"Ma! Yung inorder mo!" Sigaw ko ng biglang may kumatok sa aming pintuan pagbukas ko ay iyong food delivery.
"Bayaran mo na muna babayaran ko mamaya." Sigaw din nito na nasa banyo naliligo.
Napakamot ako ng aking ulo. Ayaw ko sanang bayaran kaso nakakahiya sa nagdedeliver naghihintay na siya ng matagal.
Ibinigay ko na ang limang daang piso sa kanya kaya agad naman niya itong sinuklian. Isinara ko na ang pintuan at nilapag ang mga pagkain na inorder ni Mama.
Ubos nanaman ang pera ko, alam ko namang hindi na niya babayaran ito kapag sisingilin ko siya madami nanaman siyang sasabihin ng kung ano-ano.
Burger, fries at manok ang mga inorder niya may drinks na din ito. Kinuha ko ang isang fries tyaka drink at pumasok na sa kwarto. Umupo ako sa may table habang nanunuod ng netflix movie.
Sabado ngayon kaya wala kaming klase, tapos ko na din naman ang mga gawain ko kaya it's time to relax.
Dinampot ko ang vape at humigop, agad kong binuga ang usok at gumawa pa ng mga maliliit na bilog, nanuod din ako kanina ng mga vape tricks ngunit kahit anong gaya ko ay hindi ko magawa kaya nanuod na lang ako ng movie.
Katatapos lang din namin mag-usap ni Aiden dahil nagpaalam itong maliligo muna. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinend niyang video ngunit sa kabilang banda ng utak ko ay sinasabing nagkataon lang na Renz din ang pngalan ng pinsan niya. Imposible din kasing maging jowa ito ni Leni.
Hindi ako makapagpokus sa pinapanood kong movie dahil nag-iisip ako ng pwede kong gawin ngayong araw, hihilata nanaman ba ako maghapon o di kaya lalabas ako pero saan ako pupunta?
Natapos ang movie ng wala pa akong naiisip na pwedeng gawin. In the end nagsacroll ako sa shoppee o di kaya naman ay sa lazada kung meron akong natitipuhang pwedeng orderin. May nakita akong magagandang pwedeng pang decorate sa kwarto ngunit nasasayangan ako sa gagastusin kong pera.
Sinara ko na ang phone tyaka napabuntong hininga habang nakatingin sa kisame. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako kaya nung paggising ko ay lunch time na.
Tinignan ko ang phone at nakita ko ang limang missedcall ni Aiden sa messenger. Agad ko itong binuksan at tinignan ang iniwan niyang mga mensahe.
Aiden: Uyyy.
Aiden: Bat di ka sumasagot?????
Aiden: Anong ginagawa mo?
Aiden: May iba ka na nu?
Aiden: Alam ko naman sanay na ako.Natawa ako sa aking binasa. Nagtipa kaagad ako ng mensahe at sinabing kagigising ko. Hindi ko na hinintay ang reply niya lumabas na ako ng kwarto at kumain na.
Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko ngayong araw na ito, hihilata nanaman ata ako maghapon o di kaya maglalaro na lang. Nakakasawa din pala yung ganitong buhay.
"Ma, lapit na birthday ko." Sabi ko kay Mama nung nakita ko siyang naka-upo sa sofa at nagcecellphone.
"Oh ano naman? Kay papa mo ikaw humingi." Aniya na hindi pa din nakatingin sa akin.
"Ma naman! Ano nga?"
"Matagal pa naman ako na bahala dun ka na nga at may ginagawa ako." Sagot niya.
Pumasok na muli ako ng kwarto at sakto tumatawag si Aiden. Agad ko itong sinagot at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Hilig niya talagang ibalandara ang katawan niya.
"Ano?" Bungad ko.
Nakabusangot ang mukha niya para siyang naiinis.
"May iba ka na nu?" Tanong nito habang nakakunot noo.
Tumawa ako.
"Bobo." Tawa ko ngunit ganun pa din ang itsura niya. "Nakatulog lang ako para kang baliw."
"Weee? Nakailang tawag ako hindi mo narinig? Hindi ka nagising." Umismid pa siya.
"Nakasilent kasi." Rason ko dahil totoo naman talagang nakasilent kaya di ko siya narinig nung tumawag.
"May iba ka lang eh." Pilit niya.
"Wala nga anjan ka na nga bakit pa ako maghahanap ng iba." Natatawa kong sagot sa kanya.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang pagngisi. Para itong kinikilig na ewan, ayaw ko namang mag assume.
"Sabi na eh gusto mo din ako nu?" Sagot niya habang may ngiting pang-asar sa labi.
Totoo namang gusto ko siya pero ayaw ko labg sabihin ang totoo kasi alam kong malabo din niya akong magustuhan. Let me just enjoy this moment na kausap ko pa siya hanggang ngayon kasi alam kong soon ay mawawala na ito na parang bula.
"Joke lang yun. Asa ka naman."
Napahawak siya sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan siya sa aking sinabi. Muli ako humalakhak sa kanyang ginawa.
"Sakit naman nun. Edi ako lang pala ang may gusto sayo." Sabi nito. Hindi na ako nagulat kahit pang-ilang sabi na niya sa akin na gusto niya ako.
Hindi lang ako naniniwala kasi imposible iyon na magutuhan niya ako, lalaking lalaki siya, sikat siya, team captain kung magugustuhan man niya ako, bakit ako? Wala namang espesyal sa akin, isa lang akong normal na tao at madami pa jan na mas deserving para sa kanya kaya kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na gusto niya ako hindina lang talaga ako naniniwala kasi ayaw kong maniwala at umasa.
Masaya na ako sa ganitong set-up namin magkaibigan. I'll just enjoy this moment habang nakaka-usap ko pa siya ng ganito kasi pagkatapos ng pandemic na ito babalik na sa dati ang lahat.
"Balita ko nagkakamabutihan na daw kayo nung senior sa nursing ah." Tukoy ko kasi may picture siyang kumalat kasama ang isang senior na nursing nung nakaraan. Naka-akbay pa siya dito ay masayang-masay silang dalawa.
"Kaibigan ko lang yun. Nagseselos ka nanaman jan."
"Hindi ako nagseselos baliw. Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kita gusto tyaka okay lang naman kahit sino pa jan ang idate mo."
Hindi ko alam kung bakit lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon kasi halata namang nagseselos talaga ako. Hindi ko lang talaga mapigilan magsalita.
Hindi ito nagsalita tahimik lang siya na parang nag-iisip. Ang nakangiti niyang mukha kanina ay nawala na.
"Oo pala di mo pala ako gusto." Aniya at nakita kong gumalaw ang panga niya na animo'y galit ang itsura.
Agad niyanb pinatay ang tawag ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.
***

BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...