Rain on me

4.4K 164 5
                                    

Kinaumagahan ay rest day ko kaya late akong nagising. Nagpaschedule ako ng rest day ko today because death annoversarry ni Leni and I want to visit her.

Sa ganoong paraan ko lang siya nakakausap naiibahagi lahat ng nararamdaman ko kapag nasa puntod niya ako ay nararamdaman ko para siyang nakikinig sa mga hinaing at mga kwento ko.

Paggising ko ay naghilamos na ako nanuod oa ako ng mga vlogs sa youtube bago lumabas ng kwarto para magluto.

Paglabas ko ay nakita kong magkayakap yung magjowa na nagsstay sa kabilang kwarto, bigla silang napabitaw ng makita akong lumabas.

"Goodmorning Klyde." Bati ni Mara sa akin. Ngumiti ako.

"Agad-aga ah nang-iinggit kayo." Tukoy ko at tumawa. Binuksan ko ang ref tyaka kumuha ng itlog.

Dito sa bahay namin ay hati-hati kami ng grocery, kung ano ang nasa loob ng ref sa amin iyon share-share kumbaga. Pati na din kuryente at tubig hati kami sa pagbayad.

"Maghanap ka na kasi ng jowa mo para di ka naiinggit." Ani Garret yung jowa niya.

Umiling-iling ako at kumuha ng bowl tyaka crinack ang itlog doon. Kumuha ako ng asin at tinidor para batilin ang itlog.

"Pass. Aalis din naman ako mahirap LDR." Biro ko.

"Sabagay. May niluto kami jan na adobo kuha ka lang." Ani mara tinanguhan ko lang siya.

Pagkatapos kong batilin ang itlog ay kinuha ko ang fresh milk tyaka nagsalin sa baso ko. Uminom ako at nilapag sa may lamesa tyaka kumuha ng bread. Niluto ko na din ang itlog at ginamit kong palaman iyon.


Pagkatapos kong kumain nagpaalam ako sa kanila na sa kwarto lang ako. Nagscroll lang ako sa mga social media accounts ko at nagview ng mga my day ng mga friends.

Biglang nag-pop up ang pangalan ni Denver sa itaas. Binuksan ko ang mensahe niya.

Denver: First day ko ngayon rest day mo pala. Ikaw sana magtuturo sa akin eh.

Umiling ako habang nakangiti. Bilis naman siyang nahire. Sabagay magkakilala sila ni Aiden kaya ata mabilis siyang nakapasok.

Agad akong nagtipa ng reply.

Ako: Baliw. Magtrabaho ka na jan bawal mag phone mahuhuli ka ng supervisor.

Agad kong pinatay ang phone ko at umidlip na lang muna dahil wala naman pwedeng gawin. Gusto ko sanang maglinis ng kwarto ki ngunit tinatamad na ako.

Paggising ko ay mag-aalas tres na ng hapon kaya agad na akong naligo. Sinuot ko ang puting long sleeve na may bulaklak na design, tinupi ko ito ng half nagsuot din ako ng isang itim na pantalon at nagtuck-in tyaka nag suot din ng rubber na black shoes.

Nilingon ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok ko. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako ng bahay at naghanap ng taxi. Sinabi ko naman agad sa driver ang memorial park na pupuntahan ko.

Pagkababa ko pa lang ay napangiti na ako. Walang tao, tanging ako lang ata ngayon ang nandito. Binaling ko ang tingin ko sa direskyon ng puntod ni Leni tyaka maslalong napangiti.

Napatingala ako sa kalangitan, madilim ang kalangitan parang nararamdaman ko ngayon. Madami akong gustong sabihin kay Leni sa kanya ko lang nabubuhos ang lahat ng damdamin ko kahit hindi siya sumasagot alam kong nakikinig siya.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa puntod niya. Lumuhod ako at hinaplos ang malamig na lapida nito. Umupo ako sa gilid at tinignan ang kalangitan.

"Ilang taon na din nu Leni. I miss you so much." Nakangiting bati ko at binalingan muli ang lapida. "Ilang taon na din ngunit hindi ko pa din makalimutan andito pa din eh." Sabi ko habang nakahawak sa may bandang dibdib.

Pinigilan ko ang pagluha. Ayaw kong makita ako ni Leni na hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa lalaking iyon.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Leni na nagpapakatanga sa isang lalaki. Pareho lang din pala ang kakahinatnan namin sa pag-ibig ngunit ni minsan hindi ako magpapakamatay dahil lang doon.

Muli akong napatingala sa kalangitan. Naramdaman ko ang pagbagsak ng isang butil ng ulan sa aking pisngi, hinawakan ko ito at tinignan ang tubig.

"Bakit napakasakit magmahal?" Tanong ko sa sarili ko. "Leni, alam mo ba sa kanya ko lang naramdaman ang mga first time sa akong buhay, sa kanya ako unang nahulog, sa kanya ko binigay ang unang halik ko, sa kanya ko binigay ang puso ko pero alam mo ba kung anong nangyari?" Tanong ko at pinipigilan ang pagbuhos ng aking mga luha galing sa mga mata.

"Sa kanya ko din pala unang mararanasan ang pagkabigo at ang sakit-sakit. He played my own feelings for him. Sana pala hindi na lang ako umamin."

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbagsak ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nanatiling naka-upo ako sa puntod ni Leni. Humiga ako sa tabi nito habang tinitignan ang pagbagsak ng mga ulan na nangagaling sa itaas.

Kahit ang panahon ay nakikiramay sa namatay kong puso noon pa. Napakalungkot ng araw na ito.

Habang nakatingala ako ay hindi ko inaakala na bigla kong makikita ang mukha ni Aiden habang hawak ang isang payong. Nakasuot pa ito ng itim na long sleeve at nakatingin sa akin habang ako ay nakahiga.

Parang naging slow motion ang pagbagsak ng mga ulan sa akin. Ang pintig ng puso ko ay lumalakas na akala mo'y gustong kumawala.

Anong ginagawa nito dito?

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon