Chapter Thirteen

10 1 0
                                    


13

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, binabalot ako ng matinding kaba,hiya,pagkalito!

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"hey.." mahinang anang Johann at kita ko ang mga paa nyang papalapit sa akin.

".. Can I court you?"

Bakit ba paulit ulit to?!!

"I won't let this day end that you'll not going to answer me." aniya pa.

Mapipigilan nya bang huminto ang araw na to masagot ko lang yon? hahaha pffft, kahit hindi ako magsalita ngayon, matatapos na matatapos ang araw na to!

Urur ka bijj!

"O-oo na, letche!" usal ko. Napapikit na lang ako sa kahihiyan!

"Omygoshhhh!"

"Whooo, sana all"

"Kiligggg"

"Whaaaa"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, nag angat ako ng tingin at nagulat pa ako dahil nasa gitna talaga kami ng maraming tao!

Damn it!!

"Oo na? As in liligawan kita?"

"M-may choice pa ba ako? Ampt, halika na umalis na tayo dito" sigaw ko. Hindi sya natinag at tinitigan lang ako, na-uulol na ba to?

"W-wuy!" tinapik ko sya sa balikat, hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nya at nanatili sa pwesto nya. Sa inis ko ay lalagpasan ko na sya ngunit biglang nya akong pinigilan! Hinawakan nya ang kamay ko at nilingon ko sya!

And then... our eyes met.

Pero.. yung kakaibang haplos, yung hindi pamilyar na pakiramdam, yung kiliting nangibabaw sa akin noong magtama ang paningin namin sa unang pagkakataon...

Ngayon, wala yon. WALA LAHAT.

"Are you.. okay?" bumalik ako sa reyalidad sa tanong na yon ni Johann. Nasa loob na pala kami ng kotse nya!

"Y-yup"

"Sorry kung... masyadong makulit ako kanina haha. thank you pala, you allowed me to court you"

Tanging tango ang naitugon ko sa kanya, hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako pumayag!

Para makaalis don?

Para hindi mapahiya?

Ano nga ba ang nagpapayag sakin?!

Tch!!!

"Si Mayara, pauwi na" muling sabi nya at napalingon agad ako!

"What?" kunot na kunot ang noong tanong ko. Nagulat din siguro sya at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

Ampt, lokong Maya yun ah!!!

"Dala nya naman daw sasakyan nya, she trust me also daw hehe"

At ngayon ko lang napansing nandito na kami sa loob ng kotse nya!

Lutang na naman ako, whoooo!

Nagstay pa ang katahimikan bago nya pinaandar ang kotse nya. At ngayon, tinatahak na namin ang daan pauwi.

"Wait, do y-you know my house?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho nya.

Painful Sunset Where stories live. Discover now