Kinaumagahan ay late na akong nagising dahil Saturday at wala kaming klase ngayon. Late na din kasi akong natulog kagabi dahil nanuod pa ako series na pinapanuod ko sa netflix.
"Ma, anong ulam?" Tanong ko ng lumabas ako ng aking kwarto. Nag-unat pa ako ng aking katawan tyaka dumiretso sa salamin para tanggalin ang mga muta.
"Wala!" Sigaw ni Mama habang naririnig ko ang tunog ng kanyang nilalaro.
Napailing na lang ako at agad na dumiretso sa ref. Kinuha ko ang fresh milk at agad na nagsalin sa aking baso. Kinuha ko din ang bread para magpalaman.
"Ma, pahingi ng isang daan magpapaload lang ako." Sabi ko sa kanya at uminom ako ng aking gatas.
"Wala akong pera." Anito habang nakatingin pa din sa nilalaro.
Kumuha ako ng isang daan sa taas ng ref at agad na binulsa ito. Nilagok ko na lahat ang aking inumin tyaka nagtungo muli sa kwarto.
Binuksan ko ang twitter para tignan kung ano ang trending ngayon. Nagscroll pa ako habang tinitignan ang mga post ng ibang finafollow ko. Nagcheck din ako ng facebook ko at agad na humiga ulit sa kama.
Ano nanaman kaya ang gagawin ko ngayong araw na ito? Hindi naman ako pwedeng lumabas, wala naman masyadong magawa dito sa bahay, tapos ko na din naman ang mga assignments ko at ibang mga works.
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwarto, malinis naman.
Nagpagulong-gulong ako sa kama habang nag-iisip ng kung ano ba ang pwede kong gawin ngayong araw na ito.
"Klyde! May package para sayo!" Sigaw ni Mama sa labas. "Ikaw magbayad niyan wala akong pera." Dugtong nito.
Napakamot ako ng ulo ko at dali-daling tumayo at kinuha ang wallet ko. Binuksan ko ang pintuan namin at tumambad ang isang lalaki na nakasuot ng uniporme.
"Klyde Reyes po?" Tanong niya.
Tumango ako at inilabas ang papel kong pera.
"Magkano po?"
"Six hundred fourty po." Aniya habang nay tinatype sa phone niya.
Binigay ko naman ang exact amount at agad na kinuha ang package na sinasabi.
"Ano nanaman yang inorder-order mo? Sinasayang mo lang pera mo sa mga ganyan-ganyan." Agad na bungad sa akin ni Mama pagpasok ko pa lang ng bahay habang hawak ang inorder.
"Minsan lang naman eh." Rason ko.
"Anong minsan. Last week meron nanaman tapos ngayon meron na ulit baka nextweek meron nanaman, naku Klyde sinasabi ko talaga sayo hindi kami nagtatae ng pera ng papa mo ah. Magtipid ka naman hindi yung puro ka gastos ng gastos." Ani Mama. Umiral nanaman ang bunganga nito.
Bago pa siya makapagsalita ulit ay agad na akong nagtungo sa kwarto at isinarado ang pintuan. Naririnig ko pang nagsalita ito ngunit hindi ko na lang pinansin.
Hinanap ko ang gunting at agad na binuksan ang box. Nakita ko ang inorder ko na led lights nung nakaraan.
Finally may gagawin na din ako ngayong araw na ito.
Naligo muna ako para mas maging productive. Kapag kasi kakaligo ko lang ay parang ginaganahan akong gumawa ng nga bagay-bagay o di kaya maglinis. Nakkafresh kasi ng katawan at nakakagaan.
Binuksan ko muna ang aircon at nagtake ng selfie para imyday lang tyaka sinimulan ko ng idikit ang mga ilaw sa pader sa may pinakataas. Nahirapan pa ako nung una pero habang tumatagal kong ginagawa iyon ay nagiging madali na lamang.
Sakto pagkatapos kong ikabit ang lahat ng iyon ay tumunog ang phone ko. Tunambad muli ang pangalan ni Leni kaya agad kong sinagot ito.
Nakita ko ang mukha niyang kagigising pa lang. Nakahiga pa ito sa kanyang kama at mukhang inaantok pa.
"Klyde! I miss you!" Aniya at hinalikhalikan pa ang camera.
"Bakit nanaman? Break na kayo ulit?" Tanong ko at tinest ang ilaw.
Nagandahan ako dahil pwede palang iiba-iba ang kulay ng mga ito.
"Hindi mo pa ba nakota? Akala ko nakita mo na yung post?"
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Agad kong pinatay ang ilaw at humiga sa kama. Sumeryoso ang aking mukha.
"Anong post?" Takang tanong ko.
"Omg. Hindi ikaw yun? Wait send ko yung link." Aniya. Kinabahan ako dahil sa kanyang sinasabi.
May kumakalat bang nudes ko o ano? Hindi naman ako nagsesend ng mga nudes sa mga nakakachat o kaya dick pic. Tangina.
Agad kong clinick ang sinend nitong link at agad akong napunta sa facebook tyaka agad na tumambad sa akin ang page ng aming University kung saan andun ang mga confession about sa mga crush, mga ayaw mong prof. o kahit ano.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang napakahaba-habang post.
"Matagal ko ng gustong aminin ito pero nung una ko pa lang siyang makita nagustuhan ko na siya. Hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari at alam kong imposibleng mapansin niya ako. Lalaki ako at lalaki din siya mas lalaki pa siya sa lalaki kaya imposibleng mapansin ako at magustuhan din kaya dito ko na lang sasabihin. May gusto ako kay Aiden Benedict ang captain ng basketball team—"
Hindi ko na itinuloy ang binabasa ko ng makita ko ang pangalan ko sa ibaba ng post.
BS in Hospitality Management
John Klyde Reyes
Third Year"Ah!" Napasigaw ako dahil sa aking nakita.
Napamura pa ako ng ilang ulit at tinignan ang mga comments na andun.
'Sabi ko na nga eh naamoy ko siya noon pa.'
'Sorry sis akin lang si Aiden.'
'Sana all gusto.'Umabot pa ito sa limang libong likes at libo ding mga shares.
Tulala akong napabagsak sa malambot kong kama habang nakatunganga sa puting kisame ng aking kwarto.
"Hoy Klyde?! Okay ka pa ba? Nangyari na sayo jan?" Ano Leni na nasa call pa din.
***
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...