Chapter Twenty-Six

8 0 0
                                    


26

(AN: Baka malito ulit po kayo, POV ulit to ni Zairerin at ganon na rin ang mga susunod pang chapter hehe!! *bet ko lang mag AN before starting this new chapter*)

"I already like you.. but I think I should do something to make this not to continue." malungkot na usal ko habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Kitang kita ko kung paano naging malungkot rin ang mga mata. Walang namumuong luha pero hindi yon naging dahilan para hindi mapansin ang kalungkutan na bakas sa mga mata nya.

Lumunok muna sya bago magsalita, "Bakit gusto mo'ng pigilan?Bakit ayaw mong ipagpatuloy?Kung ganong.. may nararamdaman ka na rin para saakin?" gumagaralgal ang boses nya.

"Because I don't want to be left alone in one side.. I'm afraid that, you're just staying here with me, because someone left you.." mahinang paliwanag ko at ramdam ko ang mabilis na pamamasa ng mga mata ko dahilan para lumabo ang paningin ko. Hindi pa man ako nakakakurap, mabilis na itong tumulo.

"I don't someone who likes me.. while still loving someone else from the past..." huminga ako ng malalim bago muling nagsalita, "I am afraid that you just like me, while you still loving your ex." deretsong ani ko.

AKO mismo ang nagsabi ng mga linyang yun, at ako rin mismo ang nasaktan. Patuloy lumalalim ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko, namumuo ang matinding kirot ng dahil sa mga sinabi ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko, palakas ng palakas, at sa bawat tibok, may kaakibat na matinding sakit.

How could you make me feel this way?

"Z-zairerin.." utal na tawag nya sa akin.

"I may not like you too much, but why I'm hurt too much?" malungkot na tanong ko sa kanya.

Naibaba ko ang aking paningin sa aking paanan, at hinayaang magsituluan ang mga butil ng luha. Masyado akong nasasaktan, dahil totoong natatakot ako, sa isiping.. baka gusto nya lang ako at mahal nya pa rin ang ex nya.

Gumuhit ang matinding lungkot, sakit, panlulumo, halo halong emosyon kaya pas patagal ng patagal ang aking pagluha. Hindi sya umimik, hindi rin ako makagalaw. Dahil parang pinipigilan ako netong mga naghahalo halong emosyonko.

Sa kalagitnaan ng tahimik ko'ng pag iyak, nakita ko ang mga paa nyang gumalaw, at nasisigurong kong tumayo sya! At hindi ko magawang magulat kahit pa hindi ko inaasahang..

Yayakapin nya ako ng mahigpit!

Isinandal nya ang ulo ko sa kanyang dibdib, at yinakap ako. Rinig na rinig ko ang malalakas na tibok ng puso nya pero parang natatabunan lang iyon ng akin.

"Don't be afraid, and there's nothing you should be afraid of, because.. I am no longer inlove with her, because it's you.. The girl who I am in love with." bulong nya sa mismong tenga ko at hinaplos haplos ang palad sa buhok ko.

Sa sinabi nya, parang nabawasan ang takot ko na baka nga inlove pa sya sa ex nya, pero sa kabila ng ginawa nya, ni hindi nabawasan ang kakaibang lungkot na gumuguhit sa dibdib ko.

Parang kulang, sincere sya, pero parang may kulang pa rin!

Humiwalay ako sa yakap nya at saka sya tinitigan, "Umuwi ka na..Ingat." pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.

"Wag ka ng umiyak, nalulungkot rin ako kapag ganyan ka.."

"S-sige na, Umuwi kana. Mag ingat ka." pag iiba ko sa usapan.

"may dala ka bang sasakyan?"

"Mmm, motor."

"Sige, drive safely."

Painful Sunset Where stories live. Discover now