"Hoy anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Sam
Monday ngayon kaya 8am pa start ng klase namin. Nandito kami nakatambay muna sa mga upuan rito sa hallway ng Dhvsu sa tabi ng kalsada
"Ah wala. Nakita ko lang naka online si Vilnius. Inadd ko to nung napanood ko sya sa isang segment ng EatBulaga"
"Oh tapos?"
"Wala chinat ko lang. Di naman magrereply to. Famous e" sabay kibit balikat ko lang
"Hindi talaga yan. Mga ganyang kasikat at gwapo na tao ay hindi mapapansin ang isang katulad mo."
"Wow ha, sakit non sis. Ouch" I acted like I was hurt
"Joke lang. Maganda ka naman pero walang appeal. Yung kailangan matagal ka muna makasama at nakikita para don marealize yung ganda mo HAHA"
"Edi ikaw na head turner. Isang tingin palang alam ng maganda. Buset ka libre mo nga ako. Nilait moko e"
"Osige ano ba gust-"
"Oh my! Nagreply sya Sam. Shemay!"
"Talaga?! Ano raw sabi?"
"Yes opo hehe."
"Ay"
"Chinat ko kasi sya ng "HI VIL" then after an hour nagreply sya ng "HII" tas nagreply ako na "Ay tae weh ikaw bayan? HAHAHA jusq dapat pala ata dati pa kita chinat. Nagrereply ka naman palaaa" tas ayun sabi nya "Yes opo hehe". Ang dry naman" I said while pouting my lips. Tae ang pangit ko. Mukha akong suso nito ah
"Hayy tara na nga Libre mo nalang ako. Panoorin mo raw makakasama sya sa isang series sa TV 5 Yung extraordinary ganon ganon"
"Bat ikaw dimo panoorin?" tanong nya pero nagbisi-busy-han ako
"Hoy ano ba!"
"O bakit?"
"Bat nga dimo panoor-"
"Hi PyongYang!" kaway ko kay Pyang na kausap mga tropa nya. Kumaway naman sya pabalik
"Bisa kang tuki pota? Mag-bola kami" (Gusto mo sumama mamaya? Magbabasketball kami) aya nya sakin. Umiling ako
"Wag na tinatamad ako maglaro" then he just nodded
Baka akala nyo basketball player talaga ako. I'm not. Laro laro lang ginagawa kodon. Pag kalaro ko sila wala ng dribble dribble tinatakbo kona yung bola tas isho-shoot
"Pabili nga po siomai dalawa tig 20 pesos po" pagbili ni Sam sa tindera
Senior high school palang ako, nababalitaan ko ng masarap raw talaga ang siomai rito sa Dhvsu. Kaya yung iba inaraw araw talaga ang pagbili nito
Natapunan ako ng sauce ng siomai dahil may bumangga sa likod ko
"Sige na dude sabihin mo na sakanya"
"Wag ka na matorpe man"
"Kalaki mong tao man nahihiya ka umamin sa isang babae"Yan ang mga narinig ko sa aking likuran, pagkalingon ko si Rico kasama nga tropa nya
Isa rin itong si Rico sa mga heartrob dito sa school. Kaso kilala nga lang na playboy. Pero wow, bago sa pandinig ko yung mga sinabi ng tropa nya ah. Torpe daw? Gano naman kaya katotoo yun
Itinabi ko na muna yung kinakain ko at hinarap sya. I crossed my arms and arched my brow.
"Ano sa tingin mo ginagawa mo Puerto Rico?"
"Ayan na dude you're almost there!"
"Fight fight fight dude!"
"Fighting!" tili pa nung isa na parang babaeReally? Napakasupportive naman pala ng mga tropa nya.
"Oh ano na? May sasabihin ka ba?" ako ba liligawan nito? 2 months palang naman na may pasok tapos may manliligaw agad ako? Nakakatuwa ah.
"Why are you smiling? Mukha kang tanga" sinamaan ko sya ng tingin
"Aba't! Ganyan ba ang manliligaw ha? Binubully mo yung babaeng gusto mong ligawan! Huh! Kala mo papayagan kita? Manigas ka. Basted ka na shoo!" pagpapaalis ko sakanya
Pero hindi sya nagpatinag. Nakatayo lang sya at nakakunot noong nakatingin saakin.
Sinubukan ko ulit syang itulak pero hindi man gumagalaw. Parang bato lang. Napakagat labi ako ng maramdaman ang mga abs nya sa tiyan. Tinusok tusok ko pa ito at binilang ng bigla nyang pigilan ang kamay ko
"What do you think you are doing?"
