34"Kayo ha, may hindi kayo sinasabi" anang Aling Sarih at tumawa.Maang maangan na man akong tumingin sa kanya.
"Wuuuushu, wag kayong mag Maang-maangan"
"Tss, ano po ba kasi yon?" kunwaring tanong ko.
"Zairerin, ha! Alam mo ang tinutukoy ko" aniya pero nag maang-maangan pa rin ako at kunwaring napapailing.
"Kayo na ba?"
"Ha?"
"Kayo na ba'ng dalawa?" nakangiting ulit niya.
"Opo" walang alinglangan na sagot ko. Totoo naman. At tsaka, mas mabuting ipaalam kesa itago.
At dahil doon, tumawa ng malakas at buong galak si Aling Sarih. Nahawa tuloy kami.
"Sabi na nga ba eh. HAHAHAHA bagay kayo. At masaya ako para sa inyo"
Napangiti kami ni Johann. "Salamat po" sabay naming tugon.
Nagmeryenda at nagkwentuhan kaming tatlo bago umuwi si Johann. Nang wala na siya, ayun na naman ang nanunuksong ngiti sa akin. Napailing na lang ako at natawa lang siya. Napangiti rin ako ng palihim. Nakakatuwa ang pakaramdam.
Dumeretso ako sa kwarto. Inayos ko ang mga pinamili ko'ng gamit para sa nalalapit na pasukan. Kompleto na iyon. Nang matapos, naglinis lang ako ng kwarto bago bumaba para sa dinner. Kaming dalawa lang ni Aling Sarih ang magkasama sa hapag.Wala pa si Sara or baka hindi siya pupunta dito ngayon.
Umakyat ako agad sa kwarto ko ng matapos sa dinner, si Aling Sarih na man ang nag asikaso sa pinagkainan namin. Pero nang matapos siya, nagulat ako dahil bumisita siya sa kwarto ko. Natigil ako sa panonood ng TV.
"Nakakaistorbo ba ako, Zairerin, hija?" tanong niya. Agad akong umiling.
"Hindi po."
"Mmm. Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa'yo. May tiwala ako sayo at sa mga desisyon mo" nakangiti pa'ng aniya. Napangiti rin tuloy ako. Iba pala pag ramdam mo na may tiwala sayo ang tao tapos sinabi pa rin sayo. Nakakatuwa.
"Salamat po"
"Sana.. magtagal kayo at mas mahalin niyo ang Isa't Isa."
"O-opo. Sana nga po"
"Pero.. sana wag kang lumagpas sa limitasyon mo.. ninyo. Bata pa kayo at pwede pa kayong mag explore sa mundo" anang niya pa. Bumuntong hininga ako pero nangiti sa huli. I know that too. I nodded.
"Tunay na masaya ako para sayo" masaya niya ngang sabi. Niyakap niya pa ako kaya niyakap ko siya pabalik. Ramdam ko sa kanya na masaya talaga siya sa akin. She really cares for me. And she love me. And I love her too. Kaya tumataba ang puso ko sa bawat salita niya.
"Oh sige na. Napadaan lang ako kaya pumasok na ako at para makausap kahit kaunti."
"Sige po. Matulog na po kayo"
"Oo. Ikaw rin. Goodnight"
"Goodnight po" Sabi ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nagpatuloy ako sa panonood at umabot yun ng oras. 9 pm na ng maisipan ko'ng matulog.
Pagkagising ko, hindi ko alam kung bakit parang ginanahan na ako para sa buong araw. Parang feeling ko ay magiging reproductive ang araw ko ngayon. Hindi ko alam. Yon na ang naramdaman ko pagkagising ko eh.
YOU ARE READING
Painful Sunset
Random[/On-going;] Zairerin is completely in love with the sunset... She always says that watching sunset is better than being with a guy who will fool you or what. She's not bitter, but she's not also a fan of love especially because of her experience w...