Confused

6.7K 247 13
                                        

Kinuha ko ang isang can ng coke na nakita ko sa ref at nagtungo muli sa aking kwarto. Umupo ako sa upuan at hinarap muli ang laptop.

Wala pa ang Prof. namin halos kompleto na kaming lahat at tanging ang Prof na lng ang hinihintay.

Napsulyap ako sa screen at nakita ko doon si Aiden. Wala siya sa kanyang upuan mukhang kumuha din ng pagkain o may ginawa lang.

Natapos naman agad ang dalawang oras naming klase. Yun na ang last subject ko for today kaya naman agad na akong naligo at nagbigis dahil lalabas ako ngayong araw.

Nagcheck muna ako ng social media kung ano ang trending ngayon at tinignan ko din ang messenger ko kung may importente bang announcement sa mga gc namin.

Nung natapos ko ng lahat icheck ay dumiretso na ako sa banyo para magshower.

Pagkatapos ng mga nangyaring iyon ay wala na akong natanggap galing sa kanya, hindi naman ako nageexpect na magpaparamdam pa siya o ano pero ilang gabi na din akong hindi nakakatulog dahil naiisip ko ang mga nangyari sa aming dalawa.

We just kissed pero ang hirap kalimutan dahil unang beses kong mahalikan ang kapwa ko lalaki. It's not a big deal for me dahil alam ko namang bisexual ako pero hindi ko pa naranasan makipagrelasyon sa mga lalaki, sa mga babae lang.

"Argh!" Frustrated kong sabi at agad na pinatay ang tumutulong tubig.

Kinuha ki na ang nakasabit na towel at tinuyo ang sarili tyaka ko binalot sa bewang. Lumabas na ako ng banyo at agad na nagbihis.

Nakasuot ako ngayon ng plain white v-neck na tshirt at nakamaong pants lamang. Pupunta lang naman ako sa SM dahil may bibilhin akong damit.

Umalis naman ako kaagad ng bahay at naglakad na patungo doon.

Madami akong nakikitang kilala ko nung naglalakad ako sa Session Road tanging ngitu at bati lang ang ginagawa ko sa kanila.

I don't know pero sabi nila kapag naglakad ka daw sa Session Road ay may makikita ka talagang kilala mo o di kaya familiar na tao sayo, yun ang sabi-sabi nila and isa din ang sabi-sabi nila na kapag ipinunta mo daw ang jowa mo dito ay maghihiwalay kayo.

Agad naman akong nakarating doon. Pumila ako para magsign at magpacheck ng temperature, nung normal naman ay agad na nila akong kinapkapan tyaka pinapasok.

Agad akong dumiretso sa third floor para tignan ang nagugustuhan kong damit noon pa lang.

Ayaw ko lang kasi bilhin kasi parang nasasayangan ako sa pera. Alam mo yun? Yung parang imbis na ibili ko ng gamit nasasayangan ka pangkain mo na lang. Ganun kasi yung feeling ko kaya hindi ako mahilig bumili ng mga gamit ko like bagong sapatos o di kaya pants o tshirts, imbis na ibili ko pang-milktea ko na lang o pangkain.

Dahil nakasale sila ng buy one take one ay kinuha ko ang gusto kong design at agad na nagbayad na sa counter. Tumingin din ako ng gadgets kasi nagbabalak kaming mag-installment ng bagong phone, dalawang taon na din kasi itong ginagamit ko kaya balak ko na din magpalit.

Bumili na din ako ng ginagamit ki panlinis ng mukha ko dahil paubos na, sakto din kasi nadaan ko yung store kaya bumili na lang din.

After kong mamili ng kung ano-ano ay napagpasyahan ko ng bumaba at pumunta sa bilihan ng Milktea.

Pumila na ako kaagad at habang umuusad ang pila ay nakatingin na ako sa menu kung ano ba ang masarap na orderin.

"Oreo cheesecake large." Sagot ko nung tinanong niya ang order. Agad kong binigay ang bayad at binigay naman sa akin ang numero.

Umupo muna ako sa gilid at binuksan lang ang phone ko para malibang habang hinihintay ang order.

Nung nabored ako ay tumingin na lang ako sa paligid. Hindi gaanong madami ang tao dahil na din ata takot silang lumabas at baka mahawaan. Ang tahimik lang nakakapanibago kasi nung normal days madami talagang tao dito, maingay at nakakagalaw ng malaya pero ngayon kakaiba na.

Habang nagmumuni-muni ako doon ay nasagumi ng paningin ko ang dalawang tao na papalapit sa kinaroroonan ko.

Nakita ko si Aiden na may kasamang babae at masaya silang nag-uusao ng kung ano. Narinig ko pa ang pagtawa ni Aiden nung lagpsan niya ako.

Inilihis ko na lang ang paningin ko sa ibang direksyon.

Hindi ko alam ngunit parang kumurot ang dibdib ko sa nakita ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, kung bakit para akong wala sa sarili.

"Number thirty five!" Sigaw ng nasa counter.

Doon na lang nabalik ang diwa ko ng marinig ang numero ko. Kanina pa pala ako tinatawag ngunit wala lang ako sa sarili.

Tumayo na ako at naglakad sana para kunin iyin ng makita ko si Aiden na napatigil at napatingin sa akin.

Nagtama ang aming mga mata ngubit agad akong bumitaw at naglakad ng diretso para kunin ang order at umalis na doon sa kinaroroonan nila.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin.

He kissed me pero iba na ang kasama niya. Hindi naman ako nag eexpect ngunit may parte sa aking sarili na hindi ko maintindihan.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon