Leave

4.8K 167 12
                                        

Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makapagsalita. Hindi na gumalaw ang mga kamay kong sumusuntok sa mukha ni Renz. Tanging paghikbi na lang ang aking ginawa habang damang-dama ang mainit na yakap sa aking likuran.

"K-klyde." Bulong nito. Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking balikat. Napapikit ako.

"Bitawan mo ko." Malamig na pahayag ko. Ganun pa din ang posisyon namin, nakaluhod sa may simento habang niyayakap niya ako sa aking likuran.

"I'm sorry. Sorry." Aniya.

Hindi ko naramdaman ang pagkalas niya kaya hinawakan ko na ang mga kamay niyanh nakapulupot sa akin at winaksi ito. Tumayo ako at hinarap siya, nakatingin ako sa kanya habang nakaluhod pa din ito.

"Stop, Aiden. Pagod na ako, pagod na pagod na akong maramdaman ang ganito." Sabi ko.

Hindi ko na inalintana ang mga matang nakatingin sa amin. Wala na akong pake, aalis naman na ako kaya at sirang-sira na pangalan ko kaya lubos-lubosin ko na.

"Ang ginawa ko lang naman ay mahalin ka pero bakit ganito ang ginaganti sa akin? I want to be loved not to be hurt!" Masakit na pahayag ko.

Tumulo muli ang mga luha ko. I promised na ito na ang huling luha dahil sa kanya. No more cries, no more hurtful memories and no more pains.

Naramdaman ko ang pagpatak ng butil ng ulan hanggang sa sunod-sunod na ito hanggang sa lumakas.

Nanatili akong nakatayo doon habang nakatingin sa kanya. Tumayo ito at tinignan ako sa aking mga mata, nakita ko dito ang pighati.

Alam kong minahal niya ako pero hindi lang tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

"K-klyde, mahal kita." Aniya. Hinanap ng mga mata ko ang kanyang Fiancé. Gulat na gulat siya sa nangyayari, nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang mga bibig habang nagtutubig ang mga mata nito.

Sapat na yung mga sakit na naramdaman ko sa pagmamahaling ito. Maybe, ito na ang huling pagkakataon na mahahagkan ko siya ng ganito kalapit dahil pagkatapos nito, my fantasy will end.

Meron talaga yung mga bagay na kahit anong pilit mo ay hindi mapapasayo, kahit gustong-gusto mo hindi pwede kasi hindi nakalaan na makuha mo ito.

Pumikit ako kasabay nun ang pag guhit ng mga ala-ala naming dalawa noong wala pa kaming prinoproblema sa isa't-isa, mga ngiti namin hbang magkausap sa videocall at iba oang masasayang ala-ala naming dalawa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Napatingin siya dito at napalingon sa akin.

"I love you." Bigkas ko at ngumiti. If is this the last time gusto ko lang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin.

"But we are not meant for each other." Dugtong ko. Suminghot ako dahil nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking sipon.

Naririnig ko na ang tunog ng ambulansya na papalapit sa kinaroroonan naming dalawa.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at napapikit naman ito. Ngumiti ako habang nakatingin sa kanyang mukha.

"Maybe someday or afterlife malay mo tayo na talaga. Malay mo babae na ako baka pwede na tayo." Tukoy ko at tumawa na parang tanga.

Hinawakan ko ang pisngi niya hamit ang dalawang kamay ko. Inilapit ko ang noo ko sa kanyang noo at doon na bumuhos muli ang luha ko.

Lubos-lubosin ko na lang dahil ito na ang huli.

"Thankyou for being part of my life kahit ganito ang nangyari naramdaman ko din kung paano sumaya at mahalin." Sabi ko sa kanya habang ganun pa din ang posisyon naming dalawa.

Kumalas ako sa posisyon at hinawakan muli ang kanyang mga kamay. Nanatili siyang walang imik nakatingin lang siya sa akin.

"In this love story I'm not the protagonist nor the antagonist I'm just an extra, nothing important." Huling pahayag ko bago ko binitawan ang kanyang mga kamay.

Sa huling pagkakataon at ngumiti ako sa kanya at tumalikod na.

Sa bawat paghakbang ko na aking ginagawa ay bumibigat ang pakiramdam ko. Wala eh, ito talaga ang nakalaan para sa akin para sa aming dalawa.

"Mama, Papa!" Sigaw ko pagbukas ko ng pintuan ng taxi.

Nakita ko silang naghihintay sa akin sa labas ng airport. Niyakap ko si Mama habang si Papa naman ay tumulong sa pagbaba ng aking mga gamit.

"Magiging ok ka lang ba dun?" Tanong ni Mama sa akin.

Tumango ako at nilingon ang airport. Huminga ako ng malalim.

Ito na ang huling araw ko sa Pilipinas at ngayon ang araw ko para lumipad sa ibang bansa.

Kararating ko lang kanina madaling araw dito sa Manila at dumiretso na ako dito sa Airport baka maiwan ako ng eroplano.

"I love you." Ani Mama at niyakap na ako bago ako pumasok sa loob. Ganun din ang ginawa ng aking Ama.

Ang hirao ng pakiramdam na magpapaalam ka at aalis ka na kasi hindi mo sila makikita ng ilang taon.

Tinawag kaagad ang flight namin. Agad ko ng inasikaso sa may immigration at agad na kaming pinapunta sa aming eroplano.

"Hi! Goodmorning welcome to our airlines!" Bati nung isang lalaki.

Sinulyapan ko ang kanyang name tag at nakita ko ang pangalan niyang 'Cole' doon. Binati ko naman siya pabalik at hinanap na ang aking upuan.

Dumungaw ako sa bintana upang tignan muli ng huling beses ang bansang kinagisnan ko.

Sa muli natin pagkikita muli. Paalam.

***
This is not the end.

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon