Chapter 26

35 12 0
                                    

SHANTI's POV

9am na, kakatapos lang ng dalawang subjects namin. Mamayang 1-3pm pa yung sunod na dalawang subjects namin for today.

at dahil vacant na naman namin ni Sam, nandito lang kami sa may bench nakatambay. Sya naman busy-ng busy na naman sa cellphone.

"Huy kanina ka pa nakatutok dyan ah? Wag mong sabihing si Noah Beck na naman yang pinapanood mo?"

"Nope."

"E ano?"

"Naglalaro ako ng basketball sa messenger wag kang magulo. matatalo ako"

"Ngayon ko lang nalaman na pwede ka palang may kalaban dyan sa messenger ah?"

"Duh. Syempre walang ganun. Common sense tih. Nagpapa-taasan kami ng score ng kalaban ko."

"Ba, ang sungit ah? Ipasaksak kita ulit kay Parisha dyan e."

Speaking of Parisha, na-kick out na sya dito sa DHVSU dahil sa mga ginawa nya.

Si Rañoana naman, suspended for one month. and about sir Griggs? Nawalan sya ng lisensya sa pagtuturo.

"Ayyyy!" tili nya. "Naka 21 points lang tuloy ako."

"Yung kalaban mo?"

"35 points."

"Daming lamang ah?"

"Baka nandadaya sya. Arghh!"

"Sino ba yan?"

"Ewan ko. Wala syang ibang posts e. His name is YangYang? Yun yung nakalagay sakanya e. Profile picture nya naman si Eminem."

"Di mo kilala tapos kinakausap mo. Loka ka baka stalker mo yan!"

"Di naman siguro. Di ko naman sya inaccept e, sa messenger lang."

"Tss."

Pinatay na nya yung isa nyang cellphone at nilapag sa tabi. Ginamit nya naman yung isa nyang phone.

"Naks dala-dalawang cellphone ah?" sabi ko sakanya. Nagkibit balikat lang sya.

"Nagawa mo na homework natin sa  CONWORLD?"

"Oo. Kagabi pa."

"Akala ko hindi e. Di naman kita papakopya kung sakali."

Napatingin naman sya saakin ng nakataas ang mga kilay. "At hindi rin naman ako kokopya sayo." binelatan pa ako.

Tumunog ang isa nyang phone kaya binuksan nya ito.

"Nagtext si Rico?"

"Hindi. Twitter Notification. Nag post si Bryce Hall."

"Sino naman yun?"

"Hmm. Kaibigan ni Noah. Kasama nya sa Sway House."

"Dami mong alam loka ka." bato ko sakanya ng papel.

"Hayss. Swerte ng mga girlfriends at future girlfriends ng mga ito." sabi nya na parang lungkot na lungkot.

I knotted my forehead. "Why naman?"

"E kasi naman ang gu-gwapo nila. Tatangkad. Mga talented. Tsaka *ehem* magagaling ito sa kama panigurado." sinabunutan ko naman sya ng slight.

"Mga kalokohan mo talaga!"

"I was just stating the fact, Shanti."

"Anong magaling magaling yan ha." sulpot ni Rico.

"Oo nga, anong kama kama yan?" singit naman ni Dam.

The Havoc's Tamer [completed]Where stories live. Discover now