Chapter Twenty-five

8 0 0
                                    


25

Zairerin's POV

(A/N: Hi guys! So sa chapter 24 lang ang POV ni Johann,ha?Balik na tayo kay Zairerin! Hehehe sana wag kayong malito... Nga pala, ang mga susunod na chapter ay POV ulit ni Zairerin, sa 24 lang talaga ang POV nitong si Johann..

Enjoy reading everyone, Don't forget to vote, comment, share or recommend this to others! Maaasahan ko ba kayo?Sana oo, thanks a lot everyone!!! Pa follow na rin nitong acc ko, salamat! *haba ng AN HAHAHAHA amp*)

Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, agad akong dumeretso at humilata sa aking kama.Napagod ako! Oo, napagod ako kahit naupo lang kami ni Johann sa tabing dagat, hindi na man ako nagsalita ng mahaba dahil moment nya na yon, pero talagang napagod ang buong katawan ko at pati na rin ang utak ko!

Pero ang hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam sa loob loob ko na parang may dahan dahang bumabaon sa dibdib ko, at sa bawat segundong dumadaan, pasakit ng pasakit.

Bakit ganon ang nararamdaman ko?

Nalungkot talaga ako sa kwento ni Johann, akala ko talaga wala syang problema kaya ganon sya makangiti lagi! You are pretending well.. Siguro kaya hindi nakikita ng ibang tao sa paligid mo yung pinagdaanan mo ay dahil magaling kang magtago!

Pero talaga eh! Iba yung epekto sa akin ng mga huling linya nya... At bigla na naman akong nalungkot ng muling maalala!

"A-and what i just can do is to accept the thought that.. I won't have her anymore." muling nag paulit ulit sa pandinig ko yan, at hinding hindi ko makakalimutan ang tono nya habang iniuusal ang linyang yan. Puno ng sakit,ng lungkot at panghihinayang.

Do you want her back?

Do you want to have her again?

Dalawang tanong lang ang nabuo sa isipan ko, pero yang dalawang tanong na yan ay nagawa akong makaramdam ng panlulumo---

Bakit ako makakaramdam ng ganyan?

Ampota!

Bago pa mapunta at lumalim ang isipin na yon ay natulog na ako...

At kinabukasan, pagmulat ko pa lang ng mata ay ramdam ko na na may namumuong lungkot sa dibdib ko, kaya naman parang walang kabuhay buhay akong bumangon.

"Natulog akong malungkot, nagising akong malungkot.." mahinang usal ko sa harap ng salamin, bagsak ang balikat na naghilamos at nagsipilyo.

Ramdam ko talaga na parang wala akong gana sa kung ano man, kahit nga naghilamos ay inabot pa ako ng siguro'y 15 minutes. Tsk!

Pagkatapos mag ayos, nakasimagot na tumitig lang ako sa bedsheet ng kama ko. I really can't avoid thinking what he just said yesternight!

Nakakalungkot na man talaga yung kwento nya, but I can't understand why I feel like this. Iba yung lungkot ko, may halong kirot sa dibdib ko! Hayyyys ewan!

Sa kalagitnaan ng pagkakaupo ko lang sa kama ay biglang pumasok si Mayara! "Woi, mag lulunch na!"

"Hindi ako gutom."

Painful Sunset Where stories live. Discover now