig naming sabi ni Damascus sa mga kasama nya

"Tss. mukhang wrong timing tayo Sam. Balik muna tayo tas kunware sisigaw na papunta na tayo para patayin nila yung TV"

"Sige sige."

Pagkabalik namin sabay kaming sumigaw

"One, two, TAPOS NA KAMI!" nagstay muna kami ng ilang seconds bago umalis ng kusina

Naabutan naman namin na nakapatay na ang TV. Si Rico nilalaro yung pusa. Sina Blant at Hagen ay nagbabato-batopik. Si Damascus naman ay parang may nilalaro sa cellphone nya.

"Hindi ba kayo nanonood ng TV kanina?" kunware inosenteng tanong ko sakanila. Just testing them kung aaminin nila yung ginawa nila kanina

Silang lima naman napatingin sakin na nakanganga at mga napalunok

"N-no. We didn't" si Blant ang unang nagsalita

"Kanina pa ako busy na nage-ML dito" sabi ni Damascus na bumalik ang mga mata sa cellphone nya

"Pinakain ko kanina ng cat food si miming tapos dinala ko sya rito sa sala" sabi naman ni Rico

Wow. What a good liars. Si Hagen lang ang di nagsalita. Hindi itinanggi at hindi umamin.

"Hmm okay. Buksan ko na ah? Gusto ko na manood ng movie e" akmang pipindutin ko na ang remote ng hablutin ni Damascus ang kamay ko kaya bumagsak ako sa katawan nya

"Arayyy potek naman" reklamo ko

"S-sorry"

"Bat mo ba kasi hinila yung kamay ko?! May mga upuan naman bat dyan ka pa sa sahig umupo ha?!"

"M-may por-" di na nya natapos ang sasabihin nya ng takpan ni Rico ang kanyang bibig

"May por ano Damascus?" singit ni Sam

"May por..." bitin ni Blant

Pareho na silang lahat na nag-iisip ng tamang idudugtong ron sa sinabi ni Dam

"Prob yon. May problema kasi kanina sa signal ng TV. Na-ground kami sa remote kaya kinuha ni Dam sayo bago mo mapindot"

"Ahh ganon ba" patango tango pakami ni Sam na kunwari bumenta samin palusot nila

"Okay so pano nyan? Pano tayo manonood?" tanong ni Sam

"Iche-check ni Dam" sabi ni Blant

"Bat a-ako?"

"Ako na." presinta ni Rico

"May horror ba kayo dyan Rico?"

"Ahh oo meron."

"Sige yun nalang"

"Ang pangit naman ng choice of movie mo. Really? Horror? Pwede namang action nalang" reklamo ni Damascus

"E yun yung gusto ko e"

"Bakit? Ikaw ba may ari ng bahay ha?"

"Hindi. Bakit ikaw may ari ka ba?"

"Hindi rin"

"Edi quits. pero babae ako, ladies first"

"Wala tayo sa pila kaya hind-"

"Tumigil na nga kayo. Damascus manood ka nalang dyan" awat ni Phoenix

"I think mas maganda kung madilim. Sarado mo kaya mga kurtina Hagen." suggest ni Rico kay Hagen

"Okay."

"Yiee Sam" umakbay naman ito kay Sam at mahina silang naghigikhikan doon

"Mga maharot" pabulong kong sabi na natatawa

"Inggit ka lang" napakunot noo na naman ako sa pagsasabat ng tamod sa gilid ko pero diko na pinansin.

Nagfocus nalang ako sa panonood.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now