Videocall

5.3K 214 39
                                    

Dinampot ko ang isang can ng coke sa ref at tyaka binuksan ito, gumawa ito ng tunog at agad kong nilagok.

Napasandal ako dito at napatingin sa puting kisame. Naalala ko nanaman ang nangyari dito sa bahay at nung nakita ko si Aiden sa Mall.

Napailing ako para maiwaksi sa isipan ang mga ala-ala. Napabuntong hininga ako at muling pumasok sa loob ng kwarto ko.

Pagpasok ko ay narinig ko ang kantang tumutugtog dito. Napasandal muli ako sa pintuan ng sinara ko ito tyaka tinignan ang buong kapaligiran.

"Fuck!" Mahinang mura ko at agad na tumalon sa malambot na kama.

Binalot ang sarili sa makapal na kumot at pumikit baka sakaling malimutan ang mga nangyari.

"Tangina talaga." Muling mura ko at tinanggal ang kumot.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong binuksan. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang notification.

Aiden Benedict sent you a message.

Agad ko itong swinipe kaya napunta ito sa message request. Nakakunot noo kong pinindot ito.

Aiden: Hi

Hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi. Nakatingin lang ako sa mensahe niya habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa phone.

Wait, hindi naman niya makikita na sineen ko ang message niya diba kasi nasa message request lang naman ito dahil hindi ko naman inaccept ang friend request niya.

Napapikit ako ng ilang beses at muling inisip muli kung magrereply ba ako o hindi.

Pinindot ko ang like button. Naging blue na may check ang gilid ng message at agad na naseen ito. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang typing.

Aiden: Hru?

Hindi ko alam kung bubuksan ko ito pero sa huli ay binuksan ko na lang at agad na nagtipa ng mensaheng irereply sa kanya.

Me: Fine.

Nagdalawang isip pa ako kung tatanungin ko din siya ngunit binura ko na lng ang dugtong ng mensahe ko at yan na lang ang pinadala.

Muli itong nag typing ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay wala pa din reply. Pabalik-balik kong tinitignan ang phone kung may message ba ito pero wala.

Halos mapatalon ako sa kama ng biglang tumunog ito. Bumilog ang mata ko ng makita ko ang pangalan ni Aiden na tumatawag. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi.

Nakailang ring pa ito bago ko sinagot.

Bumulagta sa akon si Aiden na nakahiga sa kama habang walang suot. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa kanya o hindi.

Nakangisi ito sa akin habang nakatinginsa camera.

"Hi." Aniya at humagikhik pa.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakaramdam ko ng init sa aking katawan.

"Ginagawa mo?" Tanong niya na animo'y sobrang close namin.

Humiga ako sa kama at tinignan siya.

"Okay lang. I—ikaw?" Sagot ko.

Tinignan ko ang kanyang katawan. Nakita ko ang tattoo niya sa bandang dibdib, arabic ito at hindi ko alam kung ano ang meaning. May maliit na tattoo din siya sa bandang balikat niyang, isang maliir na airplane.

Airplane, simbolo ng kuring kinukuha niya, pagpipiloto.

"Okay lang din." Aniya at may kinuha siya sa kanyang gilid.

Nakita ko ang chips sa kanyang kamay at agad na kinain ko. Tumunog ang pagnguya niya sa mga ito habang nakatingin sa akin.

"B—bakit ka pala napatawag?" I asked at tinabingi ang phone.

"Wala lang. I'm bored."

Bored? Eh bakit ako ang tatawagan niya? Ang dami niyang mga kaibigan bat ako ang guguluhin niya? Ginugulo na nga niya isipan ko tapos guguluhin pa niya lalo.

"Bakit ako? Sana mga kaibigan mo na lang tinawagan mo."

Ngumiti ito.

Nakaramdam ako ng kung ano sa aking tiyan.

"Hmmm." Sagot nito at nilapit ang camera sa kanyang mukha.

Napatingin ako sa mapula niyang labi. Bigla nanamang sumagi ulit ang mga pangyayari noon, fuck.

"Busy sila eh." Aniya at nilayo na ang camera.

Busy? Eh kanina kalaro ko lang si Denver sa ML at among us. Kung bored siya bakit di na lang din siya maglaro. Sometimes games can make your life easier.

"A—ah." Yun na lang ang nasagot ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Matutulog ka na ba?"

Tumango ako at niyakap ang unan.

"Oo. I—ikaw ba?" Hindi ko alam kung bakit natanong ko iyon sa kanya.

"Mamaya pa hindi pa ako inaantok."

O baka kakausapin pa niya ang jowa niya. Bakit hindi na lang siya ang tawagan nito at hindi ako ang iniistorbo niya.

"Matutulog na ako." Walang ganang pahayag ko.

Hindi ko alam nawalan na lang ako ng gana bigla dahil sa naisip ko. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa aking sarili. Tangina.

"Aga pa ah."


"May klase ako bukas. Bakit ako tinawagan mo sana yung jowa mo na lang."


Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Dahil ata nasa isip ko ang bagay na iyon kaya nasabi ko na lang bigla.


Shit.


Narinig ko ang kanyang pagtawa. Kumunot ang noo ko dahil dun.


"Cute mo." Sabi nito na ikinainit ng aking pisngi.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon