Lunch

4.3K 162 17
                                    

Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil may trabaho na ako. Agad ko ng ginawa ang lahat na gagawin ko bago ako pumasok sa Hotel.

Kinakabahan ako ngayon dahil sa nangyari kahapon, wala akong mukhang maihaharap sa kanya, sana lang ay hindi siya pumasok o sana hindi kami magkita ngayon.

Bumalik ang diwa ko sa halikan namin. Agad akong lumayo sa kanya na hindi inaalintana ang putik na naapakan ko. Napamura ako sa sarili ko dahil sa ginawa kong pag ganti sa kanyang halik.

Fuck, I miss him so bad.

"Bakit mo ako hinalikan?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Gustong-gusto mo naman, sabi ng ikalawang bahagi ng utak ko. Napailing ako at minura sa isipan ang aking sarili.

"I miss you, Klyde." Sabi niya.

Hindi ako sumagot kahit gustong-gusto ko din na sabihin na miss na miss ko na din siya.

Tumalikod na lang ako at agad ng tumakbo tyaka pumasok sa taxi na makita ko. Pulang-pula ang aking mukha dahil sa ginawa ko.

Hindi naman iyon ang unang beses na hinalikan niya ako ngunit kakaiba kasi ang pakiramdam ngayon, ilang taon kaming hindi nagkikita o nagkakausap man lang tapos ngayon bigla-bigla na lang siyang hahalik.

Nilagay ko na sa lalagyan ng mga dtr ang akin tyaka dumiretso sa locker room. Kumuha ako ng uniform ko at agad na sinuot ito. Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa umagang iyon, maaga ako nagbreak mag aalas dose pa lang ay nagrequest na ako ng breaktime ko.

Inilahad ko sa mga ito ang plato ko kaya agad naman nilang nilagyan ng ulam at kanin. Umupo ako sa sulok at taimtim na kumain, may mga ilang kumakain na staff doon ng f and b, binati ko ang mga kakilala ko tyaka tinuloy lang ang taimtim na pagkain.

Maaga ako nagpabreak dahil gusto kong mag undertime ngayon dahil kinakabahan ako baka mag cross ang landas namin. Alam ko namang posible iyon dahil siya na ngayon ang may-ari ng Hotel na ito ngunit wala akong mukhang maihaharap sa kanya ngayon.

Ang tanga ko kasi, nadala ako sa malambot niyang labi at ang mapupusok niyang mga halik.

Napapikit ako at agad na uminom ng tubig para ikalma ang sarili.

Ang rupok mo Klyde, tangina.

Habang kumakain ako ay biglang umingay ang kapaligiran, bigla na lang nagbulong-bulongan ang mga ibang nasa loob ngunit hindi ko na ilang ito pinansin at kumain na lang ako.

"Hala si Sir. Anong ginagawa niya dito?

"Dito ba siya kakain?"

Halos maibuga ko ang kinakain ko sa aking narinig. Agad akong uminom ng tubig at nilingon ang counter.

Nakita ko si Aiden na nakapila kasama ang mga staff, pinapa-una siya ng mga ito pero tumatanggi siya.

Kumalabog ang dibdib ko sa kabang nararamdaman ko. Bakit andito siya ngayon? Dito ba siya kakain? Eh doon siya kumakain sa Office niya o talagang nananadya lang siya.

Binilisan ko ang pagkain ko, sunod-sunod ang ginawa kong pagsbo para makaalis agad doon sa cafeteria halos mabilaukan ako ngunut hindi ko na inalintana iyon.

Ng makita ko ang pinggan ko na wala ng laman ay dali-dali akong tumayo pero napatigil na lang ako bigla ng may naglapag ng pinggan sa harapan ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Nanlamig ang pakiramdam ko dahil sa kinakabahan ako.

"Are you done na? Akala ko makakasabay kitang kumain." Malungkot na sabi nito.

Narinig iyon ng mga taong nasa loob. Nagbulongan sila ng kung ano-ano habang ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya. Pumula ang taenga ko dahil sa hiya.

Umupo siya at agad na sumubo. Sinulyapan niya ako.

"You can go na if you are done." Anito at muling sumubo.

Napabuntong hininga ako. Nilapag ko ang baso ko kaya napatingin ito sa akin.

"Kukuha pa ako ng pagkain." Sagot ko at agad ng umalis sa kanyang harapan.

Kahit busog na ako ay kumuha pa din ako ng kaunting kanin at ulam tyaka bumalik sa pwesto.

"Akala ko tapos ka na. Dito ako kumain dahil gusto kong makasabay ka, sabi kasi ng supervisor niyo nagpa early lunch ka so pumunta ako kaagad dito." Aniya na naririnig din ng mga chismosang staff na nandito.

Mas lalong pumula ang mukha ko dahil sa hiya, naririnig ng lahat ang sinasabi nito.

Tumango lang ako at hindi sumagot. Unti-unti na lang akong sumubo ng pagkain ko.

"Anong oras ka magoout?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Agad niyang nilahad sa akin ang kanyang iinumin at hinagod ang likod ko.

"Okay ka lang?" Nagaalalang tanong niya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya. Tumango lang ako bilang sagot kaya bumalik na siya sa mismong upuan niya.

"About what happen yesterday—"

Mas lalong kumalabog ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Agad na akong nagsalita dahil doon baka may masabi pa siyang hindi maganda at machismiss pa ako dito sa Hotel.

"Ah oo mamaya na lang natin pag usapan. Kumain na lang muna tayo." Pahayag ko habang kinakabahan at dali-dali ng sumubo ng pagkain.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon