Chapter Four

23 3 0
                                    


04

Naputol ang tulog ko ng biglang mag ring ang cellphone ko,halos hindi ko mamulat ang mata ko dahil sa puyat pa ako!

Nung masagot ko ang tawag ay inis akong nagsalita! "Hello!?!"

"Luh, galit agad? didn't miss me?" anang isang lalaki. Tinignan ko naman ang screen at mas nainis ako!

'Demonyong bwisit at ampotaaa'

"Ano ba?! naninira ka ng tulog!"

"Hapon na natutulog ka pa!?Napuyat kakaisip sakin?"

"Hindi ka ba titigil na ampota ka!? bwiseeet" sigaw ko dito.

ampota nasira tulog koooo!

Agad kong in-end ang call at dali daling nagtooth brush, hindi pa ako nagpapalit ng damit pero wala akong pake.

Peste kang Mayara!

Agad akong tumawid sa kalsada at nagdoorbell sa gate nila, agad akong sinalubong Manang Gina. Kasambahay nila...

"Asaan si Maya?!"

"N-nasa kwar--"

Hindi ko na sya pinatapos at agad pumasok. Dumeretso ako sa kwarto nya.

"Sino y-yan?! waittt!" inis na sigaw nya ng sunod sunod akong kumatok, naka Lock kasi ang pintuan nya..

"Ano b--" hindi nya natapos ang sasabihin dahil nagulat na ako ang nakita.

"Zairrrr!" tili nito, nanatili akong nakacross arm at seryoso.

"Di'ba sabi ko sabihan mo yung bwisit na Samuel na yon na tigilan ako!??"

"E-,eh nakalimutan ko"

"Tawagan mo at sabihan mo!, Ngayon mismo!!!"

"H-ha?"

Wala na syang magawa at agad kinuha ang cellphone at nag dial doon, palakad lakad sya sa gilid ng kama habang kinakagat ang kuko.

"O-oy! Tigilan mo na si Zairerin! Bwisit ka!" agad nitong sigaw.

Hindi ko na man marinig ang sagot sa kabilang linya dahil malayo ako sa kanya, nandito lang ako SA labas ng kwarto nya.

"Nabubwisit na sayo! Tigilan mo na!" muling sigaw nya... Naiinis ako dahil parang hindi nya makumbinsi!

Peste!!

"Irereto na lang kita sa iba, hehehehe promise!"

Ampota, reyna to ng retohan eh!

"Oo nga, jusko! Seset ko agad date nyo, oo oo.. ako pa, magaling ako mag reto! oo nga!"

Nakataas ang kilay ko ng lumabas sya't harapin ako, "okay na heheh. hindi na m-man friendship over t-to diba?"

Hindi ko sya sinagot at bumababa na sa hagdan, ramdam ko ang pagsunod nya. Patuloy syang nagsasabi ng sorry pero hindi ko pinapansin. Dere-deretso lang ako sa bahay.

"Hoy, sorry na! Titigil na yon! hoy"

"Ampota, tumigil ka na nga!" sigaw ko ng hindi ko na mapigilan ang inis ko... Ang ingay ampota!

Painful Sunset Where stories live. Discover now