Truth

4.3K 153 16
                                    

Pagkarating ko sa may locker ay doon na bumuhos ang mga luha kong gusto ng kumawala.

Sobrang sakit pala, alam ko naman na ganito ang mangyayari, alam ko naman na hindi pwedeng maging kami, tanggap ko na eh pero ang sakit pang pala talaga kapag totoo na.

Ang tahimik na ng buhay ko noon, okay naman na ako noon kahit hindi pa din ako nakakalimot kaso bigla na lang ulit nagimbal ang mundo ng dumating siya. Nagbigay siya ng motibo ulit tapos ngayon ay may fiancé na pala siya.

Pinaglalaruan niya ba talaga ako? Pinaglalaruan lang ba talaga ako ng tadhana? Hindi ba ako pwedeng sumaya?

"Bakit hindi ka oa nag-oout?" Nilingon ko si Kesha na kakapasok lang.

Agad kong pinunsan ang basa kong mukha at naghilamos ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung mapapansin niya na umiyak ako, namumugto kasi ang mata ko at pumupula ang mga pisngi.

"Mag-oout na. Mamaya ha." Sabi ko sa kanya. Buti na lang hindi nabasag ang boses ko.

"Okay ka lang? Umiyak ka?" Tanong niya.

Lumapit ito sa akin. Nangilig muli ang luha ko, hindi ko mapigilan na umiyak.

"Usap-usapan ngayon ang fiancé ni Sir na andito kaya ikaw ang unang naisip ko." Aniya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito.

Biglang bumuhos ang luha ko. Niyakap niya ako kaya humagulhol ako sa mga balikat niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak.

"Ang sakit sobra." Sabi ko.

Hinagod niya ang likod ko.

Napalingon ako kay Denver na kakapasok pa lang sa locker. Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang dumalo sa amin.

Napakalas ako ng yakap. Napalingon naman si Kesha sa likuran.

"Anong nangyari?" Galit ang mukha niyang tanong sa akin.

Pinahid ko ang mga luha at ngumiti.

"W—wala. Mag-oout na ako. Kayo ba?" Tanong ko.

Muli kong binuksan ang fauset at binasa ang mukha.

Nanatiling galit ang mukha ni Denver na nakatingin sa akin. Gumagalaw ang panga niya at kumyom ang kanyang kamao.

"Si Aiden nanaman ba ulit?" Hindi ako nagsalita. Tinignan ko siya sa may malaking salamin.

Handa na sana siyang aalis ng bigla kong hablutin ang kamay nito. Napatingin ito sa akin kaya ngumiti ako.

Umiling ako sa kanya.

"Wag." Sabi ko dito at ngumiti. "Okay lang ako. Alam ko namang mangyayari ang ganito kaya okay lang." Pahayag ko.

Biglang umamo ang mukha niya. Napahawak din siya sa aking mga kamay at tinignan ako sa mga mata.

"Malapit ka ng umalis. Please be happy habang nakakasama ka pa namin." Aniya kaya napangiti ako lalo.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko na din siya pabalik. Napapikit ako at agad na pinalis ang lumandas na mga luha.

Pagbukas ko ng aking mga mata ay nakita ko si Aiden na nasa labas ng pintuan habang kasama ang fiancé niya at yung Renz.

Tinapik ko ang likod ni Denver kaya napatingin ito sa akin. Nginuso ko ang pintuan kaya napalingon ito doon. Muling umigting ang panga niya ngunut hinawakan ko lang ang kamay niya.

"K—klyde." Aniya at lumapit siya unti-unti.

"Congrats. Hindi mo naman pala sinabi na malapit ka ng ikasal." Sabi ko sa kanila at tumawa.

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon