Chapter Thirty-One

3 0 0
                                    


31

Sa unang pagkakataon, hindi ko na maitanggi. Kakaibang kilig na ang naramdaman ko dahil sa sinabi nya. Kakaiba yung epekto nun pero hindi katulad nung una, hindi ako nailang, hindi ako nagalit, hindi ako nainis, walang ganun na nangyari.

"Anong gusto mo?" tanong nya. Napabalik ako sa ulirat at napatikhim. Tinignan ko ang menu, more on lutong bahay ang nandito. Kilala ko naman iyon at natikman na ang mga putaheng iyon. Simula nung bata ako, ganyan madalas ang lutuin ni Aling Sarih. Well, I don't have any problems with that, magaling at masarap nga sya magluto eh.

"I want Minudo and Sinigang na Bangus." I simply answered.

"Yun lang?"

"Uh, yeah. Ikaw?"

"Gusto ko ng Tapsilog"

"Okay. Order ka na." ani ko bago kuhanin ang wallet ko, iaabot ko pa lang ang pera pero mabilis nya iyong hinarang. Napakunot ang noo ko, why?

"May pera ako."

"May pera rin naman ako" Hawak ko nga eh.

"Ako ang magbabayad."

"Ah, You can pay to your meal and I can pay mine."

"Hindi na."

"No. I insist. Nilibre mo na ako sa street foods, ako na man ngayon." nakangiti kong pagpupumilit. He only sighed. I take that as a sign that I won.

I handed him the money pero bigla na lang akong tinalikuran. Nakaawang ang bibig ko habang sinusundan sya ng tingin papunta dun sa tindera.

Okay, I didn't won. Okay!

Wala na akong nagawa kundi hintayin sya, nilabas ko ang cellphone ko at nag scroll scroll lang sa social media accounts ko. Maybe 5 minutes syang nandun at nag order, kita ko sa gilid ng mata ko na pabalik na sya dito sa table dala ang tray na may laman ng pagkain namin, but.. But someone called my name. Napalingon ako sa entrance, then I saw Darrem–I mean Samuel. I saw Samuel.

Nakangiti sya habang nakatingin ng deretso sa akin. He also waved his hand a little. Wala akong nagawa kundi ngitian sya ng pabalik. He's walking towards me at parang hindi ako makagalaw. He's still smiling until he is now in front of me.

Nagkatitigan pa kami bago nya lingunin ang katabi ko. Slowly, his smile faded. Napalitan ng kuryusidad ang mga mata nya at tila tinatanong ako. I sighed.

"Uhm.. Uhmm.." Ampota. Hindi ako makapagsalita! Zair, c'mon!

"Uhmm... Johann, this is.. U-uhm. This is Samuel." napapikit ako ng mariin dahil hindi ko sya mapakilala ng maayos.  Grrrr!

I sighed again. "Johann, this is Samuel. Samuel, this is Johann."

They both stare at each other. Johann right here used an cold eyes in front of Samuel. While Samuel, just nodded and take his eyes off to Johann. Muli syang bumaling sa akin.

"I thought you didn't want guys." he said. "You even always said that 'sunsets' are better to watch than being with a guy huh"

"Yeah." I agreed. Totoo na man. "Watching sunsets are better than being with a guy who will fool you or what." I nodded repeatedly then I smile a little. "But why  wouldn't I give it a try, right?"

"Hmm.. Yeah. So, ano ginagawa nyo rito? Dating?"

"Lunch."

Naputol ang usapan namin ng marinig ang pagtikhin ni Johann. Parehas kaming napalingon sa kanya. He's staring to Samuel. Then, nabiglla ako ng ilahad nya ang kamay nya.

Painful Sunset Where stories live. Discover now