Goodbye

5.3K 229 57
                                    

"Ano nanaman?" Agad na bungad ko pagkasagot ko sa tawag ni Aiden.

Tumawa lang ito na akala mo'y nang aasar, nang aasar naman talaga.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito, gabi-gabi na lang niya akong tinatawagan para bwisitin at makipagkwentuhan sa akon ng kung ano-ano, hindi naman ako interesado sa mga sinasabi nito.

"Bumili ako ng aso." Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay habang kinukuha ang fresh milk na nasa loob ng ref at tyaka nagsalin sa aking baso.

"Share mo lang?" Tanong ko.

Muli nanamang tumawa ito at ipinakita ang kulay puting shitzu. Nanlaki ang aking mga mata, ang cute kasi.

Ibinalik ko na sa ref ang gatas at agad na uminom.

"Gusto ko din ng ganyan." Pahayag ko. Napatgil siya sa paghaplos sa aso at napatingin sa akin.

Ewan ko ba pero nasasanay na akong kausap si Aiden gabi-gabi, mag-iisang linggo na simula nung tumawag siya at ngayon parang naging routine ko na ang pagtawag nito sa akin. Bandang mga alas dose or ala una siyang tumatawag sa akin.

"Gusto mo sayo na lang?" Tanong nito habang nakangisi.

Halos mapabuga ako sa iniinom ko.

"Seryoso?"

"Kiss muna." Sabi nito at tumawa siya muli.

Nilapag ko ang baso at kunot noong tinignan siya. Umirap ako at nilagay sa sink ang pinag-inuman.

"Edi wag. Balakajan."

Pumasok na muli ako sa kwarto at pinalitan ng kulay asul ang aking ilaw. Humiga ako at inayos ang comforter.

"Matutulog ka na ba? Ang aga naman wala pa ngang isang oras tayo nag-uusap."

"Hindi pa ako matutulog. Hihiga lang."

Nagsimula nanaman siya magkwento ng kung ano-ano. Kung hindi about sa team niya sa basketball ay about naman ito sa mga sasakyan na hindi naman ako interesado sa mga bagay na lumalabas sa bibig nito.

"Pero laughtrip talaga natatawa ako noong sinabi mong jowa ko ang kapatid ko." Muli nanamang sabi sa akin at humalakhak.

Gabi-gabi na ata niyang pinapaalala sa akin nung pinagkamalan kong jowa niya ang kasama niya noon sa Mall, mali pala ako.

Sabi pa nito sa akin nagseselos daw ako, todo tanggu naman ako dahil hindi naman talaga ako nagseselos kahit sino pa ang kasama niya. Hindi nga ba?

"Malay ko bang kapatid mo kasi. Ang ganda ng kapatid mo eh ikaw ang panget." Ganti ko sa pang-aasar nito sa akin.

Napatigil siya sa pagtawa at nabitin sa ere ang kanyang kamay. Nakikita ko ang mabuhok niya kili-kili.

"Panget? Ako? Madami kayang gusto tumikin at magpalahi sa akin at sasabihan mo lang akong panget, ikaw lang nagsabi sakin ng ganyan." Mahabang pahayag nito.

Napatigil naman ako dun.

"Edi dun ka sa mga gustong magpalahi at tumikim sayo bat ako pa tinatawagan mo." Malamig na pahayag ko at himarap sa kabilang side ng kama.

"Nagseselos ka nanaman jan." Malumanay na sabi nito. Sinulyapan ko siya at nakita kong nilalapit niya ang mukha niya sa camera.

Nakakamiss halikan— napailing ako dahil sa kahalayan na pumapasok sa aking isipan. Fuck nababaliw na talaga ako.

Aminado na akong may gusto na ako sa lalaking ito pero alam ko naman sa sarili ko na wala kaming pag-asa. Mas matigas pa siya sa mga bato, pero kahit wala kaming pag-asa ay okay lang sa akin ang set-up na ito.

Atleast nakaka-usap ko siya, nakakakwentuhan ay nakakasaran. Kahit papaano ay magkaibigan na kami, hindi ko inaakala na makikilala ko itong Aiden na ito.

Akala ko magiging boring ang taon na to para sa akin ngunit hindi pala, kahit papaano ay sumasaya ako kahit sa kunting panahon dahil alam kong lilipas at lilipas din ang oras mawawala din ang lahat ng ito dahil pagkatapos ng saya na nararamdaman mo kaakibat nito ay lungkot.

"Anjan ka pa? Inaantok ka na ata." Doon ako napabalik sa aking diwa ng nagsalita siyang muli.

"Ano yun?"

"Hindi ka talaga nakikinig. Ang dami ko na nasabi sayo wala ka naman palang naiintindihan." Aniya habang naiiling.

"Ang sabi ko ibibigay ko yung aso sayo sa Sabado."

Napabukas ako ng aking bibig dahil sa sinabi nito. Nanlalaki ang aking mga maya na hindi makapaniwala.

"Talaga? Ibibigay mo yung aso mo sakin?" Gulat na tanong ko.

Tumango siya.

"Oo pero ako ang magbibigay ng pangalan sa kanya at bawal mo itong baguhin."

Agad akong tumango.

Matagal ko ng gustong magka-aso ngunit nasasayangan kasi ako kapag bibili ako at tyaka ang mahal kapag may breed aabot ng libo, ayaw ko namang gumastos ng ganun na pera iipunin ko na lang kung sakali.

"Oo basta wala ng bawian ah." Excited kong sagot. "Ano bang ipapangalan mo?"

Hindi siya agad nakasagot animo'y nag-iisip pa siya ng ipapangalan sa aso.

"Dahil lalaki siya Klyden na lang."

Nagulat ako. Klyden? Ayaw kong mag-assume pero parang ganun kasi yung naiisip ko.

"Bakit Klyden?" Tanong ko.

"Pangalan mo at pangalan ko pinagsama ko." Anito at hinaplos muli ang ulo ni Klyden. Pumikit yung aso na parang nagugustuhan ang ginagawa.

Namula ako sa kanyang sinabi. Pinagdugtong niya ang pangalan naming dalawa para iyon ang pangalan ng aso, it means parang anak namin ito?

Tangina. Napailing ako dahil sa aking naiisip. Nababaliw na talaga ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Sasagot sana ako ng biglang tumunog ang isang phone na nasa table ko. Agad kong kinuha ito at nakita ko ang isang unregistered number.

"Wait sasagutin ko lang yung tawag." Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Hello?" Bungad ko pag sagot pa lang.

Nung una ay wala akong naririnig tanging mabibigat na paghinga lamang sa kabilang linya pero nung nagtagal ay narinig ko ang sunod-sunod na paghikbi.

"K—klyde." Aniya ng isang panilyar na boses.

"Tita Lilly?" Tukoy ko sa Mama ni Leni. "Bakit po kayo umiiyak? May problema ba?"

Humikbi pa siya ng humikbi ako naman ay pinapkinggan ang bawat paghikbi niya dahil hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

"Si L—leni wala na." Sagot nito na ikinagulat ko.

Tumindig ang balahibo ko sa balitang sinabi nito sa akin. Naramdaman ko na lang ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking mga luha.

"Klyde? Bakit ka umiiyak? May problema ba? Okay ka lang?" Sunod-sunod na tanong ni Aiden.

Hindi ako sumagot, walang salitang lumalabas sa aking bibig. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko.

Today I lost one of my favourite star, my bestfriend.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon