Chapter One

73 5 0
                                    


01

"Beyyyyybe!" malakas na sigaw ang gumising sa akin, hindi ko na kailangan magtanong kung sino to, walang iba kundi ang best friend kong si Mayara!

"Good morning mAh beybiii!" sigaw nito pagkarating sa mismong loob ng kwarto ko. Jusme, aga aga nag kakalat ng ingay!

"May irereto ako!"

A-amp?

"Ano?" inis kong sabi, doon pa lang nagsalita.

"Ayaw mo nung kahapon, ngayon sure bet mo to!" saad nito at naupo sa kama ko.

"I'm really sure!" dagdag nya na parang sigurado, sinamaan ko sya ng tingin.

"Nangingialam ka sa buhay ko eh ikaw nga walang boypren!" sigaw ko na dito.

Nangingialam sya sakin tapos sya walang pakialam sa sarili, tanga!

"Eh sa ayaw pa nina mom,ikaw na lang! makikikilig na lang ako."

Parang gustong gusto naman ng magulang ko?!!

"Ayoko. A.yo.ko. end!" inis kong sambit, bumangon na ako at kumuha ng tubig sa mini ref.

"Hey! Itry mo, arte nito!sige na!!!"

"I said no, wag mo na ipilit" seryoso na to, ngumuso lang sya.

Reto? Ano mapapala ko dyan? tsk, just a waste of time.

'Kung handa na ako magmahal o gumusto ng tao, alam kong magkukusa yan. I'll just wait for the right time... and for the right man.' Nangiti ako sa sarili kong naisip, iyon ang gusto. Ang kusang dumating ang para sakin, sabi nga nila ANG PAG IBIG HINDI HINAHANAP... KUSANG  DUMARATING YAN.

"Ayaw mo ba talaga? pwede ka na man mag kaboylet!" pangungulit nito pagkatapos ko maligo.

"Baket mo ba pinipilit ha?! kung gusto ko talaga edi sana may pinayagan akong manligaw saken? duh???" pagtataray ko dito.

Bumubulong bulong pa sya pero hindi ko pinansin hanggang sa...

"May makipapagmeet sakin Zair, samahan mo ako. Mamaya na yon!"

"Akala ko ba ayaw ng mommy mo?" nakataas Ang kilay na tanong ko. Nginusuan lang ako ng gaga.

"Meet u---"

"Jusme, ikaw pa? hahaha."

"Tsk, sasamahan mo ba ako?ha!?" tumango lang ako ano pa ba nga ba?

"Oh edi tara na,bihis ka na den eh!"

"wait, W-what? ngayon na?!"

"sa Manila yon eh, hehehe let's go" hinila hila nya ako, inis akong tinignan sya. Amp, balak kong mag mall mag isa eh!!

Mahigit tatlong oras ang byahe, alas otso pa lang ay umalis na kami. Pagkatapos namin magpark ay sinundan ko lang sya hanggang pumasok sya sa isang restaurant.

"Hey Samuel we are here." magiliw nyang bati sa isang lalaking nakaupo, agad itong humarap. Nagulat ako ng saakin agad tumingin, at ngumiti pa!

Nakasuot ito ng Plain Orange T-shirt at black pants. Medyo may katangkaran din ito. Hindi na man gaanong kasingkit ang kanyang mga mata... Napansin ko din na may piercing sya sa tenga.

"Hi ladies, have a seat." sabi nya ngunit hindi inaalis ang tingin sa akin, dinig ko ang impit na kilig ni Maya.

What's going on?

"Sya to, Samuel. Si Zairerin, Zair for short." pakilala sakin ni Maya, ngumiti ako ng pilit.

"Hi beautiful." bati nya sabay kindat.

"Yieee sige usap na kayo dyan."

usap? k-kami? what the?!

"Hoy kameet up mo to diba? baket ako? tangek ka?!" inis kong usal sa kanya, kinindatan nya lang ako at mabilis na naglakad palayo.

Inis kong tinignan ang kaharap ko, so? eto yung irereto nya? at ginamit nya lang na excuse ang sarili nya? amp.

"Let's ea---" hindi ko sya pinatapos.

"No, I need to go. Wala akong alam dito, peste!"

Nagulat sya, pero hindi ko pinansin. Humakbang ako palayo ngunit pinigilan nya ako, "stay, gusto kitang makilala."

"And how about me? I don't. so stop!" inis kong sabi, hinawakan nya ang kamay ko. Nilingon ko sya at hinigit ang kamay ko.

Palinga linga lang ako nang... "Hey! W-what are you doing here?!" si Maya.

"Peste ka! Sinira mo lakad ko para dito?! akala ko hindi mo na ipipilit ang mga reto mong yan eh!!! arggh, let's go!" usal ko, tsk. Hindi ko alam basta naiinis ako sobra. Dati na man minsan ay nakikisama na lang ako, namamlastik nga lang.

Yan si Maya, reto ng reto kung sino. Set ng date dito, set ng date doon. Hindi pa ko nasanay, at hindi ako nagiging aware. Tulad ngayon! Akala ko kameet up nya talaga yon, yun pala yon na ang irereto nya sa akin, grr bwiset.

Tatlong oras yung byahe, tapos ganon mangyayari, tsk. Legit ang inis!!!

"H-hoy, Pogi na man yon eh. why don't you give a try?" malumanay nyang sabi, hindi na ako sumagot at nung tumigil ang kotse nya ay pumasok na ako sa bahay.

"Bakit ba di ka matigil? baka napahiya yon! well, I don't care but.. grr! kainis ka."  usal ko nung sumunod sya sakin.

"eh kasi... tsk! ayaw mo ba talaga?"

"Amp, ayaw nga. lalayasan ko ba yon kung gusto ko? paplastikin ko ba yung mga nauna Kung gusto ko!?"

Hindi na sya umimik.

Maya maya Lang ay... "sorry na, di na mauulit."

Inis akong tumingin sa kanya, nakangiti sya.

"sa sunod deretso ligaw na sila, bwahahahahahaha!" dagdag nito at mas lalo ko syang sinamaan ng tingin.

bwisit na best friend!!

"Char, di ko na uulitin. Promise ko na, hehe. Baka may type ka na eh." Tukso nito, iling iling lang ako. Binigyan nya na man ako ng sus-hahaha look.

"Matutulog na ako,uwe ka na bye." paalam ko at akmang aakyat na sa hagdan.

"Ayaw mo ba talaga? sure na?"

"Ampota! Hindi ka na ba titigil? bwisit ka, umuwe ka na!" sigaw ko!

Ampota, reto your face!

"Joke hahahaha! bye" tawa tawang paalam nya.

Sa isip isip ko ay sinusumpa ko na syang,

Bwisit ka! Pumanget ka sana at walang magkagusto sayo! Kahit pa payagan ka ng parents mo mag boyfriend! tssk, ampota ka!!!

Painful Sunset Where stories live. Discover now