Work

4.8K 190 4
                                        

Mag-aalas kwatro na ng makarating ako ng bahay. Hindi na ako nag abala pang tanggalin ang suot ko, itinapon ko na ang sarili ko sa kma at natulog na dahil sa pagod.

Alas nwebe naman ako ng nagising ako. Naligo na ako at nagluto ng pwedeng ulamin. Umupo na ako sa hapag at nagsimula ng sumubo.

Sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari kanina. What the hell, bakit siya na ang naging boss namin doon.

Naglakad ito papunta sa may front desk at kasunod niya si Mister Grande. Tumigil sila at humarap sa aming mga staff na nakahilera.

"Magandang araw sa inyo. Ito pala si Aiden Benedict Rivas ang aking apo, siya na ang magmamanage ng Hotel dahil medyo tumatanda na at hindi na nakakaya pa ang mga ibang gawin dito." Anoya at inakbayan niya ang kanyang apo na walang ka-emoemosyon sa kanyang mukha.

Nagbulongan ang mga tao sa paligid. Kinalabit pa ako ni Kesha at nung sinulyapan ko ay nakita ko ang mukha niyang nangangamatis.

"Ang gwapo pala ng apo niya. May jowa na kaya siya?" Bulong na tanong niya habang kinikilig.

Kinurot ko ang kanyang tagiliran at umirap. Binaling ko ang direksyon kay Mister Grande na nagsasalita pa ngunit nahuli kong napasulyap si Aiden sa akin kaya umakto akong hindi ko yun nakita.

"Sis! Tinignan niya ako. Omg mamamatay na ata ako." Oa na sabi ni Kesha. Hindi ko na lang pinansin.

Yun lang ang nangyari nung pinatawag kami, pagkatapos nun ay tinuloy na namin ang gawain para maaga matapos at wala ng gagawin.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga ginamit ko at dumiretso muli sa aking kwarto. Binuksan ko ang laptop at tinignan ang mga friend request.

Kumunot ang noo ko ng biglang nag notif at nakita ko si Denver na nagfriend request. Bago ba niya itong facebook? Sa pagkaka-alam ko friend na kami noon.

Sinearch ko ang pangalan niya para sana tignan ang old niyang fb ngunit wala na. Magdeactivate ata kaya inaccept ko na lang ito.

Pagka-accept ko ay bigla itong nagchat.

Denver: Tara shot.

Napatawa ako dun. Naiiling ako habang nagtatype ng irereply sa kanya.

Ako: Saan naman? At kasama?

Muli akong lumabas ng kwarto at kumuha ng softdrinks sa ref tyaka muli ako bumalik doon. Umupo muli ako habang naka taas ang dalawang paa.

Denver: Andito kami ngayon sa One Piece. Halika na ah libre naman.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o ano. Nagdadalawang isip kasi ako, gusto ko na hindi pero sayang kasi libre yun at ngayon lng ulit kami nagkita ni Denver.

Muli akong nagtype.

Ako: Oo na wait mo ko sa labas papunta na ako.

Pagkasend ko ay pinatay ko na ang laptop at dali-daling naghanap ng damit at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay nagpabango lang ako at nagdala bg ilang cash.

Agad din naman akong nakasakay ng taxi at agad na nakarating doon. Pagkababa ko ay nakita ko na si Denver na kumakaway habang papalapit sa akin.

Ibibigay ko na sana ang isang daan sa driver ngunit naunahan na ako ni Denver at masasalita pa sana ako ng bigla niya ako g hilahin.

"Akala ko nagjojoke ka lang." anoya habang nakahawak sa aking kamay habang bumaba sa hagdanan.

"Libre eh mahirap tanggihan. Sino pala mga kasama mo?"

"Sila London." Aniya na ikinatigil ko kaya bigla siyang bumitaw sa hawak at napatingin sa akin. "Wala siya busy siya."

Para akong nabunutan ng tinik sa kanyang sinabi. Pinakita ko na ang I.D ko sa bouncer kaya agad akong pinapasok.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay narinig ko na agad ang malakas na tugtog at mga ingay ng mga taong nag-iinuman.

Kumaway ang mga tatlong mga lalaki sa amin kaya agad akong hinili ni Denver papunta sa kanila.

"Si Klyde pala, ito si Keni, Hans at London." Pakilala niya sa mga kasama.

Nakipagkamayan ako at binati sa kanila. Ngumiti ako kay London, maslalo din siyang gumwapo tatlong taon din kaming di naglakasaka nito, naging close ko lang naman siya dahil kay Frank noon nung nag-inuman sa bahay.

Binigyan ako ng maiinom ni Denver kaya agad ko naman itong kinuha at uminom lang ng paunti-unti. Wala kasi akong planong magpakalasing ngayon, chill lang.

"Dito ka na ba?" Tanong ko kay Denver.

Tumango siya at agad na nilagok ang inumin. Napapikit siya at agad na napatitig sa akin.

"Oo, balak ko ngang mag-apply sa pinagtratrabauhan mo." Biro nito.

Uminom ako.

"Baliw. Mag-apply ka hiring naman tyaka di na din naman ako magtatagal dun."

"Bakit naman?" Tanong niya habang nagsasalin ng maiinom.

Binigay niya ang baso ko kaya agad ko itong kinuha at nilagok ng isahan tyaka pinunasan ang bibig at ngumiti sa kanya.

"Next month na ako aalis dito sa bansa dun na ako sa America magtratrabaho." Sagot ko dito at muling nagsalin ng maiinom at nilagok ito.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon