Chapter Twenty-Eight

12 0 0
                                    


28

Madaling araw pa lang noong nagising ako, agad akong bumangon at nagtungong banyo upang maligo. Pagkatapos nun ay nagbihis ako ng simpleng white hoodie jacket at maong pants. Nag powder lang ako at inayos ang buhok.

Pagkababa ko sa first floor ng bahay ay wala akong naabutang tao, siguro ay tulog pa si Aling Sarih. Napagdesisyunan ko na lang na tuluyang umalis ng hindi nagpapaalam,babalik rin na man agad ako. Malamig pa ang simoy ng hangin paglabas ko at madilim pa ng konti.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad ko iyong pinaandar, mabagal ko itong pinatakbo habang hindi pa nakakalabas ng subdivision. Pagkalampas ko, Doon ko na simulang pabilisin ng bahagya. Luminga linga ako, saan ba pwede tumambay sa oras na to?

Sarado pa lahat ng mga mall at resto, convenient store pa lang ang bukas at ilang mga sari sari store. Wala akong lugar na maisip na pwedeng puntahan dahil na rin sa halos gusali ang meron dito. Habang nagmamaneho, unti unti kong naalala ang nangyari kagabi. I really shouldn't be alone.Because when I'm alone, I feel sad.

Binabagabag muli ako ng mga katanungan, katulad na lang ng, ano kaya ang pakiramdam na may magulang sa tabi mo? Ano kaya ang pakiramdam na kayakap ang nanay mo? Ano kaya ang pakiramdam na biruin ng tatay mo? Kailan ko kaya.. masasagot ang mga katanungan ko?

Pero kasunod ng mga katanungang iyon, muling pinasok ni Johann ang isipan ko. His last text really touched my heart.

Ganon na ba kalungkot ang buhay ko? Para kailanganin pa ng ibang tao na pasayahin ako?

Ipinatong ko sa bintana ng kotse ang aking kaliwang kamay, inilagay ko sa baba ang aking mga daliri animo'y nag iisip habang ang kanang kamay ang nasa manibela at nagmamaneho. Patuloy akong binabalot ng hindi ko mapangalanang pakiramdam, hindi ako sigurado, I feel sad but I feel I'm not, I feel nervous because my hearts beats so fast but I don't know why, what the heck is happening to me? Ampota ha!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para dalhin ako ng pagmamaneho papunta dito sa POG! In the whole time I was driving I am just thinking about my feelings, what do I really feel, but then now I am here? Ampota!

Sumilay na ang mas maraming liwanag ngunit wala pa rin namang araw. Nandito pa rin ako sa loob ng kotse ko at parang tangang nakakunot ang noo na nakatingin sa entrance ng parke. I am really avoiding to go here because of what happened 5 years ago. But now, I am fucking here!

Wala sa sarili akong napalabas ng kotse, nag aalanganin pa akong humakbang ngunit nagawa ko pa rin. Bigla nawala ang hindi matukoy na pakiramdam sa akin kanina at napalitan iyon ng matinding lungkot. Papalapit ng papalapit ako sa entrance at naninikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay muling manunumbalik ang sakit. Sa sobrang babaw ko, nanginginig ako habang patuloy sa paglalakad,hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng hangin o talagang natatakot ako sa posibleng mangyari. Kakatwang wala na man na mangyayari sakin na masama rito, pero talagang masakit ang nakaraan na meron ako sa lugar na to.

Isang hakbang, isang hakbang na lang at makakapasok na ako sa entrada. Pinag iisipan pa kung tutuloy. Ang OA ko pero hindi ako masisisi, that moment hurt me a lot. Kahit hindi na tulad noon na talagang walang tigil ako sa pag iyak sa t'wing maaala iyon, masakit pa din. Being left with someone you wish to be with is hard. To the point that you just wanted to forget that thought, yung tipong hihiling kana lang na sana hindi mo sya nakilala. Na sana hindi mo sya nakasama. Being with someone for years bring happiness, but being left with someone you was with for years gave you reason to forget how happy you are when you were together.

Painful Sunset Where stories live. Discover now