"A-ah. Pinapaalis k-ka! Dali shoo! Ali na kasi! Hindi kita pinapayagan manligaw!" he laughed. pero yung hindi natutuwa
"Iniisip mo bang ikaw ang gusto kong ligawan?" napatitig ako sakanya. Napalunok
"A-ah"
"Cat got your tongue huh? So iniisip mo talaga yun. Bakit? At paano naman ha?"
I can't speak. Tae nakakahiya. Nag assume ako. Myghad cassie naman e!
"Ahhhhh buysettt!" sigaw ko sakanya sabay tinapakan paa nya sabay takbo palayo roon.
"Shanti huwag kang mag-alala! Basta sa dhvsu ka nag-aral, kahit pangit ka magkakajowa ka!" rinig ko namang tumatawang sigaw ni Samoa kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.
Yung siomai kooooo! Kaso ayoko ng bumalik don nakakahiya ang daming estudyanteng nakatingin nakakainis.
Habang papunta sa Library para magtanggal ng stress, naririnig ko naman yung mga ilang babae na nagbubulungan pero parang nakalunok naman ng microphone.
"Gosh! Awa achu ne ata keni o munta ya pamu kanu!" (Gosh! Oo nandito na ata sya o papunya palang!"
"Fan naku talaga nita e! Apapanalben ke Starstruck dati! Ning kapogi amu" (Fan talaga ako non e! Napapanood ko sya sa Starstruck dati. Ang pogi nya!"
"Magaling yarin mag-acting a ampo tumerak" (Magaling din sya umacting tsaka sumayaw
"Pinsan ne ata i Rico e. Ya ing kuwanang model ning Dhvsu para ketang pictorial king swimming pool. I partner de ata kang Malta" (Pinsan ata yun ni Rico e. Sya yung kukuning model ng Dhvsu para sa pictorial dun sa kagagawang swimming pool dito. Kay Malta sya ata ipapartner)
"Sabagay maganda at sexy naman si Malta kaya pwe-"
Hindi kona narinig mga sunod nilang sinabi dahil dumiretso nako sa Library. Buti pa doon tahimik. Puro libro lang ang makikita mo at aircon pa syempre malami-
Napatigil ako sa pag-iisip ng may makitang aso na nasa daan na kumakain at may paparating na kotse. Mukhang hindi man napansin yung aso. Nak ng teteng naman yan!
Dali dali akong tumakbo roon sa kinaroroonan nung aso at sa harap ng kotse para mapigilan ito. Ng tumigil ang kotse binuhat ko yung aso at inalis sa daan pati yung kinakain nya.
Binalikan ko naman yung kotse na parang bulag yung nagda drive. Hinampas ko ng kamay yung harapan ng kotse nya
"Hoy! Kung sino ka mang leche ka! Bulag ka ba?! Hindi mo ba nakita yung aso sa daan ha? Pwede ka naman sigurong tumigil o kaya businahan yung aso para makaalis. pero hindi e muntik mo pang patayi-"
Napatigil ako sa pagsigaw kahit hindi nya naririnig dahil nakasara ang mga pinto, bumukas ito at inuluwa ang isang matangkad na lalaking nakasalamin. He's just wearing a simple white t shirt na may nakasulat na Lee at denim na pantalon. Pero ang hot nya tingnan! Ang ganda ng katawan. Parang maihahambing ko sya kay Noah Beck na ang lakas ng dating.
"Hey miss? What's your problem? You're blocking my way."
"Ahh!"
"Putarages!"
"I Damascus girls atchu ne keni!!!"
"Damascus anakan mo akooo!"
"Pakiss naman Damascus"Hindi ko na sya nasigawan at sabubutan man lang dahil nagdasaan na ang mga kababaihan sa kanya
"Loko! Nasa loob ka nalang kotse nakasalamin kapa! Muret!" sigaw ko sakanya pero walang nakakapansin saakin dahil busy sila sa bagong dating na artista pero ang atensyon ng artistang yun ay na saakin padin
"Fuck you!" sabi ko sakanya pero walang sound. Napatanggal naman sya ng salamin at itinuro ako. Agad naman akong tumakbo paalis habang tumatawa
YOU ARE READING
The Havoc's Tamer [completed]
RandomDHVSU SERIES 1 PURELY TEEN FICTION. Synopsis: A famous celebrity that is a notorious playboy in the city would meet the Marketing student province girl who doesn't care about love. They think opposite. They act opposite. Their worlds are opposite. ...