Chapter Eighteen

5 0 0
                                    


18

"Don't worry, kahit hindi mo ko payagan, kahit hindi mo ko hayaan.. Gagawin ko parin.." ani Johann ng hindi ako sumagot. Nananatiling nasa TV ang aking mga mata. Bumuntong hininga muna sya at..

"Because seeing you being hurt.. hurts me too" dugtong nya.

"Bakit? Nakita mo na ba akong masaktan?" doon pa lang ako nagsalita, sinusubukan kong sabihin yon ng pataray o pabiro pero parang may trumaydor sa akin para maging mahina iyon at bakas ang lungkot sa boses ko.

Kahit ako naramdaman ko yon.

Hindi na man sya sumagot. Hindi na Rin ako nag abala pang magsalita muli dahil baka kung saan pa to umabot.

Around 2pm, naisipan na ni Johann na umuwi. Pumayag na man ako, syempre. Kanina ko po nga gustong umuwi sya eh. After nung eksena kanina, nagpatuloy lang kami sa panonood nung palabas na yon. And nasundan pa ng ilang palabas.

Pero si Aling Sarih, kulang na lang ay dito nya patulugin dahil gusto nya pa na magstay dito yung loko ng matagal!

May gusto ata to ke Johann eh!

Nang makauwi na si Johann, nagkwentuhan lang kami ni Aling Sarih ngunit nauwi sa panunukso nya sa akin at doon kay Johann.

Grabe mangship to, ampota.

I am here inside my room, wala na naman magawa kaya nakatitig lang sa labas ng bintana. Maliwanag at maaliwalas ang langit. Hindi ko alam pero ang ganda lang sa paningin.

Pero nawala yun  ng muling maalala ko ang tanong at mga sinabi sa akin ni Johann kanina habang nanonood kami.

Kahet kailan talaga panira ng moment!

"Have you been hurt?"

"if you'll let me, I'll be the one to stop you from being hurt."

"Will you let me?"

"Because seeing you being hurt.. hurts me too"

Tss, di mo pa ko makitang masaktan! Pero wag mo ng gustuhin...

Kasunod ng isiping yon, ay pumasok sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko na maalala kung kailan ko huling inisip sila.

Malalayo pa ba ako sa sakit na naidulot nila sakin?

Matitigil pa ba tong masakit na pakiramdam?

Mawawala pa kaya ang lungkot?

Maglalaho ba ang nararamdaman ko?

Yan ang mga kasunod na tanong kapag naaalala at naiisip ko sila.

Do I deserve to be hurt?

Do I deserve to be left?

Do I deserve all of this?

Nang maisip ko iyon, umugong na naman sa pandinig ko ang mga katagang binitiwan ni Johann.

"If you'll let me, I'll be the one to stop you from being hurt."

I wish.. I wish someone could. I wish you could 

But I thought you can't.. No one can't.

Hindi na mawawala ang sakit na nararamdaman ko, it stays in me.

Natinag lang aking diwa ng tumunog ang cellphone ko. Someone is calling.

"Oh?" agad kong sabi ng masagot ang tawag ni Maya.

Painful Sunset Where stories live. Discover now