Chapter Thirty

8 0 0
                                    


30

(A/N: parang naiiyak ako:( chapter 30 na pero nagsisimula pa lang ang gf-bf life nina Zair at Johann. Hindi ko gusto pahabain to na aabot sa 50+ chapters, pero parang ganon ang mangyayari unless mapahaba ko ang every chapter. Konting kwento lang, pero nahihirapan ako guys sa truth lang. Parang nagsisisi ako sa dami ng pasikot sikot amp! Anyway yun lang HAHAHAHA)

Parang wala ako sa tamang wisyo nung nasa dining na kami. Iba pa rin talaga epekto sakin ng mga salita nya. Akala ko mawawala na tong pagkailang ko at pagiging distracted sa bawat salita nya ngayong kami na. But hell, bakit parang nadagdagan pa lalo?

Napaayos ako sa gulat nung tapikin nya ako sa balikat, hindi yun malakas at masakit pero napaangat nun ang balikat ko dahil nga nagulat ako. Fvck.

Mukhang nagulat sya sa reaksyon ko, pero ang loko tinawanan lang ako! I gave him a glare that made him stop from laughing. Yan, ganyan nga, makuha ka sa isang MASAMANG tingin.

"Ikaw kasi, kung ano ano iniisip mo" he said. He even pouted. Yaks, hindi bagay ampota. Tinignan ko sya ng may nandidiring tingin.

"Kumain na ng---" Hindi ko napatuloy ang sasabihin ko ng mapatingin ako sa kanya. Nakangisi sya na parang may kalokohang iniisip.

"Anong tingin yan?!"

"Siguro.." pabitin nyang usal. Tumingin pa sya sa taas habang hawak ang baba. "..siguro hindi ka makamove-on sa sinabi ko kanina" he hit it right. Tumawa sya ng buong galak pero agad yun nahinto ng mahina kong sampalin yung mukha nya. Nakakairita kasi!

"Bakit?"

"Mukha ka kasing lamok! Ampota! Kumain ka na tapos lumayas ka na!" sigaw ko sa mismong mukha nya. Bakit ba kasi hindi pa ako pumayag na umuwi sya kagabi? Edi sana walang eksenang ganto! Inissss!

Nagsimula na kaming kumain, he still have that smirk on his face. Inirapan ko sya sa tuwing magtatama ang paningin namin. Paano ko nagustuhan to'ng ampotang to?

"Si Manang Sarih na magliligpit nito. Umalis kana" wala sa sarili kong usal sa kanya. Nabigla na man sya. Hindi na siguro inaasahan na tototohanin ko yung sinabi ko kanina.

"Tayo na! Tayo kumain tapos ipapalagpit pa natin?"

"Basta! Kunin mo yung gamit mo sa taas tapos umalis ka na. Ingat ha"binigyan ko sya ng napakalawak na plastik na ngiti. Mabilis ko syang tinalikuran at doon umirap. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng lima, he speaks.. and that made me stop.

"Ganyan ka ba talaga? Ipag-uutos pa sa iba yung pwede mo na man gawin. May pera ka, oo. Mayaman ka, oo. Pero Zairerin naman, wag mo na man iasa lahat sa iba. Matuto ka namang gawin yung mga bagay bagay kasi ikaw lang din mahihirapan." Sa wakas, natapos din sya sa linya nya. I really let him to. Dahil pagkatapos nya 'mangaral'. Susundan ko na man ng sagot ko!

"Eh ampota! Ano bang alam mo?" tumaas ang boses ko. Talagang hindi ako nakapagpigil. I don't know how can he say it!

Kelan lang sya pumasok sa buhay ko, pero kung makapagsalita sya ay parang nandyan sya sa bawat galaw ko mula ng bata ako!

Kanina medyo naiinis ko syang tinignan, ngayon.. Ngayon binigyan ko sya ng isang malamig na titig, What I really hate is talking about me even they don't know anything.

"Kung yung pagligpit ang problema mo sakin, edi sige. Liligpitin ko. Para matahimik ka. Pero umalis ka na." dire-diretso kong sabi at binalikan yung pinagkainan namin. Pinagpatong-patong ko na yun na halos mabasag ko dahil sa inis sa kanya. Eh kung ibato ko na lang kaya sa kanya!?

Painful Sunset Where stories live. Discover now