New Life

4.4K 178 9
                                    

Nilagok ko ang isang shot glass mg tequila na nasa table namin. Napapikit ako dahil naramdaman ko ang init na dulot nito sa akong katawan.

"Woooh!" Sigaw ko at sinabayan ng pag-alon ng aking katawan sa malakas na musika na aming naririnig.

Nasa isa kaming bar ngayon kasama ang mga workmates ko para aliwin ang aming sarili.

Naramdaman kong may humawak sa aking bewang kaya hinayaan ko lang ito at sumabay sa kanyang pagsayaw. Nilingon ko siya, kahit hindi ko siya kilala ay nginitian ko ito.

"Hi." Bulong niya sa aking taenga.

"Hi." Sabi ko din at humarap sa kanya.

Nagdidikit ang aming katawan habang nagsasayaw. Nararamdaman ko ang init na dikot ng ininom kong alak, medyo nahihilo na ako pero sige pa din sa pagsasayaw at pagsasaya.

Tumigil ang tugtog at agad na pinalitan ng isa pang sexy song. Napahiyaw ang mga taong nasa loob. Kahit mainit dito ay parang hindi namain inaalintana dahil nagsasaya kami.

"Hello, Baguio!" Sigaw nung nasa DJ Booth. Naghiyawan naman ang nga taong nandito na animo'y parang mga hayop na ngayon lang nakawala. "Sumigaw ang hindi pa lasing!"

Nakisigaw ako kasama ang mga kasamahan ko. Ganito kami everyweek walang araw na hindi kami pumupunta dito sa bar para magsaya dahil ito lang ang tangi naming magagawa para maibsan ang aming mga stress.

Muli akong sumayaw at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa akin, wala din naman silang pakealam sa mga paligid nila.

Napatingin ako sa naghahalikang dalawa sa aming gilid. Madami dito ang ganyan, halos maglive show na sila sa harapan namin. Bar eh ano pa bang aasahan mo.

Muli akong nagsalin ng aking inumin tyaka nilagyan ng asin sa gilid ng shot glass at ininom ito. Kumuha ako ng isang pirasong lemon at agad na sinipsip ang katas para hindi malasahan masyado ang alak.

Napapikit ako dahil sa asim nito ngunit agad din akong sumigaw at nagtatalon na parang bata.

"Sumigaw ang mga pinagpalit sa malapit!" Sigaw ng MC sa harapan. Sumigaw ang mga karamihang babae doon. "Sumigaw din ang mga niloko!"

Nakisigaw ako doon nung sinabi niya. Napamura pa ako ng ilang beses at nakamiddle fingger pa na nakataas ang kamay.

"Putangina niyo!"

Napapikit ako kasabay nun ang mga ala-alamg gusto ko ng kalimutan pero mahirap. That was my first heartbreak, ang hirap ang sakit.

Naalala ko pa nung mga panahon na gabi-gabi ako umiiyak sa nangyari, mga pagpapaktanga ko na halos gusto kong gumapang pabalik sa kanya dahil hindi ko kayang wala siya pero lahat ng iyon tiniis ko.

Nagdeactivate ako ng mga social media ko, blinock ko na din siya sa lahat para hindi ko na makita ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

One time nagpunta siya sa bahay ngunit hindi ni isang beses nagpakita ako sa kanya. Alam mo yun? Yung kapag nakikita mo siya imbis na masasayang ala-ala ang maiisip mo ay iyong panloloko niya.

He was my first love also my first heartbreak kaya sobrang sakit pero lahat ng iyon kinaya ko sa mga nagdaang taon hanggang sa matapos ko sa pag-aaral at ngayon nagwowork na ako sa isang hotel dito sa Baguio.

Naghiyawan ang mga tao ng biglang tumugtog ang sikat na kantang pinapatugtog sa mga bar. Nakisama na din ako sa pagsigaw sa mga lyrics nito.

"Putangina alak pa!" Sabay-sabay naming sigaw.

Inangat ko ang shot glass tyaka agad na nilagok ng walang pag alinlangan. Agad akong kumuha ng pulutan tiyaka kinain ito.

Bukod kay Leni na bestfriend ko naging katuwang ko na ang alak sa paglimot ko ng aking nararamdaman.

"Ano lasing ka na ba?" Natatawang tanong ni Kesha na ngayon may nakapulupot ng lalaki sa kanyang likod.

Tumango ako at ngumisi.

"Malandi! Sana all!" Natatawang sigaw ko ay nakipag apir ako sa kanya. Nagtawanan kaming dalawa.

Maaga pa ang shift ko bukas pero wala akong pakealam dahil sanay na akong pumasok ng walang tulog at isa pa walang masyadong guest bukas dahil huwebes.

Inaya ako nung sumasayaw sa akin a may harapan, nagpatinaod naman ako sa kanya at agad na nakihalo sa mga taong nagsasayawan.

Humawak ako sa kanyang bewang at gumiling sa kanya pababa. Meron na ding nakisali sa amin, nagsasayaw lang kami hanggang matapos ang isnag tugtog bago namin napagpasyahan na bumalik na sa table.

Hindi na sumunod ang kasayawan ko kanina, nakahanap na ata ng bago.

Maglalakad na sana ako ng bigla akong may nasagi. Naramdaman ko ang malamig na alak na bumuhos sa aking katawan, napasinghap ako at tinignan ang lalaki ngunit nagulat na lang ako dahil nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Denver?!" Tanong ko ng hindi makapaniwala.

Sa pagkakaalam ko ay sa Manila siya nagwowork ngayon pero bakit siya nandito sa Baguio. Dito na ba siya?

"Uy Klyde. Hello!" Aniya habang nakangiti pa ang mokong na ito. "Uy sorry bigla ka kasing dumaan agad." Pagsisi pa niya sa akin. 

Kita mo tong lalaking ito hindi pa din nagbabago. Tangina talaga niya amoy alk na ang damit ko.

"Tangina mo nabasa na tuloy ako. Balik na ako sa table namin." Pahayag ko sa kanya at aalis na sana ng hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Saan kayo? Sama kami." Aniya at tukoy niya sa tatlo pa niyang kasama.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon