20Mula pagkagising ko hanggang kaninang tanghali, hindi nawala ang mga sinabi at ginawa ni Mayara sa isipan ko.
Me? Ibibigay ko yung boxers kay Johann? What the hell? Siraulo!
Sa gitna ng pagkatulala dito sa kwarto, tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana gustong sagutin pero galing sa unknown number.
09382701430 is calling...
Sino na naman to?
"Hello?" nag aalanganing sagot ko sa tawag.
"Hi lady."
Hindi ako sigurado pero parang alam ko na kung sino to, isa Lang Naman tumatawag sa kin ng 'lady'
"Who is this? Would you mind to tell me who are you and why you called me?" mahinang sabi ko.
"This is me.. Johann. Hahaha"
Sabi na eh!
"Oh ano naman sayo? Miss na miss?"
"Oo na man."
"Ok, bye." akma kong ieend ang call pero natigilan ako sa mga sinabi nya,
"Goodnight, sleep tight.. I love you" usal nya at kusang binaba ang tawag.
Hindi ko maintindihan.. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at parang nagkakarerahan sila!
Why you have to do this? Bakit gan'to lagi ang dulot mo sakin? Lagi mong pinapabilis ang pagtibok ng puso ko.. Parang lagi mo kong pinapakaba sa t'wing magsasalita ka.. Bakit gan'to ang mga nararamdaman ko pagdating sayo!??
Hindi ko napanood ang paglubog ng araw ngayon dahil buong araw lang akong nakahilata sa kama ko. Dinalhan na lang ako ng pagkain ni Aling Sarih dahil rinasunan ko sya na tinatamad ako. Well, totoo na man. Pakiramdam ko, ang tamlay tamlay ko na ngayon.
Inis na nanaman akong inabot ang cellphone ko dahil may tumatawag at sa akala ko ay si Johann iyon!
"Hello? Oo good night na rin, letche." agad kong bungad dito.
"Woah, easy.. Sino na man nag goodnight sayo?" Sabi nito pabalik. Isang pamilyar na makulit na tinig ng isang babae, Alam ko kung sino to but to confirm ay tinignan ko ang screen at halos bumagsak ang balikat ko ng makumpirmang si Mayara to!
"Ikaw ahhhh"
"Ano na naman?ha??"
"Chill, Zair. I'll just remind you na 5 days na lang at mag v-vacation na tayo yuhooo" Saad nito, bahagya ko na man nilayo sa tenga ko ang cellphone dahil sa ingay nya!
At walang sali-salitang ibinaba ko ang tawag, letche.. Sabing hindi ako sasama. Hi.n.de!
Maaga akong nakatulog kagabi kaya maganda rin ang gising ko. Nakaligo at nakaayos na ako, naka white oversized shirt at maong short lang ang suot ko ngayon. Balak ko lang naman tumambay sa likod ng bahay namin.
Nagliligpit ako ng kalat dito sa kwarto ko ng biglang nagring ang cellphone ko.
Sana hindi si Maya.
Sana hindi si Maya.
Sana hindi si Maya.
Yan ang paulit ulit kong sinasabi say isipan ko, ayaw kong mabwisit dahil sa kanya ngayon lalo na't maganda ang simula ng araw ko.
YOU ARE READING
Painful Sunset
Losowe[/On-going;] Zairerin is completely in love with the sunset... She always says that watching sunset is better than being with a guy who will fool you or what. She's not bitter, but she's not also a fan of love especially because of her experience w...