Chapter Seventeen

6 0 0
                                    


17

"Chill, lady. I am not going to kiss you until we aren't in a relationship. And I'll make sure that our first kiss will be.. Memorable" usal ni Johann ng mapansing naiilang at natigilan ako sa ginawa nya. Ngising ngisi ang letche!

Bwiset to!

Hindi ako nagsalita at inismiran lang sya. Akma akong tatalikuran sya at pupunta ng kusina. Balak kong kumuha ng inumin dahil parang nanuyo ang lalamunan ko!

Pero..

"Wag mo naman akong walk out-an, hehe peace na"

Iba din maging assuming to eh ano?! Ka walk out walk out ba sya?!!

"Ano bang sinasabi mo?! Iinom ako! Bwiset" sigaw ko dito at binawi ang braso kong hinawakan nya.

"And Don't you ever touch me!" sigaw kong muli.

Hindi na sya nagsalita.. Hindi nya naman kailangan magsalita! Dumeretso na ako sa kusina at agad kumuha ng tubig, nakasiyam akong baso dahil sa pinaggagagawa nya!

Nang makuntento ay  lumabas na ako ng kitchen, at halos maihi ako sa gulat dahil nandoon sya sa mismong daanan.

Kung minamalas ka nga naman, lagi pang makakakita ng letcheng malas!

"Ano ba at nanggugulat ka?"

"Eh haha--"

"Eh ano ba at sigaw ng sigaw ka, Zairerin?" Hindi ako nagulat ng magsalita si Aling Sarih, nakita ko kasi syang pumasok ng bahay galing sa backyard. At isa pa.. Pasulpot sulpot at pasabat sabat nga ang peg nya, diba?!

"Eh kasi yan! Nanggugulat!" parang batang usal ko, nakapout at nag Iwas ako ng tingin. Natawa lang sila.

Hindi ako joker!

"Hahahaha, ang kyut mo pag naiinis ka" Si Johann habang natatawa pa rin.

Nyenyenyenye

"Kyut? Kyut-tongan kaya kitang bwisit ka? haaa?" angil ko at akma syang hahampasin!

Umiwas sya at umatras, magkatabi na sila ni Aling Sarih na tawang tawa.. Tuwang tuwa rin sa bangayan namin.

Amp!

"Ang witty non, Zairerin ah. hahaha" Sabi nya. Nag roll eyes na lang ako at nag crossed arm. Saglit ko pa syang tinitigan ng hindi naman pagkasama samang tingin bago naglakad papalayo sa kanila.

"Hija, wag ka naman ganyan sa manliligaw mo.. bagay kaya kayo" Sino pa ba naman yan? Edi si Aling Sarih.

Amp, ngayon lang to naging shipper! Katanda tanda na, saka pa gumanyan!

Ampota lang talaga!!

"Talaga po? Bagay kami, Aling Sarih? Hehe ganoon rin sa tingin ko po.. Sa paningin nya kaya?hmm?" Gatong naman ni Johann.

Hinarap ko sila at ngumiti, nagulat pa sa ganoon si Johann.. "Sa paningin ko, sa paningin ko ay parang nandidilim ang paligid kapag nakikita kita! Bwiseeet"

Akala mo bagay tayo? urur!

"Umuwi ka na nga! Letcheng to"

"Bakit ba ang sasama ng lumalabas dyan sa bibig mo?" tanong nya sa akin, hinarap ko naman ulit sya at parang nagugulat ako dahil nagbago ang ekspresyon nya, naging seryoso.. or parang ang cold, emotionless... No, I can't explain, higit pa doon at hindi ko mapangalanan.

Painful Sunset Where stories live. Discover now