The Link

12.7K 381 55
                                    

"Bro." Sinulyapan ko si Denver na nagsasalita sa screen habang binubuklat ang isang aklat. "Saang parte na ulit yung irereport ko?" Tanong nito.

Napabuntong hininga ako. Pang dalawang beses na niyang tanong iyon sa akin, hindi kasi siya nakikinig panay laro kasi siya ng online games sa kanyang cellphone imbis na makinig sa meeting namin ng groupmates.

"Sa may page fifty three. Asian Cuisine." Sagot ko sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko habang isinusulat ang mga importanteng bahagi para sa report.

Nasa zoom meeting kasi kami ngayon para mapag-usapan ang reporting namin para next week.

Noong una mahirap mag online class hindi namin alam kung paano kami matututo thru internet pero wala naman kaming magagawa kaysa naman sa wala kaming matutunan ngayong year na ito at tyaka temporary lang naman babalik din naman sa normal ang lahat.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko dahil biglang bumukas ito. Bumungad sa akin si Mama na nakabihis. Lalabas ata.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumango lang ako para hindi ako makagawa ng ingay dahil seryosong-seryoso ang aking mga kasama.

"Klyde leave na ako. May klase pa ako mamayang three." Paalam sa akin ni Jelay kaklase ko at kagrupo.

Tinaguhan ko siya.

"Sige. Pwede na kayong mag leave. Chat chat na lang tayo sa gc para sa updates or call ulit bukas." Anunsyo ko sa kanila.

Tumango naman sila at isa-isang umalis sa group video.

Napabuntong hininga ako at napahiga sa malambot na kama at napatingala sa puting kisame habang inaalala ang mga ibang bagay-bagay.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad akong dumapa para buksan ang mensahe ng kaibigan. Napakunot ang noo ko ng makita ko ito.

Leni: Busy ka, Kly?

Nagtipa naman ako kaagad ng mensahe para sa kanya.

Me: Hindi. Why? May prob ba?"

Tumunog muli ang cellphone ko kaya sinagot ko ang videocall. Tumambad sa akin ang kaibigan kong umiiyak nanaman.

Ano pa bang bago?

"Kly!" At umiyak nanaman siya. "Naghiwalay na kami." Dugtong nito.

Hindi na ako nagulat. Pang-ilan na ba nilang hiwalay ito ng jowa niya? Hindi ko na mabilang, tuwing naghihiwalay o nag-aaway sila ng jowa nito lagi siyang tumatawag at umiiyak sa akin.

Sinabihan ko na nga siyang tumigil na siya sa kahibangan niya sa lalaking iyon pero hindi naman niya sinusunod ang mga bilin ko. Paulit-ulit na lang, panay-oo siya sa mga sinasabi ko panay sabing 'hindi ko na talaga siya babalikan' pero kinabukasan malalaman ko na lang sila nanaman.

Paulit-ulit na lang ang nangyayari sa kanya pero wala naman akong magagawa dun niya gusto eh. Bahala siya umiyak lang siya ng umiyak hanggang mapagod na lang siya talaga.

"Nakita kong nag comment siya sa isang picture ng babae. Nagpupusuan sila!" Iyak muli niya. Humagulhol pa siya at suminghot-singhot.

"Sinabi ko naman kasi sayo na hiwalayan mo na siya noon pa. Sinasayang mo lang ang oras mo sa walang kwentang yun." Sabi ko at inabot ang baso ng ice coffee sa gilid ng laptop.

Humagulhol muli siya. Hinayaan ko na lang pinakinggan ko na lang mga hinaing nito. Nasanay naman na ako sa mga kadramahan niya ganun din naman ako sa kanya kapag may problema sa kanya din ako natawag.

After namin mag-usap ni Leni ay pinatay ko na ang laptop tyaka nagluto ng kakainin. Alas dos na ngunit hindi pa ako kumakain ng lunch.

Binuksan ko ang ref at tinignan kung ano ang pwedeng makain. Kinuha ko ang dalawang itlog at isang buong sibuyas tyak sinimulan ng maghiwa at magluto.

Tumunog muli ang cellphone ko kaya binuksan ko ito habang hinahalo sa kwali ang itlog.

Kumunot ang noo ko ng biglang nagpop-up ang pangalan ni Denver. Clinick ko ito at tumambad sa akin ang link.

Agad kong pinatay ang apoy dahil nasusunog na ang niluluto ko ngunit hindi ko pala namalyan na naclick ko na ang link na sinend nito at dumiretso sa zoom app.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumambad ang mga lalaking nagtatawanan doon. Namula ang buong mukha ko dahil bigla silang natahimik ng makita ako.

"Sino 'yan?" Tanong nung isang lalaki. Isang Senior ata sa School mukha silang pamilyar lahat.

"Klyde?!" Gulat na tanong ni Denver. "Ay shit sorry. Wrong send ako, sayo ko pala nasend yung link." Aniya at napakamot ng buhok.

Nanatiling gulat ako at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hiyang-hiya na ako.

Sila pala ang mga member ng basketball team namin sa school. Kaya pala sila pamilyar, isa din kasing team member si Denver doon.

Hinanap ko yung biglang tumawa. Nakita ko yung chinito na halos wala ng mata habang dahil sa tawa.

"Hi." Bati nito sa akin at ngumiti.

Hindi na lang ako sumagot at papatayin ko na sana ng biglang may nagsalita.

"Hindi ko pala alam na may bago tayong member. Hindi niyo ko ininform." Sinulyapan ko si Aiden na nagsusuot ng kanyang damit habang naglalakad papunta sa cam.

Siya ang captain ng basketball team. Ang crush ng bayan ng mga halos lahat ng mga babae sa loob ng campus dahil nasa kanya na daw ang lahat, looks, money, at body you die for pero nakikita ko siya bilang mayabang at arogante. Hindi ko ba alam kung bakit sila nagkakagusto sa kanya.

"Sorry, Bro. Namali ako ng nasendan ng link—" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Denver at agad na akong nag leave doon.

Napasandal ako sa may reg at sinabunutan ang aking sarili.

"Tangina." Mura ko habang nilagay na ang niluto ko sa isang mangkok.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon