Nandito sa may 7/11 hinihintay yung mga boys.
Paano ba naman, ang sabi nila 6:30am daw dapat kumpleto na kami dahil tutulungan pa namin si Hagen na hanapan ng girlfriend.
Parang timang lang mga tropa nya e noh, atat na atat sila bigyan ng lovelife si Hagen.
"Ano ba yan, ang sabi 6:30am, haler 7am na kaya." reklamo ni Samoa.
"Ewan ko sa kanila. Paset-set pa sila ng meeting time sila naman yung late."
"Kapag talaga umabot mga yun ng 7:10 kukurutin ko talaga singit ni Rico."
"Ano ka ba, ang bastos ng bibig mo ah."
"Anong bastos doon? Bastos naghuhubad." sumubo sya ng piattos. "tsaka it's just a figure of speech noh Shanti, wag kang green minded." pailing iling pa nya.
"Hoy, FYI I'm not green minded and tarages ka, ang aga aga really? Piattos?"
"Eh bakit, gusto ko to e. Usto mo?" alok nya pa saakin na tinanggihan ko.
Bumalik na lang ang tingin namin sa daan para hintayin ang tatlong hukugan.
Dahil nababagot na din kami ay nagpasya kaming maglaro ni Sam. Paunahan makarami ng makitang sasakyan.
"Ayun! One for the white car."
"Tricycle with 2 passengers."
"Yung black na montero. Wow sanaol."
"White van."
"Yung naka single na motor. Ayun yung isa pang tricycle na punong puno ng pasahero!"
"Yung kotse na green-" napatigil ako dahil pinagyuyug-yugyog ako ni Samoa.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Tae!Tae! Tae! Shantiiii! Nakita mo ba yon?!" tanong nya na di mapakali.
"Ano?"
"Yung ano! arghhh taena talaga!!"
"Ano nga yun e."
"Yung ano. Yung lalaking nakasakay sa Sports car na red. Tae nakatingin saakin tapos kumaway pa!" sabi nya na parang nangingisay na.
"Tumigil ka nga dyan. Sumbong kita kay Rico e."
"Bakit. 2 minutes kilig lang naman yun. Tsaka syempre I was just overwhelmed! I dunno him but he waved at me acckk!" umarte pa sya parang mahihimatay.
"Tss." inalis ko na yung tingin ko sakanya dahil sinulat nya pa yung plate number nung kotse sa phone nya.
"Samoa, tanong ko lang. Madalas kitang makita na nagsusulat ng mga plate numbers sa cellphone mo. Anong gagawin mo dyan?"
"Hmm. Wala lang. Para lang matandaan ko yung mga gwapong nakikita ko lulan ng mga sasakyang ito."
Hindi ko na dinugtungan pa dahil napatulala ako sa mga nakita ko.
Mga bikers. Mga cyclists. Kahit ano pang tawag ng iba dyan basta mga lalaking nakasakay sa bicycle at mga naka cycling lang!
"Uy bili pa tayo ng piatt- hoy anyare sayo dya-" batid kong napatigil rin sya sa pagsasalita dahil sa mga dumaraan.
"Taena!"
"Tarages!" sabay pa naming sabi.
"Hanlakeeee."
"Samoa, may dala ka bang ruler? I think I can measure them just by looking."
"Wala akong dala e. Pero eto oh" napatingin ako sa nilapag nyang...kahoy?
"Anong gagawin ko dyan?"
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
RastgeleDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...
![The Havoc's Tamer [completed]](https://img.wattpad.com/cover/229880064-64-k430143.jpg)