19Nang matapos akong kumain sa balcony, naisipan kong pumunta sa lugar na pwedeng maging okay ako.
Saan pa ba? Edi sa Dagat de Ligaya.
"H-hija, saan ka pupunta?"
"Sa Dagat de Ligaya po."
"Sige. I-ingat ha?"
"Opo."
Batid ko na medyo may pagkailang pa rin sa kanya dahil kanina pero wala na sakin yun. Baka gusto nya lang protektahan ang mararamdaman ko o baka ayaw nyang maunahan ang iba na mas dapat magsasabi sa akin.
After a long time of ride, finally I arrived. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad akong naglakad hanggang maabot ko ang kabuhanginan.
Iginala ko ang paningin ko, mainit pa masyado dahil mag a-alas kwatro pa lang ata ng hapon pero hindi ko yon pinansin. Agad akong naglatag ng isang tela at pinatungan muli ng isa pa at pinatungan pa ng tatlong tela. Para maging makapal at hindi ko maramdaman ang init ng buhangin.
Sobrang init talaga dahil tirik na tirik ang araw at kahit hindi sa gawi nito ako nakatingin ay nasisilaw ako. Kaya naman, sa dulo na lamang ng dagat itinuon ang aking paningin. At kapag nabagot, titingin sa ibang direksyon.
Wala na mang bago, marami paring puno..Mga halaman na maganda sa paningin. Marami ding mga ibon ang humuhuni at nagsisiliparan. Maganda sa pakiramdam, pero konti lang ang bigat na nawala sa dibdib ko. Hindi man katulad kanina bago ako pumunta rito, mayroon paring bigat ang nararamdaman ko.
Siguro mas tagalan ko pa rito.
Pagkatapos ng paulit ulit na paglilibot ng mga mata ko, tumayo at isinilid ko ang mga tela sa basket na gawa sa banig. At bitbit yon habang naglalakad lakad pa rin sa buhangin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hinayaan ko lang ang sarili kong dere-deretsong maglakad sa kahabaan nitong buhangin. At sa hindi naman kalayuan, may nakita akong malaking bato. Sa aking kuryosidad kung ano pa ang naroon sa likod nito ay tinahak ko ang daan patungong doon. Kailangan ko pang dumaan sa tubig na lagpas lang naman sa talampakan ko. Yung bato kasi ay malapit sya sa tubig at kung aakyat ka doon, pwede kang tumalon at ang bagsak mo ay sa tubig. Pero Hindi ka pwedeng mag dive at baka mamatay ka sa kababawan ng tubig babagsakan mo.
At ng malagpasan iyon, nagulat talaga ako dahil maraming bata at may ilang matatanda rin ang naliligo sa dagat!
May mga mumunting kubo pa ang nakatayo at maraming tao ang naroon. Bakas ang saya at enjoyment sa mga mukha nila.
Hindi ko na napigilang lumapit at saka nagtanong sa isang Ginang na kumakain, "Ah, hello po.. pwede magtanong?"
"Oh, oo. ano yon magandang dilag?"
"Uhmm.. Pinagbayad po ba kayo dito? Para makapaligo sa dagat? and to rent a cottage?" takang tanong ko.
Ginawa ba tong beach resort? Pero wala na mang mga magagandang cottages katulad sa iba.
"Nako, ano ka ba naman?Pinagbayad ka ba bago makapunta dito? Libre to! Kaya nga kami nandito!" natatawang sagot.
"I s-see."
"Bakit nga ba naitanong mo?" isang tinig mula sa aking likuran ang sumabat.
"Na-curious lang po. Kasi doon po sa bandang unahan, walang mga cottages na ganto and walang naliligo."
"Merong naliligo doon, madalang at konti lang."
Tanging tango na lang ang naisagot ko.
YOU ARE READING
Painful Sunset
Random[/On-going;] Zairerin is completely in love with the sunset... She always says that watching sunset is better than being with a guy who will fool you or what. She's not bitter, but she's not also a fan of love especially because of her experience w...