Visitors

6K 252 17
                                    

"Etong kulay maroon na dress. One hundred fifty na lang. Pa mine na lang."

Paglabas ko pa lang ng kwarto ko ay yan na agad ang narinig ko galing kay Mama. Nilingon ko ito at nakita ko siyang pinapakita ang dress na kulay maroon. Nagoonline selling nanaman siya.

Napailing na lang ako at lalagpasan sana siya.

"Yung anak niyo na lang po pamine." Basa niya sa comments. Napatigil ako doon at napatawa. "Isang milyon po siya." Biro ni Mama.

Dumiretso ako sa kusina habang natatawa sa pinagagawa nito. Madami naman bumibili sa mga lumang damit ni Mama pinagkakakitaan niya rin ang mga ito kaya okay lang.

"Tapos na klase mo?" Tanong nito sakin.

Uminom ako ng malamig na tubig at ibinalik muli ito sa ref.

"Meron last subject mamayang alas dos. Ano ulam Ma?" Tanong ko. Hindi ito sumagot kaya tinignan ko na lang sa mesa kung ano ang nakahain.

Nakita ko doon na may isang leche flan at sinigang na baboy. Natakam ako doon kaya dali-dali akong kumuha ng pinggan at kanin.

"Saan po nabili to Ma?" Tukoy ko sa leche flan.

Tinikman ko ito. Masarap siya parang ako.

"Jan sa kapitbahay. Yung mga nagmine message niyo na lang sakin ang details niyo para alam ko." Ani Mama.

Kumain na lang ako ng taimtim doon. Pagkatapos kong kumain ay pumasok muli ako sa kwarto.

Hinubad ko ang aking uniform at nagsuot ng pambahay. Alas dose pa lang naman ng tanghali kaya pwede pa akong matulog o di kaya manuod na lang.

Tumunog ang phone ko at tumambad sa akin ang pangalan ng pinsan kong si Frank. Kumunot ang noo ko at binuksan ito.

Frank: Tara inom

Agad akong nagtipa ng irereply.

Me: Saan? Hindi pwedeng lumabas.

Frank: Sino bang nagsabing lalabas tayo? Jan tayo sa inyo.

Me: Tanga hindi pwede magagalit si Mama.

Frank: Hindi yan.

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano doon. Pupunta daw sila mamayang gabi dito at dito na din daw sila matutulog.

Kasama niya ang isang pinsan kong babae at kasama din daw niya ang dalwang kaibigan niyang lalaki. Hindi niya sinabi sa akin kung sino kasi hindi ko din naman daw ito kilala. Graduating na siya this year sa Architect naiinggit nga ako sa kanya kasi siya ay malapit ng makapagtapos ako may isang taon pa ako.

"Ma!" Sigaw ko at bumangon. Binuksan ko ang pintuan. Nilingon naman ako nito.

"Ano?" Aniya habang nagsusulat ng mga umorder.

"Pupunta daw mamayang gabi sila Frank dito. Magiinumin kami ah." Paalam ko. Napatigil ito pero agad din tinuloy ang ginagawa.

"Payag ka?" Muling tanong ko.

"Oo na. Basta wag lang kayong maingay. Patulugin mo na lang sila jan sa kwarto mo." Sagot ni Mama habang di ako nililingon.

Sinarado ko na kaagad ang kwarto at agad muling humiga. Nagbukas lang ako ng mga social media ko tinignan kung ano ang updates sa pandemic at kung ano nanaman ang trending issue ngayon.

Ganito lang ang ginagawa ko araw-araw kapag nasa bahay. Nothing special boring lang ang buhay ko kahit walang pandemic noon ganito na talaga ang nakasanayan.

Natapos ang klase ko bandang alas kwatro. Wala naman kaming masyadong ginawa nagbasa lang kami sa binagay sa aming virtual module tyaka nagtake down notes sa mga importanteng bagay para sa pagsusulit next class.

Pinatay ko na ang laptop ko at chinarge na din ang phone ko. Habang nagklaklase ako kanina ay nakikipagvideocall din ako sa messenge rkay Leni, may klase din ito kaya ganun din ang ginawa.

Hinubad ko na muli ang uniform ko at nilagay sa basket. Kinuha ko ang towel na nakasampay at agad na pumasok sa loob ng banyo.

Binuksan ko ang shower at napapikit sa lamig ng tubig. Hindi ako gumagamit ng heater kapg naliligo gusto ko kasi yung malamig kasi nakakarefreshing sa katawan at nakakagaan. Alam ko dito sa Baguio ay kilala rin sa lamig ng temperatura pero sanay na lang talaga akong malamig ang panligo ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako. Nilakad ko lang papunta sa seven eleven para bumili ng chichirya at makakain para mamaya. Inutusan kasi ako ng pinsan ko total sa kanila na ang iinumin sa akin na ang pulutan. Galing nila nu? Hindi na lang ako pumalag total inom na inom naman na din ako.

Tumunog ang phone ko at tumambad ang pangalan ni Frank.

"Asan na kayo?" Bungad ko.


"Malapit na. Nakabili ka na?" Tanong niya sa kabilang linya. "Ganda niyan ang kinis." Dinig kong sabi ng isang kasama niya, hindi ko lang alam kung sino.

"Oo pauwi na. Ano binili niyo na maiinom? C2 gin?"

"Hindi. Embassy at coke." Anito.

Napailing ako. Mukhang may nakakamiss uminom sa may Gen. Lu  ah.

Binaba ko na ang tawag at agad na akong ngbayad sa counter. Naglakad lang din ako pauwi kasi malapit lang din naman.

Pagbukas ko ng gate namin ay nakapark na ang kotse ng pinsan ko sa labas ng bahay. Mukhang andito na nga sila, mas nauna pa silang nakarating sa akin.

Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at nilagay sa may gilid bago pinihit ang door knob ng pintuan.

"Anjan na pala si Klyde." Ani Francis ang kapatid na babae ni Frank.

Ngumiti ako sa kanya.

"Kararating niyo lang?" Tanong ko.

Nagtaka ako ng biglang tumahimik ang mga kaibigan niyang tumatawa kanina pagpasok ko. Dahil sa kuryusidad ko ay nilingon ko ang mga ito.

Halos lumabas ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy nitong dalawang kaibigan.

Walang iba kundi si Aiden ay yung chinitong member din ng basketball team.

Napalunok ako at parang may bumarang kung ano sa aking bunganga. Hindi ako makapagsalita.

Nasulayapan ko pa ang pagngisi ni Aiden bago ako umalis sa harapan nila at pumasok sa kwarto para makaiwas sa sitwasyon.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon