This is my last week dito sa Pilipinas at ngayon ang araw na matatapos na ako sa work.
Pagtingin ko sa orasan ay mag aalas tres na kaya dali-dali ko ng inayos ang trolley ko at nilagay sa may pantry dito sa floor ko.
Habang pababa pa ako ay nakasalubong ko si Kesha. Nginitian ko siya kaya agad siyang lumapit sa akin.
"Aalis ka na talaga? Saan tayo niyan mamaya?" Tanong niya.
"Amper tayo." Sagot ko.
Ilang linggo na din laging dumidikit si Aiden sa akin, hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa. Aalis na din naman ako at wala akong balak sabihin sa kanya bakit ako nagresign, kapag tinatanong niya bakit ako aalis sinasabi ko na lang maghahanap ako ng ibang work.
Minsan nga sinabi pa niyang tataasan niya daw sahod ko kung naliliitan ako, kasi sahod namin dito three hundred fifty per day medyo maliit nga lang pero ayaw ko naman na ganun gawin niya kasi unfair sa mga ivang enployee at aalis na talaga ako, nakadesisyon na ako noon pa.
Noong nakita nila kaming magkasabay kumakain sa Cafeteria ay kami na halos ang naging chismisan dito sa Hotel, kapag tinatanong nila kung magkakilala kami ni Aiden ang tanging sinasabi ko lang sa kanila ay magkaibigan kami noong college days.
"Klyde." Nilingon ko si Kuya Romel. Yung guard namin, mag-oout na sana ako.
"Bakit po?" Tanong ko dito at tinanggal ang dumi sa sapatos.
"Bago ka daw mag-out daan ka muna sa office." Aniya, tumango ako at hindi ko na muna inout ang dtr.
Naglakad ako patungo sa office niya. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay nakita ko na siyang nakahilig sa swevil chair animo'y pagod na pagod sa mga ginagawa.
Napalingon ito sa akin dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Agad siya g tumayo at lumapit sa akin.
"Kumusta?" Tanong ko at ngumiti.
Niyakap niya kaya niyakap ko na din siya. Sa loob ng ilang linggo ay nasasanay na ako sa mga ginagawa niya, maslalong nagiging matibay ang nararamdaman ko sa kanya pero hinayaan ko lang ang damdamin ko dahil pagkatapos ng lahat ng ito kapag nasa malayo na ako pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huli kong makakasama at mararamdaman ang ganito para sa kanya.
I'm moving on after this.
Bumalik na siya sa upuan niya kaya umupo ako sa harapan nito. Bumuntong hininga siya at tinignan ako.
"Last day mo na? Wag ka na kasing umalis." Sabi nanaman nito sa akin.
Walang araw siyang hindi namimilit na hindi ako mag resign. Hinahayaan ko na lang siya kasi alam naman niya kung ano talaga ang sagot ko.
"Naku Aiden tigil-tigilan mo ko. Kumain ka na ba?" Tanong ko.
Umiling ito. Kumunot ang noo ko at tinignan ang mga papeles na nasa table niya. Napailing na lang ako at binuksan ang bag ko. Kinuha ki ang isang malambot na tinapay at inilahad sa kanya.
Tinitigan muna niya bago niya ito kinuha.
"Sweet mo talaga." Biro niya at binuksan niya kaagad. "Ang sarap pala pag galing sayo."
"Manahimik ka nga at kumain ka na lang jan."
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang uminon ng tubig. Nag-usap lang kami at nagkwentuhan ng iba't-ibang bagay.
Mamimiss ko siya, mamimiss ko ito pero I need to let go my feelings for my future. This is just part of my life and I am thankful na naranasan kong magmahal kahit hindi pwede.
Tamang panahon pero maling tao, I think but it's ok atleast U experienced being inlove.
"Mqy dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya ng bigla niyang napansin na nakatitig ako sa kanya.
Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Akin nga kamay mo." Sabi ko dito.
Inilahad naman niya. Hinawakan ko ito at hinaplos ko ang palad nito. Kinuha ko ang isang pendat sa aking bulsa, inorder ko pa ito noong nakaraan para ibigay lang sa kanya.
Hugis mundo ito na gold. Hindi ko alam kung bakit iyon ang kinuha ko dahil na rin ata gusto ko na kapag makita niya itong pendant na ito maalala niya ako.
"Ano to?" Nagtatakang tanong niya at agad niya itong sinuri. "Bakit mo ko binibigyan ng ganito?"
Ngumiti ako at di nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinusuri niya ang aking ibinigay.
Nangingilid ang mga luha ko kaya bago pa niya ito makita ay agad ko ng pinunasan palihim.
Magsasalita sana siya ng narinig namin ang pagbukas ng pintuan. Biglang tumambad sa amin ang isang lalaki habang may ka-akbay na babae.
Napatayo si Aiden habang nagtatakang nakatitig sa mga ito.
"Renz?" Aniya kaya nilingon ko ang lalaking tinatawag niyang Renz. Kumunot ang noo ko.
Renz? Ito ba yung pinsan niya? Kumalabog ang dibdib ko.
"Ang kulit kasi ng fiancé mo sabi ko naman kasi sa kanya na patapos na shift mo pero nagpumilit pa din kaya nagpunta na kami dito." Ani nung Renz.
Napatayo ako at napatingin kay Aiden. Nakita ko ang pangamba sa kanyang mga mata. Agad kong binalik ang tingin ko sa lalaking Renz.
"Staff mo?" Tanong niya.
Hindi nakasagot kaagad si Aiden.
"Oo may pinag-uusapan lang kami."
Para akong sinaksak ng ilang beses. Alam ko naman na dadating sa puntong ganito pero masakit pa din talaga kapag totohanan na, ilang ulit na pero ganun pa din pala kasakit.
"Mauna na ako S—sir." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na akong tumalikod at naglakad paalis sa kinaroroonan nila.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay siya din pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ang hirap magmahal?
***
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...