24Chapter 24 is Johann's Pov.
(A/N: First chapter to Twenty three are Zairerin's POV. Singit ko lang to ha?!Wag ka na umangal please? *🥺*)
Hindi ako madaling mahulog sa isang babae, pero simula ng makita ko sya... nagbago ata ang paniniwala ko.
Naglalakad ako ngayon papuntang tutoring room kung saan ako nag tututor. Third year college na ako bilang isang bussiness management student ng magsimula ako dito sa pagtututor ko ng mga high schools students na alanganin at bagsak ang mga grade.
Panay sayang ng tuition... yung iba!
Ginawa ko na rin to'ng sideline para makatulong sa mga magulang ko, masyadong mahal ang tuition ko at talagang ramdam ko ang hirap ng buhay namin. Dumagdag pa yung problema ng pamilya namin na parang mas binabaon kami sa hirap. Tch!
Pero kahit ganoon, hindi ako nagpapadala doon at ginagawa ko pa iyong motivation at inspiration para mas butihan sa pag aaral.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay nahagip ng mga mata ko ang mga high school students na nagkukumpulan kaya mas lumapit ako.. kunwari dadaan lang.
"Sayang pres. next s.y college kana" bakas ang lungkot na sabi ng isang estudyante.
Umugong na man ang mga pag sang ayon ng iba doon kaya mas umingay. Tss.
"Sana kahit college student ka, ikaw pa rin ang president namin.."
"Oo nga huhuhu, pres."
"Yeah, they're right.. would it be possible!?"
"Gags, hindi syempre.."
"so why they say that?duh?"
"Tanong mo sa kanila.."
"Psh.." dinig na dinig ang dalawang babae dito sa harapan ko na nag aaway.
Sino bang pres. yan?
"Students.. students.." malakas na panunuway ng isang tinig ng babae. Tumigil sa pag iingay ang mga students.
Artista ba to?
Engot! President nga daw!
"May bagong kayong magiging president, and syempre alam ko mas magiging better--" Hindi natapos nung babae ang sinasabi nya ng magsigawan ng pagtatanggi ang mga nagkukumpulan doin.
Hindi ko makita kung sino... sa dami ba naman nitong mga studyante?
Hindi na man talaga sobra sobrang dami to, madami lang!
Pero yung 'dami' na yan, sapat na para hindi makita kung sino ang pinagtitipunan, hindi ka man lang makakasingit!
"Wala ng mas better sayo" anang mga estudyante.
"Yeah.."
YOU ARE READING
Painful Sunset
De Todo[/On-going;] Zairerin is completely in love with the sunset... She always says that watching sunset is better than being with a guy who will fool you or what. She's not bitter, but she's not also a fan of love especially because of her experience w...