Act Normal

8.3K 294 47
                                    

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Denver na humihingi ng patawad. Sineen ko na lang ito at hinayaan, wala naman ng kaso iyon sa akin. Hindi naman na nila ako maalala at hindi makikilala.

"Ma? Alis muna ako may bibilhin lang ako saglit sa Town." Paalam ko kay Mama habang isinusuot ang face mask at face shield ko.

Ibinulsa ko na din ang maliit na spray alcohol.

Total malapit lang naman ang bahay namin dito sa Town ay maglalakad na lang ako. Wala din naman kasing mga sasakyan na byabyahe kasi naka quarantine pa kami dito, ngunit pwede kaming lumabas basta may pass ka na ipapakita sa mga nagbabantay.

Umuwi din ako kaagad ng mabili ko ang bibilhin ko sa Bayan. Hindi na ako gumala pa o kung ano-ano, ayaw ko din namang nasa labas ako ng matagal kaya umuwi na lang ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maabutan ko ang unang klase ko. Hindi na ako naligo pa tanging pag-suot na lang ng pang-itass na unipormw at pag-ayos lang ng buhok ang aking ginawa.

Late na din naman akong nagising kaya wala na din akong oras na maligo at kumain. Mamaya na lang ako kumain pagkatapos ng unang klase.

Clinick ko na iyong link na sinend nila sa gc para sa zoom. Iilan pa lang ang mga kaklase ko na naka oncam. Nagkamustahanclang kami habang hinihintay ang iba at ang prof. namin.

Kahit pala online class na nalalate pa din ang ilang mga kaklase at prof. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa internet o talagang mabagal lang yung iba kumilos.

Wala naman kaming masyadong ginawa. Naglecture lang siya at may binigay na sasagutan namin sa site.

Hindi namin naconsume lahat ng oras namin at agad kaming dinismiss.

Dun na ako nakakuha ng tyempo para kumain. Pagkarating ko sa hapg ay nakita ko ang niluto ni Mama na fried chicken at tocino kaya agad kong nilantakan iyon.

Biglang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito. Bumulaga kaagad sa akin ang nakangiting mukha ni Leni.

Agad kong nginuya ang pagkain na nasa aking bibig.

"Ano? Kayo nanaman?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Pumunta siya dito sa bahay at binigyan ako ng fries." Aniya at ipinakita pa ang large fries galing sa MCDO.

Napaikot ako ng mga mata at agad na sumubo ulit ng pagkain.

"Hay naku, Len. Di ko alam sayo kunting suyo lang bibigay ka na agad." Sabi ko dito at uminom ng malamig na tubig.

"Sorry na bes. Ganun talaga marupok ang kipay natin." Aniya na halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko.

"Anong kipay ka jan. Ikaw lan yun nu hindi ako marupok at wala akong kipay."

Pinatay ko na kaagad ang tawag para mahugasan ang pinagkainan. Nagmadali ko itong hinugasan dahil nakatanggap ako ng mensahe galing sa mga kagrupo ko na mag videocall daw kami.

Dali-dali kong clinick ang ginawa nilang room. Ako na lang pala ang hinihintay.

"Uy, Kylde!" Sigaw ni Denver ng makita akong mag join.

Nginitian ko siya at tinanguhan.

"Sorry talaga." Aniya na umaakto pang umiiyak.

Tumawa lang ako.

"Ok lang yun. Kasalanan ko din naman."

"Ano ba yan? Tapos ko na pala yung akin.@m" ani Jelay habang pinakita ang notebook niya na puno ng sulat.

"Naisend ko kasi yung link namin nila Aiden 'e hindi ko naman alam na icliclick pala iyon ni Klyde kaya ayun najoij siya." Ani Denver habang nagsusulat.

"Hala. Talaga? Sana all." Kinikilig na pahayag ni Tine isang kagrupo ko pa.

"Aksidente ko lang naclick may ginagawa kasi ako nun eh kaya ayun." Explain ko kasi ayaw ko ng humaba ang usapan namin about dun.

Agad din akong nagleave doon sa room namin at agad na sunali para sa next subj namin.

Walang masyadong ginagawa dahil pangalawang linggo pa lang ng online class namin ngayon. Hindi ko din alam kung meron ba akong natututunan o talagang ayaw lang pumasok sa ulo ko lahat.

"Kylde? Magklaklase pala tayo dito sa Psychology?"

Hinanap ko yung nagsalita at nakita ko si Ren na kumakaway sa camera. Napatawa ako dahil doon.

"Uy anjan ka pala. Di kita napansin nung huling klase ah." Sabi ko sa kanya.

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano at nagkamustahan din kami. Magklaklase kasi kami noon nung first year at second year kaso nag shift siya kaya hindi na kami masyadong nagkikita noon sa school.

"Attendance muna tayo." Ani ng Prof. namin.

Binaggit niya ang mga pangalan habang ako naman ay hinihintay lang ang pangalan ko para banggitin niya.

Nilingon ko si Mama na kakapasok lang ng kwarto. Nilapag niya ang isang baso ng juice na tabi ng laptop at agad din na umalis.

"Reyes, John Klyde." Nagulat pa ako ng tinawag na ang pangalan ko.

"Present po."

"Rivas, Aiden Benedict." At maslalo akong nagulat ng marinig ko ang pangalan na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko at halos masamid ako sa sarili kong laway.

Naghintay kami pero walang sumagot.

"Hindi pa ba iyon pumapasok? Pangalawang linggo na ngayon ah." Ani ng Prof. ngunit walang nagsalita.

Tinawag pa ang iba naming kaklase habang ako ay napainom na lang ng juice upang ikalma ang sarili ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may nagpop-up na black screen at may nakalagay na connecting.

"Sino yan?" Tanong ng Prof. ngunit walang makasagot.

Bigla na lang tumambad ang mukha ni Aiden. Naka-suot ito ng uniporme habang inaayos niya ang buhok nito. Ginagamit niya pang salamin ang camera.

"Bakit ngayon ka lang?!" Masungit na tanong ng Prof. namin sa kanya.

"Sorry, Prof." Anito at inayos na ang sarili.

Halos malagutan ako ng hininga ng magtama ang paningin naming dalawa. Ngumisi pa ito.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon