33Hindi pa rin ako makamove-on sa sinabi nya! Kung hindi lang sana dumating ang crew at binigay ang bill, baka nanatili akong nakatulala sa kanya!
"What?" N-no! Edi w-wag mo suutin!" angal ko at kunwaring babawiin ang bracelet pero mabilis nya iyong tinakpan at nilayo. The smirk in his face never fades. What the hell!
Hindi pa man ako nakabawi sa sinabi nya, mas natigil ako ng bigla nyang isuot ang kapares ng bracelet! Hindi ako makagalaw! Hindi lang naman kasi ako natigil dahil sa ginawa nya, mas hindi ako makagalaw dahil sa pagdausdos ng kamay nya papuntang kamay ko hanggang sa mga daliri ko.
The different spark filled my system! Nag init ang buong katawan ko at parang natigil ang ingay sa paligid at tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko. I feel that my heart heart beats is whispering in my ears and I hear it very very loud!
Damn this man, what the hell are you doing to me! Bakit ako nagkakaganito! Agad ko'ng nilayo ang mukha ko, napasandal pa ako sa upuan ko. Hindi pa rin ako makamove on sa naramdaman ko! Kakaiba yon eh!
He chuckled. Napatitig ako. At sa pagtitig ko, parang pamilyar sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero pamilyar talaga sya. Ngayon ko lang napansin dahil ngayon ko lang nakita ng buo ang mukha nya.
A beep from my phone got my attention. It's a text from Johann, reminding me about the dinner tonight. I sighed and typed a short reply for him. Paglapag ko ng phone ko ay ayun nanaman ang paningin ni Yozrei sa cellphone ko.
At doon ko napansing.. magkamukha sila ng bahagya.. si Johann at si Yozrei. Pero mas marami pa rin ang pagkakaiba nila. Mula sa buhok,sa mata, sa ilong, at sa.. labi.
Tumikhim ako, pinuputol ang pag iisip. "Kailangan ko ng umalis. Thanks for having meryenda with me" anang ko at mabilis kinuha ang cellphone at bag.
Tumayo rin sya. "Salamat rin. Sana maulit pa" serysong sabi nya. Sa boses pa lang at sa kabuuan ng itsura, malayo na ang agwat nila ni Johann. Though they really have similarities. They look alike a bit, actually.
"Sure." pagsang-ayon ko saka nanguna na sa pag-alis. Hindi ko na sya nilingon hanggang sa makalabas ng coffee shop.
Sa byahe pauwi, hindi maalis sa isipan ko ang kakaibang pakiramdam na dulot ng sandaling dumausdos ang kamay nya sa kamay at mga daliri ko. Pasulyap sulyap rin ako sa suot na bracelet sa right wrist. Kanina ay may naiinis na part sa akin dahil hindi nya 'daw' isusuot ang bracelet kapag hindi ko sinuot ang kapares, pero ngayon ay nawala iyon bigla! Pasulyap sulyap pa ako at nangingiti sa bracelet! Ampota!
Swerte naman ako dahil walang traffic. Okay lang naman ang buong byahe hanggang sa makarating ako sa bahay. Alam ko'ng hindi na magkukumahog sa pag-aalala sina Aling Sarih dahil tinext ko sya kanina. Kaya ayun, nang pumasok ako ng bahay ay nag ngitian lang kami at nagtanong lang sya ng kaunti at sinagot ko naman.
Maaga para maghanda para sa dinner namin kaya umidlip muna ako. Nagising ako ng Alas Singko y Media at pumasok agad sa banyo para maligo. Pinili kong magsuot ng isang simpleng Off-shoulder na puti na may long sleeves at maong skirt. Isang pares ng flat sandals ang sa paa.
Hindi ko talaga alam kung paano ang ayos ko at kung ano ang isusuot ko kaya naman ganon lang ang napili kong isuot. Hinayaan ko'ng nakalugay ang buhok ko at sinuklay iyon ng mabuti. Naglagay lang ako ng pulbos at kaunting blush-on, nag lipstick rin ako ng kunti, ayaw ko ng masyadong mapula. Ang gusto ko ay yung parang humahalo lang sa natural na kulay ng labi ko.
Mag a-alas Siyete na noong nag text si Johann. Nag reply lang ako ng 'Ok, pababa na ako'. Nagpaalam ako kay Aling Sarih pero hindi ko akalaing nagpaalam na pala si Johann sa kanya. Tsk, eto talaga, botong boto sa lokong yon.
YOU ARE READING
Painful Sunset
De Todo[/On-going;] Zairerin is completely in love with the sunset... She always says that watching sunset is better than being with a guy who will fool you or what. She's not bitter, but she's not also a fan of love especially because of her experience w...