Cheers

4.9K 189 9
                                    

Katatapos lang class ko at hindi na ako nag abala pang tanggalin ang uniporme kong suot. Nag sscroll ngayon ako dito sa facebook at hinahanap lahat ng mga lalaking nagngangalang Renz sa University. Hindi ko nga alam kung sa school ba siya nag-aaral o ano.

"Fuck!" Mura ko at naitulak ang laptop palayo. Nagulo ang mga ibang gamit na nasa table.

Ginulo ko ang buhok ko at tinapon ang sarili sa kama. Napatingin ako sa puting kisame at nag-isip ng kung anong bagay-bagay.

Tumunog bigla ang phone ko kaya agad ko itong inabot sa table. Sinagot ko ang tawag at tumambad sa akin ang mukha ni Aiden na nakangiti.

"Gwapo mo kanina sa klase ah." Anito. Namula ako dahil doon at napatawa.

"Parang tanga. Bahala ka nga jan." Sagot ko ngunit may ngiti sa labi.

Kahit papaano ay hindi ko na masyado naiisip ang pagkawala ng kaibigan ko, andito si Aiden lagi na kausap ko araw-araw lagi niya akong inaasar ng kung ano-ano at lagi siyang nagkwekwentovng bagay-bagay.

"Musta araw mo?" Tanong niya.

Tinanggal niya abg butones ng kanyang uniporme at agad na hinubad ang suot, nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa ibang direksyon.

"Gago ka talaga. Bakit dito mo pa ginagawa yan, dapat nagbihis k na bago tumawag." Pahayag ko sa kanya.

Sinulyapan ko ang screen at nakita ko siyang umalis sa upuan tyaka pumunta sa kabinet para maghanap ata ng maisusuot. Agad naman itong nakahanap.

"Pakopya ako ng assignment ah." Anoya nung lumalapit siya habang sinusuot ang puting plain tshirt.

"Bahala ka jan." Sagot ko.

Kinuha ko ang isang unan tyaka niyakap ito.

"Aalis ako mamaya." Muling sabi niya. Nilingon ko siya sa screen, humiga na din siya.

"Bakit ka sakin nagpapaalam? Pake ko kung umalis ka." Sagot ko para inisin siya.

"Sinasabi ko lang baka magselos ka nanaman." Ganti niya.

Napailing na lang ako. Hinding-hindi talaga ako mananalo sa asaran na ito, alam na alam niya talaga ako kung paano asaran.

Parang kailan lang, parang nung aksidente lang akong napasok sa group videochat nila, pati yung post at ngayon sobrang close na naming dalawa.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Mag-iinom sa bahay ng pinsan ko." Agad na sagot nito.

Tumango lang ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay agad na akong nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto para tignan ang pagkain na nakahanda.

Paglabas ko ay nakita ko si Mama na natutulog sa sofa nakabukas pa ang tv kaya pinatay ko ito at dumiretso na para kumain.

Nung medyo hapon na ay napagpasyahan kong umalis muna ng bahay at pumunta sa Recess sa may Session road. Bukas naman ito tyaka pwede naman ng mag dine-in basta isang tao lang sa isang table.

"Good afternoon po." Ano nung waiter, nginitian ko ito at nagtungo sa bakanteng lamesa, sumunod naman ito at binigay ang menu.

"Kape lang." Pahayag ko at tumingin sa paligid.

Kunti ang tao, hindi tulad noon na kapag ganitong oras ay halos puno na ang resto at maingay. Nakakpanibago talaga ang ganitong set-up hindi makagalaw ng maayos.

Ilang minuto lang ay dumating na ang order ko. Hinaluan ko na ito ng creamer at sugar tyaka tinikman ang lasa.

Nilabas ko ang phone ko at muling pinagpatuloy ang paghahanap sa lalaki. Madami akong nakikitang Renz ngunit hindi ko alam kung sino dito.

Bakit kasi hindi sinabi sa akin ni Leni ang pangalan ng jowa niya.

Dalawang oras din ata ang tinagal ko doon nung napagpasyahan ko ng umalis. Naglakad-lakad muna ako doon sa may Session bago tinahak ang daan pabalik ng bahay. Napagpasyahan ko din na magtake-out ng manok para uulamin namin mamayang gabi.

Nakarating naman ako kaagad sa bahay, naligo na kaagad ako para madisenfect ang aking sarili, mahirap na.

"Ioopen na daw nila Baguio ngayong September." Bungad ni Mama pagkalabas ko sa  banyo.

Pinunasan ko ang buhok ko.

"Bakit daw? Hindi pa tapos ang pandemic ah."

"Malay ko pero Region One lang daw."

Napabuntong hininga ako at pumasok ng muli sa aking kwarto. Muli ko na lang pinagpatuloy ang pagpupunas sa aking katawan at buhok.

Kung ibubukas nila ay mahighirapan kaming mga tao dito sa Baguio, madami na nga ang cases dito tapos ioopen pa nila edi maslalong dadami. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ng mga namamahala, mas importante ata ang kikitahin kaysa sa safety ng mga mamamayan.

Nagsend ng video si Aiden kaya ahad ko itong binuksan. Kumunot ang noo ko ng makita ko ito, agad ko itong clinick.

"Uyyy!" Sigawan ng mga taong nasa video habang nakahawak ng beer. "Nosi, bosi balasi! Sino, sino ba sila!" Sabay-sabay nilang kanta at agad ng natapos ang kinakanta nila.

Tumutok ang camera sa isang lalaking naka kulay pula habang tumatawa. Nakahawak ito ng beer at agad niyang nilagukan.

"Happy Birthday Renz!" Sigaw ni Aiden at sabay-sabay nilang pinatunog ang beer na hawak nila.

Para akong malalagutan ng hininga sa aking narinig.

Renz? Hindi kaya siya ito? O di kaya ibang Renz lang, madaming nangangalang Renz pero posible kayang siya ito?

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon