Chapter Fourteen

11 1 0
                                    


14

"How's the day?" salubong agad sa akin ni Mayara pagkapasok ko ng kwarto!

Amp, talagang pumasok sa kwarto ko to?!

Oo, Zair! Nandito nga diba? Sinagot ko rin sa isip ko ang tanong ko!

"Why you're here? this is my room"

"Wooow, parang hindi ko to ginawa noon. Wusssh, wag mo ibahin usapan"

"Amp"

"Ikaw ah"

"A-ano na n-naman" inis ko agad na usal, bakit ba nuknukan ng pang aasar to! Badtripppp!

"HAHAHA, kaya pala.. kaya pala" tango tango pa nya.

Kahit ano talaga naiisip nitong gaga'ng to!

"Kaya pala ano? kaya palang ano? HAAAA!?"

"Nakamove on kana. Nakamove on ka na ngang talaga" Ang kaninang mapang asar na tono at tingin ay napalitan ng seyoso.

OA scenes na naman to'ng amputa.

Hindi ko sya sinagot at nananatiling nakatitig sa kanya,

"I thought you love him still, but I think I'm wrong."

Ano ba sinasabi nya??!

Feeling ko ay dumadaan lang sa tainga ko ang sinasabi nya at lumalabas sa kabila. Wala akong maintindihan at parang walang maabsorb ang sistema ko.

"Akala ko ganon ka noong araw na nakita mo 'sya' dahil mahal mo pa sya... but I am wrong.. really wrong"

Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naintindihan ang sinabi nya, dahil siguro sa diin nya sa salitang 'sya'.

I feel I know who it is.. what it is.

"Kaya siguro hindi man l---" pinigil ko sya sa kung ano mang sasabihin nya.

"What are you trying to say? Maya, Just go to the point."

"I am saying that.. hindi mo na mahal si Daremm."

Eh?

Ehh?

Ehhhhh?!!

Parang bigla akong hinampas sa ulo at bigla ko na lang naalala ang mabibigat na linyang binitawan nya noong muli kaming magkita. Sa POG.

"Akala ko, mahal mo pa sya kaya ganon na lang yung bigat at sakit ng nararamdaman mo, pero parang.." binitin nya pa ako.

"..parang dahil na lang yun sa mga tanong na hindi nagawang sagutin, dahil na lang yun sa sakit na dala ng pag iwan nya sayo,  dahil ngayon lang sya nakapagpaliwanag"

Dinig ko lahat ng sinasabi ni Mayara ngayon sa harap ko, pero hindi ko maintindihan yon.

Hindi ko makuha ang pinagsasabi nya.

"Even I didn't saw how your eyes shines like the first time your eyes met.. I saw a little spark between how you stare at each other earlier." anang nya at dahan dahang bumalatay ang malaking ngiti sa mukha nya.

Parang baliw, from  teasing to serious and will end with happy face.

"Eeeeeeh, nakamove on ka na sa first love moooo!" at muli na naman akong nainis dahil sa ingay nya! Bumalik na yung madalas na ugali nya.

Mas pipiliin ko yung oa scenes nya kesa sa ganto. Badtrip akong tunay!

Amp!

"Ang sweet nya diba? Aaaackk, sis sana all" si Maya pa rin with a high volume.

Hindi ko masasabing full volume na yan, hanggang high muna. Sa bunganga nito, mas may ilalakas pa yan!

Guys, si Maya lang yan ha?

"Kinilig ka ba dun sa eksena nyo? Waaaaah, halos natigil magsilalaro yung mga tao don tas nakikilig din hahahaha.." oh, si Maya ulit yan.

"Kahit nga yung napadaan lang sa entrance ng game zone nakikilig din HAHAHA, kakilig sya Zair diba?" oo, si Maya pa rin yan!

"Anong n-nakakakilig doon?"

"Wowowow, di ka don kinilig? wooooy, halos maging kamatis ka nga don eh!" sigaw nito sa mismong mukha ko.

And I remember again, how I felt shy while his asking me that fucking question.

Sobrang nakakahiya!!!

"Hahaha, ang kyut mo mamula, kasi maputi puti ka naman diba"

"Alam mo ba kung bakit ako namula nun?" nakangiti kunwaring tanong ko, sa kalmadong tono.

"Eh malamang, sa kilig---" Hindi na sya nakatawa pa na idudugtong na naman nya sa sinasabi nya dahil nagsalita ako.

"Ulul, namula ako dahil sa hiya! Sa MATINDING hiya! Ampota" malakas na malakas na sigaw ko, sa mismong mukha nya pa.

At ang tatawang tawang best friend ko ay sinamaan ako ng tingin. Hindi ko na sya mulling pinansin at agad dumeretso sa cr para magpalit.

At nang paglabas ko, parang gusto syang buhatin palabas ng kwarto ko at dumeretso sa balcony ng second floor namin at pabatong ibalik sa bahay nila dahil...

Ampota, ngising ngisi!

Para syang na-uulul!

"Ano naman yan?!"

"Bakit ka nga ba pumayag na magpaligaw?hmmm" asta syang nag iisip ngunit ang ngisi ay nanatili.

"Tigilan mo nga ako, hmp!"

"hahahaha, alam mo bang--"

"hindi" pambabara ko agad. Palihim akong natawa at naupo sa kama, sa katabi nya.

Sinamaan nya ako ng tingin, "Tsh! Kinwento nya sakin lahat, simula noong una kayong nagkakilala.. hahaha"

"Nawalan ka daw noon ng gas? hahaha tas tinitig-titigan mo daw sya? sssshk hahahaha"

"Assuming na tunay" naibulong ko na lang.

Base sa sabi nya, noong nawalan ako ng gas, so.. Sa Manaoag yun? Bakit hindi nung nangharana sila keh ate Yumi?

Eengot engot ka din, Zair noh?! Nagkakilala sabi, hindi nagkita!

Pero hindi na man kami nagkita nun---nagkatitigan!

At muli na namang nag flashback sa isip ko ang pangyayaring yon. Kakaiba talaga yung naramdaman ko sa tinginan naming yon---

"Hoooy" naibalik ako sa reyalidad ng bigla akong alug alugin ni Maya!

"O-oh?"

"Nakikinig ka ba? eeeeeew, anong iningiti ngiti mo dyan sa sahig? Kinakausap mo yung sahig sa isip mo? ansabe?"

Gagi to ah.

"Nagkwekwento ako na ng drama ko, nakangiti pa din? Di makaget over sa kwinento ko sayo na kwinento lang sakin ni Johann--- oo nga pala.. Johann pangalan nun, namali ata pandinig ko hahahaha maingay kasi si Ate that time."

Hindi ako tumugon, wala na man akong sasabihin.

"Huy, pansin ko lang? Masyado kang lutang at lagi kang parang wala sa wisyo mo!? Okeh ka pa ba?!" Tanong nya ng walang makuhang tugon sa akin sa mga pinagdadada nya.

"Lagi akong napupuyat" tipid na sagot ko na lang at saka humiga ng maayos sa kama.

"Tulog na ako, babawi lang ng tulog" aniko habang nakapikit na.

"Hindi ka na ba mag hahapunan?" habol na tanong nya pa ngunit hindi na ako muling nagsalita pa at unti unting naramdaman ang pagod.



Painful Sunset Where stories live. Discover now