Tears

4.5K 188 15
                                    

Nakailang chat na ako kay Aiden ngunit hindi niya ito sineseen, nasesend naman ayaw niya lang ata akong kausapin o ano.

Napabuntong hininga ako at uminon ng tubig na nasa lamesa. Nilapag ko ang phone sa may table at tinignan ang labas ng bintana.

Pumapatak ang mga malalking butil ng ulan kasabay nun ang tugtog na nanggaling sa aking speaker.

"Hindi tayo pwede." Sabay ko sa kanta habang nakatingin sa labas.

Nakita ko ang iilang mga tao na tumatakbo dahil nababasa na sila.

Hindi ko alam pero rain makes me feel that I'm alone and lonely. Parang nakikisama sa nararamdaman ko ang ulan ngayon.

Nagnotif ang facebook ko at nakita kong nag add sa kanyang story si Aiden kaya agad ko itong binuksan. Nakita ko na nasa bahay siya ng kaibigan nila habang nagiinuman at malakas ang tugtog, may mga kasama din silang babae at masaya silang nagtatawanan.

Napangiti ako hindi dahil sa masaya napangiti ako dahil alam kong dadating ang panahon na magkakalabuan din ang lahat.

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na gustso ko siya pero natatakot ako dahil baka hindi niya ako tanggapin. Paano kung pagtawanan niya lang ako? Lalaki kaming pareho mahirap isipin.

Napapikit ako at agad na pinunasan ang nangingilid ang aking luha.

Naiisip ko din na baka bored lang siya dahil sa pandemic na ito kaya niya ako kinakausap kaya ginagawa niya akong libangan. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa aking kama at napatingala sa puting kisame.

Kung andito pa si Leni ay kanina ko pa siya tinawagan para sabihin ang aking problema ngunit wala na siya, ako na lang mag-isa at wala akong pwedeng paglabasan ng aking nararamdaman.

May mga ibang kaibigan din ako but hindi ganun kaclose kay Leni, friends parang common friends labg nag-uusap lang minsan but me and Leni parang magkapatid na ang turing namin sa isa't-isa alam na namin ang baho naming dalawa.

Lumips ang ilang araw wala pa din siyang paramdam sa akin. Bukas ay kaarawan ko na pero bakit ang lungkot ko? Tangina, ngayon lang ako naging ganitong kalungkot sa birthday ko.

"Ano gusto mo? Mag cacake ka pa ba?" Tanong sa akin ni Mama.

Hindi ako sumagot nanatiling nakatingin ako sa tubig ng baso habang ngumunguya. Parang wala akong ganang magcelebrate ng kaarawan.

"Wag na lang kaya, Ma?" Tanong ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Aba nung nakaraan lang sinasabihan mo ko kung ano ang bibilhin mong handa bakit ngayon nag-iba ang timpla mo?"

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang pagkain. Natapos kami at agad na akong pumasok sa kwarto ko.

Pumunta ulit ako sa convo namin ni Aiden ngunit hindi pa din niya ito sineseen. Natetemp akong magchat ulit sa kanya pero naiisip kong baka kung ano sabihin nito sa akin.

Kinagat-kagat ko ang kuko ko at nag-iisip kung magchachat ba ako o hindi kaya nung hindi ko na napigilan ang sarili ko ay agad na akong nagtipa ng mensahe.

Ako: Birthday ko bukas pupunta ka ba?

Hindi na akong nagdalawang isip na isend ito. Agad na nakarating ang mensahe at laking gulat ko na lang ng sineen niya kaagad ito.

Hindi ako mapakali nung bigla kong nakitang nagtatype siya. Napatili ako sa tuwa at excitement. Fuck, para na akong baliw dito.

Aiden: Titignan ko.

Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa sa sinabi niya. Ilang minuto siyang nagtatype pero yan lang pala ang irereply? Pero atleast nagchat ito.

Ako: Okay.

Muli akong nagtipa.

Ako: Kumusta? Busy ka na ata?

Agad din naman niyang sineen. Ang bigat ng pakiramdam ko nasanay na kasi akong lagi ko siyang kausap.

Aiden: Oo eh.

Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanyang sinabi. Nakatingin lang ako sa screen at nag-iisip kung ano ba ang pwedeng ireply sa sinabi niya, gusto ko pang pahabain ang usapan namin gusto ko pa siyang makausap.

Ako: Busy ka? Pwede ako tumawag?

Napapikit ako dahil nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Para akong nanlilimos ng oras sa isang tao. Hindi naman kami pero bakit ako nasasaktan ng ganito.

Aiden: Wala ako sa bahay.

Hindi ko binuksan ang mensahe niyang iyon. Napatingala ako sa kisame para pigilab ang pagbagsak ng aking mga luha pero kahit anong pigil ko at bigla na lang bumagsak ang mga ito.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon