Wish

4.7K 196 52
                                    

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Hindi ko napigilan ang aking nararamdaman at bigla na lang akong naluha sa harapan niya.

Nawalan na ako kanina ng pag-asang dadalo siya ngunit para itong isang panaginip na nasa harapan ko na siya ngayon.

"A—akala ko hindi ka pupunta." Pahayag ko dito.

Tumingin ako sa ibang direksyon at agad na pinunasan ang basa kong pisngi tyaka ko siya binalingan ng tingin at ngumiti.

Ngumiti ito sa akin.

"I'm sorry." Sagot nito. Hinawakan niya ang aking kamay, bigla na lang nag-init ang aking pisngi. "Sorry kung hindi ako nagparamdam sayo sorry kung ngayon lang ulit ako."

Hindi ko alam pero bigla nanaman naluluha ang aking mga mata.

Bago pa bumagsak ang aking mga luha ay tumingala ako sa madilim na kalangitan at suminghot.

Napakalalim na talaga ang aking nararamdaman sa kanya at hindi ko alam kung kaya ki pang umahon mula sa pagkahulog ko.

"Okay lang ano ka ba. Alam ko namang busy ka."

Hinigpitan nito ang hawak sa aking kamay.

"I'm not busy, Klyde." Sabi nito.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking puso. Totoo nga ang aking hinala na iniiwasan niya ako at ayaw niya akong kausap.

Ngumiti ako.

"Okay lang." Sagot ko at tumawa ng bahagya.

"No. Hindi ako nagparamdam because I tried. Sinubukan kong di ka kausapin kasi hindi ko alam dahil nasasanay na akong kausap ka araw-araw hindi nabubuo ang araw ko kung hindi kita nakaka-usap." Anito.

Napatigil ako sa paggalaw at napatingin sa mga mata niyang nangungusap. Hindi ko na malunok ang laway ko dahil sa pagkabigla.

"Alam ko kasing dadating yung araw na mawawala ka at hindi na kita makakausao. Sinubukan ko talagang tanggalin ang nararamdaman ko na iwasan ka but I failed. Hindi ako makatulog, hindi nakokompleto ang araw ko dahil hindi kita nakaka-usap." Mahabang sabi nito. Magsasalita sana ako ng bigla muli siyang nagsalita. "Alam mo ba nung sinubukan kong hindi kita kausapin ng ilang araw parang may kulang sa akin at ikaw yun."

Hindi nagpaprocess lahat ng mga sinasabi nito sa akin. Nakinig lang ako sa kanyang mga sinasabi at hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano.

Is he confessing? Fuck.

"Sabi mo kasi hindi mo ako gusto kaya hindi na kita kinausap."

Kumalabog ang dibdib ko. Naalala ko ang huling pag-uusap namin noon ngunit hindi pa din ako makapaniwala sa kanyang sinasabi ngayon sa akin.

"Gusto kita, Klyde. I'm serious." Seryosong pahayag niya at tinignan ako sa aking mga mata.

Nangatog ang aking binti sa pag amin nito sa akin buti na lang naalalayan niya ako kaagad, nakahawak siya ngayon sa aking bewang at inaalalayan ako parahindi ako matumba

"A—aiden." Kinakabahang sagot ko.

Is this the sign to confess my love for him? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, aamin ba ako o hindi?

"Aiden." Ulit kong tawag sa kanyang pangalan.

Napaayos ako ng tayo at tinignan siya sa mata.

This is it. Sasabihin ko na sa kanya ang aking nararamdaman para wala na akong kinikimkim dito sa aking puso.

"Aiden, I like you too." Matapang na sagot ko at tila siya'y nagulat.

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon