The Owner

4.4K 168 12
                                    

Alas tres na ng madaling araw ng naka-uwi ako sa bahay. Pagpasok ko pa lang sa pintuan ay katahimikan ang bumalot dito.

Wala na dito si Mama nasa Manila na siya, pagkatapos ko kasing grumaduate ay umuwi na si Papa galing abroad at nagpatayo silang dalawa ni Mama ng isang maliit na Restaurant doon.

Bihira lang akong pumunta doon dahil may work ako dito. Napagpasyahan din namin nila Mama na ipatransient na lang ang isang kwarto dito, magcouple na nagwowork sa isang call center ang nasa kabilang kwarto habang nasa same room pa din ako.

Sa loob ng tatlong taon ginugulgol ko ang oras sa pag-aaral at hanggang matapos ako work at inom ang aking ginagawa. Wala naman kaso sa akin iyon dahil hindi ko naman napapabayaan ang sarili ko at work ko.

Mag-iisang taon na din ako sa Hotel na pinagtratrabauhan ko. This is my first work kasi after ko mag graduate humanap na ako ng trabaho ko agad, ayaw ko kasi yung tatambay nanaman ako sa bahay ng ilang buwan mababagot lang ako.

Tinanggal ko ang baso kong polo at nilagay sa lalabhan. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa gilid at pumasok na sa loob.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang malmog na tubig na nagmumula sa shower. Nanatili akong nakatayo at hindi gumalaw.

Sa loob ng tatlong taon hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa din ako sa kanya, naiisip ko pa din siya minsan. Naiisip ko kung kamusta na siya o di kaya may jowa na ba ito.

Minsan ko na din siyang inistalk sa kanyang social media pero wala naman akong napapala kasi nakaprivate ang mga account niya, ayaw ko namang mag friend request sa kanya baka mag-isip siya ng kung ano-ano.

Nakakatawa lang ano? Ikaw na nga yung sinaktan mahal na mahal mo pa din siya. Ikaw na nga yung niloko handa ka pa ding magpaloko sa kanya. Ang tanga ko din nu? Wala eh, he was my first love and also my first heartbreak kaya mahirap siyang kalimutan.

Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Mag-aalas kwatro na ay may pasok ako mamayang alas-sais. Ako ang opening na room attendant this week kaya dapat maaga ako dahil madaming gagawin kapag opening ka.

Wala namang masyadong guest ngayon pero as opening person kailan mong ayusin ang mga gagamitin, kailangan mo ding magcheck ng endorsement at iba pa.

Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Tinignan ko ang oras at nakita kong alas singko y media na kaya bumangon na ako at naligo kagad.

Halos dalawang oras lang ang tulog ko, sanay na din naman ako kaya wala na sa akin iyon. Matutulog na lang ako mamaya pagkatapos ng shift ko.

Nilakad ko lang papasok sa Hotel kasi malapit naman kami sa Town kaya walking distance. Bago ako pumasok sa Hotel ay nag in muna ako sa dtr ko tyaka kumuna ng uniform aa may locker at sinuot ito.

Inayos ko ang kwelyo at buhok ko. Naka suot ako ngayon ng isang long sleeve na may butones sa gitna, light brown ang kulay nito habang naka slacks naman ako at naka suot ng kulay itim na sapatos na goma.

"Good morning." Bati sa akin ni Kesha.

Dalawa kami ngayong opening kasi nakipagpalit siya kay Kelvin yung kasama ko sana ngayon na opening, may lalakarin daw kasi itong si Kesha mamayang hapon kaya nakipagpalit.

"Tibay natin ah." Aniya habang tinatali ang buhok.

Humagikhik ako.

Magkaiba ang locker ng lalaki sa babae pero pumupunta dito sa Kesha para makipagchismisan sa amin, siya kasi ang tinaguriang dakilang friendly dito sa Hotel. Halos lahat ata ng mga staff kilala siya.

Pagkatapos naming mag-ayos ay nagtungo na kami sa aming gawain. Kay Kesha ang una hanggang sa pangalawang palapag habang ako naman ay sa apat hanggang sa pang-anim. Aayusin lang namin ang mga trolley tyaka ififill ang mga walang gamit like shampoo o sabon o di kaya mga toothpaste. Ganun ang ginagawa namin pero after namin matapos yun ay babalik na kami sa palapag na naassign sa amin para maglinis ng mga room sa darating na check in for the next day o di kaya naman mga check-out.

Madali lang naman ang trabaho kung gusto mo talaga ang ginagawa mo pero kung hindi mo gusto talagang mahigirapan ka lang at madali kang aayaw.

I like my work kasi ito ang tinapos ko and for the better future na din kaya hindi na masama.

Pagkatapos ko ng isang room na linisan ay chineckan ko na ang aking papel at tinignan muli ng susunod na room. Mag-aalas dyes na, kanina pa meron ang mga pang-alas syete na duty at ginagawa na din nila ang kanilang gawain sa naitalang palapag para sa kanila.

"Housekeeping, F.O" Ani sa radyo. Narinig ko namang sumagot ang isang kasamahan namin.

"Go."

"Pumunta daw kayong lahat sa lobby ngayon na. Darating daw ang bagong boss." Anito.

Kumunot ang noo ko. Bagong boss? Hindi na ba si Mister Grande ang Boss? May bumili nitong Hotel ng hindi namin nalalaman?

Nilagay ko na sa pantry ang trolley ko at dumiretso na sa baba. Nasa ikalwang palapag naman ako kaya ginamit ko na ang hagdanan.

Pagkapasok ko sa lobby ay nakita ko si Kesha at iba pang naka hilera na sa mismong may pintuan. Nakipila na lang din ako at agad na tumabi kay Kesha at tumayo.

"Anjan na daw ang bagong may-ari ng Hotel. Please be polite to greet him." Ani nung Housekeeping Managee namin.

"Yes, sir." Sabay-sabay naming sagot.

Napalingon kaming lahat ng biglang may tumigil na isang kulay itim na magarang sasakyan. Tumahimik ang paligid na kanina pa nagbubulongan dahil sa pagdating ng bagong may-ari.

Inalis namin ang tingin namin at tumingin kami sa tapat namin. Nakita ko si Joler na naktingin din sa akin. Pinigilan namin ang pagtawa baka mapagalitan kami.

Sa sobrang katahimikan ng Hotel ay tanging yapak lang ng padating na tao ang papunta sa amin. Pagpasok niya sa entrance ng Hotel ay nag bow kaming lahat tyaka muli siya g naglakad.

Sabay-sabay namin siyang binati.

Napatingin ako sa kulay itim na sapatos sa aking harapan. Nanatili kaming nakayuko, gustuhin ko mang tignan ang mukha ng lalaki ay hindi ko magawa.

Hindi ito sumagot kaya naman unti-unti na naming inangat ang ulo ngunit nanatiling nakatingin sa tapat namin.

Pag-angat ko ay nagulat na lang ako ng makita ko ang lalaking nakatayo sa tapat ko.

Nakasuot siya ngayon ng itim na tuxedo habang itim din ang necktie nito, mas lalong kumisig ang mukha niya, tatlong taon ko siyang hindi nakita ngunit ganun pa din ang epekto niya sa akin.

Narinig ko ang bulongan ng mga kasama ko pero ako ay nanatiling nakatingin lang sa kanya at hindi makagalaw.

Parang nagslowmotion ang lahat sa akin ng biglang niya akong tinignan ngunit agad din binalik ang tingin sa may front office.

Halos malagutan ako ng hininga at nangangatog na ang binti ko. Napamura na lang ako sa aking isipan.

Sa loob ng tatlong taon ganun pa din ang epekto niya sa akin.

Malakas ang kalabog ng aking dibdib dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na ngayon ko ulit siya nakita.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon