Chapter 11

57 16 0
                                    

Nagpupunas na ako ng mga mesa dito at iniipon ang mga platong pinagkainan ng mga estudyante. Kakatapos lang kasi ng tanghalian kaya maraming mga estudyante ang kumain. Well it's just 12:30pm, may mga ibang students na kakatapos lang ng lunch at mga pa-lunch pa lang

Tumunog ang phone ko sa bulsa "Hello Sam?"

"San ka na? Nagugutom na ako"

"Patapos na ako dito sa karinderya. Papasok na ako dyan"

"Sige. Nandito lang ako sa may bench malapit sa gate 2."

"Okay." tinapos ko na na yung mga natirang baso at naghugas ng kamay

Pinuntahan ko na rin si Sam sa kinaroroonan nya. Nakita ko sya na nakatingin sa kanyang cellular phone. Napataas ng isa kong kilay ng makitang may pakagat-kagat pa sya ng labi

Ano na naman kayang pinapanood nung babaeng yon?

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanyang likod at sinilip.

"Sya na naman?" irap ko pagkakita sa pinapanood nyang tiktok videos ng crush nya

"Hayy bakit ba. Si Noah nalang ang nagbibigay ng inspiration sakin e. Wag kang epal"

"Tss. May boyfriend ka na" sabi ko pag upo sa tabi nya

"Crush lang naman yung kay Noah e" sabi nya sabay balik sa panonod

"Crush lang ba yung dalawang taon mo na syang gusto? Yung puro pictures at videos nya na sa gallery mo may sariling album doon, ultimong pati pinto ng kwarto mo may pictures nya? Konti nalang nga pati panty mo padesanayn mo ng mukha nya e"

"Pwede din" kibit balikat nya

"You're hopeless Sam. Hindi ba nagseselos si Rico dyan?"

"Hmm. Hindi naman."

"Alam nya ba?"

"Yung about kay Noah?" tanong nya na tinanungan ko naman "H-hindi e hihi" napailing nalang ako

"Tara na nga kumain na tayo"

"G!" nagpunta na kami sa loob ng gym. Nakasanay na kasi naming doon palago kumain tuwing lunch. Wala rin namang pumupunta doon madalas pag walang occasion or pag walang practice mga varsity

"You're so bongga today Parish ha. Nilibre mo kami ng Rogers at Greenwich. I'm so very full na tuloy"

"Yeah, and u did even treated us Gucci and Prada shirts!"

"That's fine girls. You know I can spend money for you. Di padin kayo makamove on na nilibre ko kayo ha"

"Nabigla lang kasi kami. Dati you just giving us bags, shoes and make ups but never mo kaming binilhan na kasama mo kami kaya I'm so overwhelmed"

"True. So why? Birthday mo ba? Binigyan ka ba ng mas mataas na allowance ng parents mo?" nakita naman naming natameme ng kaunti si Parisha

Tumawa naman sya ng parang pilit at kinukumpas pa ang mga kamay "O-oh nothing. I just feel like I want to treat you today. That's all'"

"Oh well. Thank you very much talaga"

"Nakita nyo na ba yung bagong Balenc-"

"Hayy puro nalang kagastusan ang naririnig ko tuwing nakikita ko ang grupo nina Parisha" hindi ko pinapansin si Sam dahil may iniisip ako.   "Buti pa sila nakakabili na ng nga gusto nila. Samantalang tayo, tamang tipid tipid lang para may pandagdag sa pambili ng projects" sa pagkalutang ng isip ko at di ko napansin na meron na nasa may paakyat na pala kami sa hallway para di mainitan kaya kamuntik na akong mahalikan ng sahig.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now