Please support the BL Series 2: Voice, will post it soon! Thankyou.
Please play the song Hindi Tayo Pwede if you are reading this para mafeel niyo talaga. Haha
***Unti-unti akong tumayo habang nakatitig sa mga mata niyang nangungusap. Hindi ako bumitaw sa titigan namin, madami akong gustong sabihin madami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.
Hindi ko inalintana ang malamig na nararamdaman ko dahil sa ulan. Hindi ko na din inalintana an basa kong damit at sapatos, nakatitig lang ako sa kanya.
Ilang taon na din nung huli ko siyang matitigan ng ganitong kalapit. Kailan nga ba ang huli? Noong kaarawan ko at doon na na din nagsimula ang lahat.
"A—anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at pinunasan ang aking pisngi na akala mo'y mapapansin niyang umiyak ako.
"I came here to see you. Hinanap kita sa Hotel pero wala ka sabi nila rest day mo and nabalitaan kong nagresign ka na." Sabi niya sa akin.
Ngumiti ako. Maybe kailangan namin ng closure, kailangan ko ng closure para mapalaya ang aking nararamdaman para na rin maging masaya ako. Maybe iyon tapaga ang kailangan ko para hindi ko na kinukulong ang sarili ko sa nakaraan.
"Yes, I resigned." Pahayag ko sa kanya at ngumiti. Lumapit pa ako lalo dito pero hindi man lang siya gumalaw.
"Dahil ba sa akin?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Nagresign na ako bago ka naging boss namin at hindi dahil sayo. I'm doing it because of myself." Pahayag ko.
Nagdalawang isip ako kung hahawakan ko ang kamay niya ngunit hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa payong. Tumingala ako para maslalong makita ang makisig niyang mukha.
I miss him so much pero hanggang dito na lang ata ang love story naming dalawa. Love story na hindi pa nag-uumpisa ngunit natapos na agad.
Ngumiti ako ng mapait at sinubukang pigilan ang mga luha ko na gustong kumawala pero bigo ako. Bigla na lang umagos ang mga ito.
Gamit ang isa niyang kamay ay idinampi biya ito sa aking pisngi at pinahid sa mga kuhang umaagos dito.
Ngumiti ako ng mapait.
"I love you so much." Pag-amin ko sa nararamdaman ko noon pa.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatitig sa mga mata kong puno ng kalungkutan. Maybe ito na talaga.
"K—klyde." Nauutal na pahayag niya.
"Alam mo ba nung aksidente kong naclick yung zoom room niyo na sinend ni Denver? Hindi ko alam na dun pla magsisimula ang lahat, natatawa na lang ako habang na-iisip yung mga nangyari noon." Sabi ko sa knya habang tumatawa, dahil sa mga tawa kong iyon lamang naitatago ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.
"About din sa post na iyon, hindi talaga ako yun pero alam mo kung sino man ang gumawa ng post nun I want to thank that person kasi yun din ang isang tulay para magkakilala tauo at mas maging close pa tayo."
Hindi siya nagsalita, pinapakinggan lang niya ang aking sinasabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at nangungusap ang kanyang mga mata.
"I miss you so much. Alam mo ba noon hindi kompleto ang araw ki na hindi kita maka-usap hanggang ngayon hindi kompleto ang buhay ko." Ngumiti ako ng mapait.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Kumislap ang mga nata niya at may butil ng luha na tumulo dito, agad ko itong pinunasan.
"Nung Birthday ko." Sabi ko sa kanya. Magsasalita sana siya pero umiling ako kaya napatigil ito. "Alam mo ba kung ano ang winish ko?" Hindi siya sumagot.
"Hiniling ko na sana hindi kita nakilala pa pero nagkamali ako ng hiniling dahil thankful ako na nakilala kita, hindi ko sana nararamdaman ngayon kung paano magmahal at paano masaktan. Pero ang sakit pala pero okay lang, mawawala naman din dito not now but soon."
Muli nanamang nagsituluan ang mga luha ko. Akala ko naiyak ko na lahat noon pero pa palang natitira pero pinapangako ko na sa sarili ko na ito na ang huling iyak ko sa nararamdaman ko na ito dahil I'm giving myself a closure para makalaya na sa mga sakit na nararamdaman ko.
Tatlong taon na din akong nagdusa and its time to make myself happy now.
"I will treasure all of our memories. Naging malaking parte ka na sa buhay ko because you are my firs love and first heartbreak." Pahayag ko at binitawan na ang pagkakahawak sa kanya.
Ngumiti ako dahil ora akong nabunutan ng tinik sa mga pag-amin ko sa kanya. I want to free myself and make myself also happy.
"Friends?" Alok ko sa kamay ko.
Tinitigan niya ito tyaka tinignan niya ako.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang tapikin ang kamay ko na nakalahad para sana sa shake hands.
"I don't want to be your friend." Diretsong pahayag niya at agad akong sinunggaban ng halik.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa bawat halik na iginagawad nito sa akin.
***
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...