Birthday

4.6K 207 11
                                    

Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Mabigat ang akinh pakiramdam paggising ko.

"Right, my birthday today." Matamlay na pahayag ko sa aking sarili.

Tumayo na ako at duniretso sa salamin. Tinanggal ko ang aking mga muta at lumaba na ng akong kwarto, nadatnan ko si Mama n inaayos ang pinamili niyang lulutuin mamaya. Pupunta din dito si Francis para tumulong hindi ko lang alam kung sasama si Frank kasi sabi niya titignan niya daw kung makakapunta siya ng hapon pero pupunta naman siya mamayang gabi kung di siya makakapunta mamaya.


"Goodmorning, Anak." Ani Mama ng makita akong lumabas ng aking kwarto.

Nginitian ko siya at tumabi sa kanya para tignan ang kanyang ginagawa.

"Ang dami naman niyan, Ma. Kunti lang naman ang pupunta." Sabi ko nito ng makita ko ang ilang kilong spaghetti, salad at iba pa.

"Edi stock natin dito sa bahay." Sagot nito kaya dumiretso na ako ng hapag para kumain.

Hindi ko alam pero umaasa ako na makakadalo si Aiden mamaya ngayong birthday ko, kahit yun lang sana ang masayang mangyari ngayong kaarawan ko.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako kaagad. Nagbukas na din ako ng facebook at nakita ko ang ilang mga post ng mga kaibigan ko sa timeline ko at mga tags nila sa post at story. Nireplyan ko ito isa-isa.

Pagkatapos kong gawin iyon binuksan ko ang laptop dahil may isang klase ako ngayon Psychology, kaklase ko si Aiden. Kahit dito na lang sa zoom ko siya makita.

Natawag na lahat ng pangalan namin ngunit walang Aiden na pumasok. Nawalan ako ng gana ng hindi siya pumasok, hindi ko alam pero parang hindi na bumalik sa dati yung araw ko.

"Happy birthday, Insan." Bati sa akin ni Francis at niyakap ako pagkarating niya sa bahay.

"Thankyou. Uy ano yang mga yan?" Tukoy ko sa bitbit niyang eco bag.

Kumindat siya at pinasilip ang nasa loob.

"Alam mo na para sa mamaya." Aniya at tumawa.

Sampung gin ata at c2 ang andun. Ready na ready sa bakbakan para mamaya itong si Francis ah.

"Si Frank? Sino kasama niya pupunta mamaya?" Tanong ko.

"Hindi ko alam pero sabi niya yayayain niya ibang mga kaibigan niya. Bakit?" Aniya at nilapag sa gilid ang mga inumin.

"Wala tanong ko lang."

Umalis na ako sa sala at nagpunta sa ref, nilabas ko ang juice dahil nauuhaw daw ito sa kakalakad kanina.

"Buti hindi ka nasita ng mga pulis."

"Ako pa beterana ata to." Sagot niya habang umiinom.

Bandang alas dos ay sinimulan na namin magluto ng mga pagkain. Inuna na namin ang ilalagay sa ref ang salad at graham pagkatapos nun ay spaghetti at sopas naman. Bumili din pala si Mama ng isang square na cake para daw ito mamayang gabi para sa mga dadating na kaibigan.

Inimbitahan ko din ang ilang mga kaibigan ko pati sila Denver pero hindi ko alam kung makakapunta ang iba si Denver lang ang nagsabing sure siyang makakapunta.

Bandang alas kwatro ng matapos kaming magluto. Pagod na pagod kami kaya umupo kami sa sofa saglit nung nakapgpahinga na ako ay naligo na ako tyaka nagbihis ng desenteng damit.

Nagpapicture din ako kay Francis at pinost ito sa facebook. Nilagyan ko lang ng caption about sa birthday kaya madaming bumati sa akon sa comment section, pinusuan ko lang ito at hinayaan.

May naunang dimating na mga kaibigan ko ngunit umalis din kaagad dahil sakto lang daw napadaan sila sa may town at malapit lang sa town ang bahay kaya dito sila pumunta.

"Sup Bro, happy birthday." Bati ni Denver sa akin.

Nginitian ko siya at inimbitahan sa bahy. Pagpasok namin ay andun ang iilang mga kaibigan ko ngunit paalis din sila.

"Uy Denver." Tukoy ni Francis sa kanya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko.

Magkaklase pala ang mga ito nung high school kaya sila magkakilala.

Sinabihan ko din si Denver kung gusto niya kuna magstay dito dahil magiinuman kami mamayang gabi at pumayag naman siya.

Nung dumilim ay dumating na sila Frank. Hindi ko alam pero kinakabahan ako, pagkapark pa lang ng kotse niya ay nanginginig na ang aking mga tuhod dahil sa kaba.

Naunang lumabas si Frank at sumunod ang mga ilang kaibigan niya. Maslalong kumalabog ang aking dibdib ng makita ko si London na lumabas sa kotse.

Nasaan siya?

Hinanap ng mga mata ko ang taong gusto kong makita ngunit bigo ako. Nawalan ako ng pag-asa at bumagsak ang balikat ko.

"Happy Birthday, Klyde!" Bati ni Frank sa akin at nakibati na din ang mga kaibigan.

Pamilyar ang mga itsura nila dahil galing din silang University namin. Ang iba ay basketball team at yung mga iba ay kaklase ni Frank.

Hindi ko alam kong tatanungin ko ba kay London kung nasaan si Aiden ngunit pinigilan ko na lng ang sarili kong magtanong baka kung ano pa ang isipin.

Pumasok na lang din ako ng bahay para makisalo sa kasiyahan. Pinakain ko na ang mga kakadating lang at nung nakita ko ng kunakain na sila ay idampot ko ang vape ko tyaka lumabas ng bahay.

Humigop ako at binuga ang usok. Pinanuod ko lang ito habang nawawala na parang bula, muli akong humigop at ibinuga sa hangin tyaka napapikit.

Sumasakit ang dibdib ko dahil naiisip kong hindi dadalo si Aiden ngayong Birthday ko. Umasa ako kasalanan ko din naman, sana nung una pa lang hindi na ako umasa pa.

Halos mapatalon ako dahil naramdaman kong may humawak sa aking kamay na nakahawak sa akong vape. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Aiden sa aking harapan.

Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung panahinip o imahinasyon ko lang ito ngunit wala akong pake alam.

"A—aiden?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango ito tyaka ngumiti.

"Happy birthday, my love." Aniya.

Bumuhos aang aking luha dahil sa kasiyahan. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at narinig ko pa ang pagtawa nito.

This is the best gift I ever received.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon