End Game

7.1K 237 49
                                    

Thankyou for reading this story. See you on next series. Thankyou.

***

"Goodmorning Sir Klyde." Nilingon ko ang isang staff na bumati sa akin dito sa Hotel pagpasok pa lang ng entrance.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Agad naman akong dinaluhan ng isang staff pa para samahan sa paglalakad.

"Si Sir mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa Office po my kausap. Pero binilin naman po niya ako na kung dadating po kayo ay dumiretso na lang daw po kayo sa Office." Aniya kaya tumango ako.

Nagtungo ako sa Front Desk at agad naman nila akong binati. Nginitian ko lang sila at ginamit ang telepono para may tawagan lang saglit. Agad ko din binaba ang tawag pagkatapos kong kausapin ang tinawagan ko.

"Ilang percent tayo ngayon?" Tanong ko.

"Ninety six percwnt occupancy po tayo ngayon, Sir. Madami-daming nagcheck-in ngayon sa Hotel dahil sa Panagbenga bukas." Sagot ng isang staff.

Kinuha ko ang papel na nakalahad. Tinignan ko dito at halos lahat ng rooms ay may nakacheck-in, tanging tatlong vip room lang ang hindi naookupa.

Binalik ko kaagad ang papel. Tumalikod na ako at maglalakad na sana muli ng bigla kong naramdamab ang isang kamay na umakbay sa akin.

"Sup, Klyde." Nilingon ko si Denver ngayon na nakasuot ng isang puting sleeve habang may coat at may necktie.

Siya na ngayon ang Housekeeping Manager dito sa Hotel, dalawang taon din siyang nagtyaga hanggang sa mapromote siya bilang supervisor at ngayon Manager an dahil nagretire na yung Manager namin noon.

"Gwapo natin ngayon ah." Puri ko sa kanya.

"Gwapo naman talaga ako noon, ewan ko lang sayo bakit si Aiden pa inasawa mo mas gwapo naman ako dun." Tumawa ako at tumawa din ang mga iilang staff na nakarinig sa biro niya.


Sumakay kami sa elevator at agad na pinindot ang ika-apat na palapag kung nasaan ang floor ng office ni Aiden.

Naalala ko nanaman ang nangyari noon sa amin nung bigla niya akong sinundan sa ibang bansa.

Umiyak lang ako sa bisig niya dahil sa sayang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, halo-halo ang mga emosyon na aking nararamdaman.

"Let's get married." Aniya na aking ikinagulat.

Hindi ko akalain na seryoso siya sa sinabi niyang iyon, dahil pagkalipas ng isang linggo ay naganap ang kasal namin sa isang judge dito sa abroad.

Umalis akong single at sa pagbalik ko ay bumalik akong may asawa na.

Dalawang taon na ang nakalipas sa mga nangyari, lahat ay naging mabuti na.

Pagkatapos naming magpakasal ay bumalik din ako kaagad dito sa Pilipinas. Nung una ay hindi makapaniwala ang mga magulang namin pero nagtagal ay natanggap na nila kaming dalawa.

Mag-iisang taon na din akong bilang isang General Manager sa Hotel ni Aiden na pinagtrabauhan ko noon bago ako umalis. Nagpatayo din ako ng isang resto café ko dito sa Baguio at nagplaplan ako kung magpapatayo ako sa Manila.

Tumunog ang elevator kaya agad kaming lumabas doon. Pinagbuksan naman kami ng sekretarya ni Aiden.

Pagbukas ng pintuan ay bumulaga sa akin ang dalawang lalaki na kausap ni Aiden. Tumayo silang lahat at agad na nagtungo si Aiden sa kinaroroonan ko at hinalikan ako sa pisngi.

Namula ako sa kanyang ginawa, hindi talaga ako sanay kapag hinahalikan niya ako kapag may kasama kaming iba pero hindi ko naman siya mapipigilan dahil kapag sinasabi ko yun ay nagagalit siya, kesyo daw asawa niya daw ako, ikinakahiya ko daw siya kaya hinayaan ko na lang.


"How's your day?" Tanong niya at hinawakan ang bewang ko at inalalayan sa pag-upo.

Maslalo akong namula sa kanyang ginawa ngunit hindi na lang ako umapila. Nginitian ko ang mga kasama niyang lalaki.


"Goodmorning." Bati ko at binati din naman nila ako.


"This is Engr. Galvez and Architect Sy, sila yung gagawa ng ipapatayo nating bahay." Aniya na aking ikinatango.

Ipinakita nila sa akin ang blue print ng bahay tyaka mga interior na ginawa nila. Hindi ako makapili kung ano ang gusto ko pare-pareho silang magaganda.

Matagal na naming pinagplaplanuhan ni Aiden na magpatayo ng sarili naming bahay dahil sa ngayon ay tumitira pa lang kami sa isang condo unit na kinuha namin.

Sa condo na yun ang nag-away nanaman ulit kami dahil ang gusto niya siya lang daw magbabayad, eh bilang ako naman hindi pwede iyon dahil dalawa kaming titira doon kaya kailangan kong makihati sa gagastusin. Hindi siya pumayag nung una pero nung sinabi ko na kapag hindi siya papayag hahanap na lang ako ng apartment ay doon din siya napilitan.

Diniscuss nila kung ano ang gagawin kung ano kailan magsisimula. Nakikinig lang ako at tanging si Aiden lang ang nagtatanong o di kaya sumasagot sa mga sinasabi nila.

Sabay kaming naglunch ni Aiden dito sa Office. Nagpa-akyat na lang kami ng pagkain at dito na lang kami kumain.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko habang ngumunguya, nahuli ko kasi siyang kanina pa nakatitig sa akin.

"Wala. Tinititigan lang kita nabusog na ako kaagad." Banat nito.

Halos mabulunan ako sa kanyang sinabi mabuti na lang agad kong nadampot ang tubig at agad na nilagok iyon.

"Ewan ko sayo." Sabi ko ngunit hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi.

From all the pain we felt, worth it pala ang lahat ng iyon dahil sa huli kami ang nagkatulayan.

He was my first and my end game.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon