Hindi ko alam kung nakailang timpla na kmi ng emba coke ang alam ko lang ay inom lang kami ng inom at nagkwekwentuha, nagtatawanan sa mga ibang bagay tulad ng mga kagaguhan at katarantaduhan na ginagawa nila.
"Nung Highschool nga kami nakatae noon yung teacher namin putangina." Kwento ni Frank at napuno nanaman ng tawanan dahil doon.
"Ikaw din kaya nakatae ka din naman ng elementary." Tukso sa kanya ni Francis kaya awtomatikong napatigil ito sa pagtawa at tinitigan ang kapatid.
"Gumagawa ka nanaman ng kwento ah." Sita niya sa kapatid. "Ikaw Francis sinasabi ko sayo bawal ka pang magkajowa magtapos ka muna ng pag-aaral." Sermon nito na parang Ama.
Napalingon ako kay Aiden, hindi ko inaasahan na nakatitig pala ito sa akin habang hawak niya ang kanyang baso.
Uminit ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak o dahil naalala ko nanaman ang nangyari kanina.
"Mukhang nag-eenjoy ka ata ah." Ani Aiden. Agad akong lumayo sa kanya at kinuha ang vape at dali-daling pumasok na ng loob.
Pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi ko na siya tinignan kasi hindi ko kaya. Nahihiya ako sa nangyari kanina.
Nilapag ko ang baso ko na wala ng laman at humikab. Bumuo ng kaunting luha ang aking mata kaya agad ko itong pinunasan.
Napansin kong may kumuha sa aking baso kaya napatingin ako kay Aiden na nagsasalin muli ng maiinom ko. Nilapag niya sa aking harapan.
Inilihis ko ang paningin ko at tinignan ang dalawang magkapatid na nag-uusap.
"Bakit? Ang tagal pa nun ah!" Sagot sa kanya ni Francis.
Napalingon ako kay London na humagikhik. Namangha ako dahil nung tumawa siya ay nawala ang kanyang mga mata.
"Bakit ba kasi ayaw mo. Ang dami ngang nagkakagusto jan eh." Sabi ko kay Frank at kinuha ang baso at agad na nilagok lahat.
Napapikit ako at dinama ang pagpasok ng alak sa aking katawan. Napahinga ako ng maluwag.
Matagal-tagal na din nung huli akong uminom ngayon na lang ulit ako uminom ng ganito. Mukhang hanap-hanapin nanamn ng katawan ko ang alak.
Noong wala pang pandemic ay every week kaming nasa inuman lalo na kapag Wednesday dahil yun ang sinasabi nilng ladies night dito sa baguio, libre ang entrance ng mga babae sa Ampersand at Spade, dalawang sikat na bar dito. Lagi din kami tuwing Friday and Saturday dahil ito talgang araw na ito ang punuan ang mga tao.
"Kahit na. Kailangan niya munang magtapos para makapagboyfriend na siya." Ani Frank.
"May syota na ata yan eh." Sabi naman ni London na nagpatigil kay Francis sa pag-inom.
"W—wala pa ah." Kinakabahang sagot niya at tumawa.
Naagaw ng atensyon ko ng biglang bumulong si Aiden kay London. Kumunot ang noo ko ng tumayo si London at biglang tumabi sa akin si Aiden.
Umusod ako sa corner ng sofa para hindi magdikit ang aming balat.
"Pero may tanong ako Klyde. Totoo bang gusto mo si Aiden?" Tanong ni London.
Napatigil ako sa pagsalin ng aking inumin. Nilapag ko ang baso at siniksik ang sarili para hindi kami magdikit.
"Wala. Hindi ako yung nagpost dun kung yun ang tinutukoy niyo." Sagot ko at uminom ng kaunti. "Bakit naman ako magcoconfess ng ganun dun at ilalagay ang buong pangalan ko? Ano ako tanga."
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...