Request

6.1K 265 19
                                    

Ibinuga ko ang huling tyaka tinapon sa gilid ang sigarilyo. Napabuga ako ng hangin habang iniisip ang nangyari.

"Pero hindi talaga ikaw yun?" Ulit na tanong ni Leni sa kabilang linya.

"Hindi nga. Bakit naman ako magcoconfess ng ganun at sasabihin ang buo kong pangalan. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo nu!" Inis na sagot ko.

Ibinaba ko na ang tawag at agad ng dumiretso sa kwarto.

Madami akong natanggap na mga mensahe dahil doon ngunit ni isa ay wala akong nireplyan sa kanila. Wala naman kasi akong dapat ipaliwanag dahil unang-una pa lang ay hindi ako iyon.

Ginugol ko na lang ang oras ko sa panunuod ng netflix para kahit papaano ay maibsan ang inis na nararamdaman ko.

Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko dahil sa mga notifications at chat kaya sinilent ko na lang ito.

Dumampot ako ng chips at agad na nginuya. Napabuga muli ako ng hangin at napatingala sa puting kisame.

"Tangina kasi. Sino ba kasi gumawa nun?" Tanong ko na animo'y masasagot ako ng kisame.

Kinagabihan ay pumason ako sa video room namin para sa meeting namin ng groupmates.

Tahimik lang sila pero alam kong nakita na din nila yung post na iyon hindi lang sila nagsasalita.

"Wala pa ba si Denver?"

"Wala pa. Kakaseen lang niya sa groupchat." Sagot ni Jelay.

Hindi din nagtagal ng ilang minuto ay pumasok na din si Denver. Agad kaming nagkatinginan.

"Hello everything." Anoya at sinulyapan muli ako. "Sup, Klyde. May gusto ka pala kay Aiden ah naku naku di mo man lang sinabi sa akin." Dugtong nito habang natatawa.

Narinig ko ang hagikhik ng mga kasama ko pero hindi ko na lang pinagtuunan iyon ng pansin.

"Wala akong gusto dun. Hindi ako ang nagconfess." Malamig na pahayag ko.

Inabot ko ang vape sa gilid at agad na humithit at binuga ang usok.

"Weeeh?" Di makapaniwalang tanong ni Denver.

"Oo nga! Bakit naman ako magcoconfess sa pgae na iyon at bakit ko babanggit ang pangalan ko. Tanga ba ako?"

"Sabagay. Pero kung hindi ikaw yun sino?" Anoya na animo'y nag-iisip. "Ay alis na pala muna ako mga idol may meeting kami ng team gusto mo sumali Klyde?" Pang-aasar nito sa akin.

Kung pwede ko lang sana batuhin ng sapatos ko ay binato ko na kanina pa.

"Umalis ka na nga dami mo pang sinasabi." Inis na sumbat ko.

Umalis na din ako kaagad doon at tinuloy ang panunuod.

Kinaumagahan ay umalis ako ng bahay bago mag luncj dahil inutusan ako ni Mama na mag grocery kasi paubos na ang mga stock namin.

Bago ako dumiretso para mamili ay tumigil muna sa Starbucks para magorder na maiinom.

Tinulak ko ang pintuan kaya tumunog ito, napatingin ang iilang mga tao na andun ngunit hindi ko na lang ito pinansin.

"Isang java chip venti." Sabi ko sa cashier at binigay na ang pera.

Tumunog muli ang pintuan kaya napatingin ako sa kakapasok. Laking gulat ko na lang ng makita ko si Aiden na may kasamang babae habang masaya pa silang nag-uusap.

Kinabahan ako dahil doon hindi ko alam kung bakit o baka dahil ito sa post sa page.

Agad akong tumalikod para kunin na ang order ko at lalagpasan ko na sana sila ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"John Klyde Reyes." Anito.

Nilingon ko siya at tumambad sa akin ang mukha niya kahit hindi ko kita ang bibig nito ay alam kong nakangisi siya. Kumunot ang noo ko at agad na tumalikod na at umalis doon.

Pagkatapos kong mabili lahat ang pinapabili ni Mama ay agad na akong umuwi.

Ginugol ko na lang muli ang oras ko sa panunuod ng kung ano-ano. Nagedit na rin ako ng mga pictures para lang hindi ko maisip ang nangyari kanina at sa nagsimula ng lahat ng ito.

Nung nagsawa na ako sa ginagawa ko ay doon ko na naisipan na buksan ang facebook ko. Pumunta muli ako sa post para tignan iyon. Umabot na ito ng sa sampunh libong likes at comments.

Tumambad din sa akin ang napakadaming friend request. Inisa-isa ko ang mga ito ngunit wala akong balak mag-accept ni isa sa kanila.

Napakunot ang noo ko ng bigla kong makita ang pamilyar na mukha ng iba. Muli kong iniscroll para tignan pa ang iba at tumambad sa akin ang mga mukha ng mga members sa basketball.

Bigla muling tumunog ang phone ko at nagpop-up ang di ko inaasahang pangalan na makikita.

Aiden Benedict sent you a friend request.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon