Love

4.7K 175 17
                                    

Pakiramdam ko halos buong araw akong naka-upo sa eroplano, sumasakit na ang pwetan ko dahil dito. Ilang ulit din akong nakatulog dahil hindi talaga ako sanay sumakay sa eroplano, nagigising man ako kapag medyo naalog o di kaya nahihilo ako.

Nagising na lang ako ng bigla kong narinig ang intercom na papalapag na daw kami.

Tinanaw ko ang maliit na bintana. Ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ko ang mga naglalakihang mga building at magandang bayan ng Amerika.

Hindi din nagtagal ay nakalabas na kaming lahat. Prinocess ko na ang papel ko bago ako maka alis doon. Paglabas namin ay nakita namin ang iilang tao na naghihintay, hinanap ko ang mga mata ko at agad ko namang nakita si Tita Mandy na kumakaway sa akin, ang kapatid ni Papa na dito na naka-asawa ng foreigner.

"Hi Tita." Bati ko sa kanya at niyakap siya. Ngumiti ito at tumawa.

"Laki mo na talaga ang gwapo mo pa. Musta byahe?" Tanong niya.

I rolled my eyes. Nahihilo pa ako at nagugutom na din.

"Ang haba ng oras ng byahe, Tita." Sagot ko. Tinapik niya ang likuran ko at niyakag ako papunta sa labas.

Tinulungan kami ng kanyang asawa sa aking mga bagahe. Nilagay namin ito sa likod ng kanilang kotse.

Sa New York ako titira doon muna sa bahay ng Tita ko habang nagsisimula pa ako. Dadalawa lang naman sila ng kanyang asawa dahil ang nagiisa nilang anak o pinsan ko ay mas boarding school siya.

"Gutom ka na?" Tanong ni Tita sa akin.

Tumawa ako at tumango. Kanina pa ako nagugutom, ayaw ko kasi ng pagkain nila sa eroplano parang nabibili lang sa convinience store, hindi nakakabusog.

Sa tantya ko nasa dalawang oras ang byahe mula sa Airport hanggang sa NYC.

Namangha ako sa mga nagiilang at nagtataasang buildings. Madami namanh building sa Manila pero hindi tulad dito sa New York na mas maganda.

Living in New York is expensive yun ang sabi nila hindi ko alam kung makakaya ko kapag bumukod na ako sa Tita ko at kumuha na ako ng Apartment ko dito kapag nagtagal, after a year maybe pero kakayanin natin para sa future.

"Si Drey Tita meron ngayon?" Tanong ko.

Tumango siya.

"Yes, today is Sunday kaya pinauwi ko siya muna." Sabi niya.

Tumango-tango ako.

Ngkakausap kami ni Drey sa Facetime minsan pero di ko pa siya nakikita. Umuwi naman sila nung mga bata kami I think three years old pero di ko lang maalala.

Drey is half dilipino, american and british I think kasi yung napangasawa ni Tita is half american half british siya, yun ang pagkaka alam ko.

Nakarating kami kaagad sa kanilang bahay. Ang mga bahay dito ay halos magkakaparehas. Kulay cream ang kulay ng pintura at dalawang palapag ito.

Lumabas na ako ng sasakyan at nagtungo sa likod ora kunin ang mga gamit. Napalingon ako sa pagbukas ng pintuan ng bahay. Nakita ko si Drey na kakapabas lang, nginitian ko siya at agad naman siyang nagtungo sa akin.

"Bro." Aniya.

Nagyakapan kami at tinulungan na din kami sa pagbubuhat ng aking mga gamit.

Ang tangkad niya, nasa 6 ft. ata o mas higit, kulay blonde ang buhok nito at kulay tsokolate ang mga mata niya. Kung pupunta ito sa Pilipinas ay may malaking pursyento na pagkakaguluhan siya ng mga tao doon o di kaya kukunin din siya bilang artista.

Sa ganing iyon ay nagsalo-salo lang kami at agad na akong nagpahinga dahil pagod na pagod ako sa byahe kanina.

Tatlo ang kwarto ng bahay, kay Drey , kina Tita at itong guest room kung saan ako nakhiga ngayon. Dito na muna daw ako kasi wala naman nagamit nitong kwartong ito.

Nakatingin lang ako sa puting kisame at iniisip kung paano ako mabubuhay dito. Napapikit ako at nagmessage kina Mama para sabihin na nandito na ako.

Madaming nagmessage sa akin kung nakarating na ako, iilang lang nireplyan ko yung mga closest friends ko lang.

Kinaumagahan ay walang masyadong ganap. Naninibago oa ako sa oras dito, gabi pa ata ang katawan ko dahil gabi pa sa ganitong oras sa Pilipinas.

Naghilamos muna ako at nagtoothbrush tyaka ako lumabas ng kwarto. Mamaya ko na aayusin ang mga damit ko medyo tinatamad pa ako.

"Goodmorning." Bati sa akin ni Drey ma nagsasalin ng gatas niya.

"Goodmorning. No class?" Tanong ko.

Magdudugo ata ilong ko araw-araw dito.

"I have but in the Afternoon. I need to get back to school." Aniya. Tumango ako at nagsalin ng malamig na tubig.

"Goodmorning, Klyde." Bati ni Tita.

Binati ko na lang din sila at nagsimula ng kumain kasama sila. After namin kumain ay maghuhugas na sana ako ng biglang sabihin sa akin ng Tita ko na hindi na daw kailangan dahil may dishwasher naman daw.

Bago ko ayusin ang mga gamit ko ay naligo muna ako. Naligo ako para maging productive ako, para ganahan ako gumawa ng mga gawain ko ngayon, kasi kapag fresh ka di ka tatamarin diba.

Lunch na nung natapos ako sa ginagawa ko. Natulog na lang ulit ako pagkatapos namin kumain kasi talagang pagod na pagod pa ako at antok na antok sa byahe kahapon.

Nag alarm ako ng alas kwatro sakto nmang tumunog ito ng nagising na ako. Muli aking naligo at nag-ayos.m dahil napagpasyahan ko magtake ng photos sa tapat ng bahay.

Nakasuot lang ako ng white tshirt na plin habang naka jagger na grey at naka tuck in. Nakamedyas with sleeper ako para maganda tignan.

"Tita mag pipicture lang ako." Paalam ko.

Lumabas na ako ng bahay. Nagtitipa ako ng mensahe na irereply ko kay Mama, tinatanong kung ok lang ba ako. Sinagot ko naman ito agad.

Halos mawalan ako ng balanse ng makita ko ang isang taong nakatayo sa tapt ng bahay namin. Naka suot ito ng puting tshirt habang naka denim polo at nakapamulsa pa ito.

Nakangangang hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi ko alam kung tatakbo ako papalapit sa kanya o tatalikuran ko siya. Hindi ako makapaniwala. Napatigil lang ako sa paglalakad habang nakatingin dito.

Ngumiti ito at unti-unting lumalapit sa akin.

Kahit anong pigil ko ay kusang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit pero ang pagkaka alam ko dahil masaya ako ngayon dahil andito siya.

"Hi, Love." Aniya na mas lalong nagpabuhos ng aking luha. Agad niya akonh niyakap at hinagod ang likod.

"B—bakit andito ka?" Tanong ko. Narinig ko siyang humagikhik.

"Because I love you." Aniya. Hinawakan niya ang makabilang pisngi ko at pinunsan ang mga luhang natulo.

"Let's get married."

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon