Kinaumagahan ay ganun pa din ang aking ginawa. Maaga akong nagising at maaga akong pumasok. Ginawa ko na lahat ang mga gagawin para makapagsimula na sa paglilinis, may mga check-in kami ngayon kaya inuna ko ang mga room para iretouch.
Bandang ala-una ng napagpasyahan naming mag lunch. Pumasok kami sa cafeteria ng Hotel, kasama ko ngayon si Kesha.
Pagpasok ko namin doon ay may iilang mga staff na kumakain, mga public attendant ata at mga nasa resto.
"Goodfternoon." Bati ko sa nagsasandok ng mga ulam. Ngumiti ito sa akin at binati din ako.
Inilahad ko na sa kanya ang aking plato at nilgyan naman niya ito ng kanin at ulam. Kumuha din ako ng baso para maglagay ng sabaw ng sinigang tyaka naghanap ng mauupuan. Bandang nasa gilid kami na medyo pinakadulo.
Umupo na kaming dalawa kasama namin ang mga ibang room attendant. Muli akong tumayo at kumuha ng tubig na maiinom tyaka bumalik.
"Kumusta na pala yung resignation mo? Na process na?" Tanong ni Kesha sa akin.
Umupo ako at tumango tyaka uminom ng tubig.
"Oo nagrerender na lang ako ng isang buwan dito." Sagot ko.
"Aalis ka na talaga? Wala na kami kasama dito." Ani Hazel isang room attendant na kasama namin.
"Meron yan madami namang gustong pumasok ng trabaho dito eh."
Kumain na kaming lahat at nagusap-usap lang ng kung anong bagay-bagay.
Napatingin ako sa may door ng bigla kong nahagilap si Denver na kumakaway sa akin mula sa labas. Halos maibuga ko ang nasa bibig ko.
Talaga bang seseryosohin niya ang pag-aaply dito?
Agad kong pinunasan ang bibig ko at uminom ng malamig na tubig.
"Pasalubong Klyde pag-uuwi ka galing America." Napabaling ang atensyon ko kay Hazel na sinabi iyon.
Tumawa ako at tumango.
"Oo naman. Lahat kayo."
After naming kumain ay niligpit na namin ang ginamit tyaka nilagay sa lababo.
Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko si Denver na nakasandal doon. Hinila niya ako nagpatinaod naman ako tyaka niya ako binitawan.
"Seryoso ka talaga?" Tanong ko dito.
"Oo nga pagsinabi ko gagawin ko talaga. Ikaw seryoso ka na bang aalis ka na?" Tanong muli niya.
Napatigil ako doon at napaisip. Gusto ko na ba talagang umalis?
"Oo naman para sa sarili ko at sa family ko."
Tinitigan niya ako kaya napakunot ang aking noo.
"Talaga bang para sa sarili mo lang o may ib ka pang dahilan?" Matamaang tanong niya na maalalo kong ikinatigil. Hindi ako makasagot
Para sa sarili ko nga ba? O may iba pa?
Oo aaminin ko isa din sa rason kung bakit ako aalis ay para makalimot. Tatlong taon na akong ganito, tatlong taon ng parang may kulang sa aking sarili and it's time na ding magmove on at hanapin ang sarili ko para mabuo muli ito. Para maging masaya na ako maging masaya na ang lahat. In that three years ako na lang ang hindi nakakaalis doon. Stuck pa din ako at gusto ko ng makaalis pero hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kung lahat ng mga bagay na makikita ko ay naaalala ko lang ang mga nakaraan.
Ang hirap kalimutan ang taong mahal mo na siya din pala ang sanhi ng sakit na nararamdaman mo.
Pagkatapos naming mag-usap ni Denver at pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Mag aalas tres na at tapos ko na ang naitakda sa akong mga kwarto kaya niligpit ko na ang trolley ko.
Bababa na sana ako sa hagdanan ng biglang magsalita ang radyo.
"Housekeeping F.O"
Kinuha ko ito sa aking bulsa at pinindot.
"Go."
"Klyde? Punta ka daw muna sa office ni Mister Rivas linisan mo daw muna ito saglit." Aniya magsasalita sana ulit ako ng bigla kong maalala na nasa radyo kami. Maririnig lahat ng mga staff kaya nagtungo na lang sako sa front desk na may pagtataka.
"Bakit ako? Diba dapat mga public?" Tanong ko.
"Hindi ko din alam yun ang sabi niya nung tumawag siya dito sa front desk." Aniya.
Hindi dapat ako ang gagawa ng gawain na iyon dapat mga public attendant kasi sila ang nakatoka sa mga lobby at mga offices eh ang naktoka lang sa amin ay mga rooms sa Hotel.
Agad na akong nagmartsa sa may gilid sa pantry para kunin ang trolley tyaka nagpunta sa tapat ng pintuan ng kanyang office.
Kumatok ako ngunit wala akong narinig na sagot. Kumatok muli ako ngunit wala pa din kaya pinihit ko na ang doorknob at binuksan.
Tumambad sa akin si Aiden na naka-upo sa kanyang upuan habang may isinusulat. Hindi nagtagal ang tingin ko doon at nagsimula na akong linisan ang kanynag floor.
Walang naririnig na ingay sa loob tanging pagwalis ko lang. Pagkatapos kong walisan ay nagtungo ako sa banyo para linisan ito, hindi ako nahirapan dahil malinis naman kaya natapos ako agad.
Pagkatapos ko sa banyo ay tinuloy ko dito sa loob ng office niya. Pinunasan ko ang mga tables at mga chairs na andun pati na din ang mini library niya ay aking lininisan.
Napasulyap ako sa orasan ko at nakita kong alas tres y media na. Binilisan ko ang gawain para makapagvacume na at maka-alis na dito.
Pagkatapos ko sa pagpupunas ay agad ko ng kinuha ang vaccume tyaka sinaksak at inon. Napatingin ito sa akon dahil sa ingay ata ng vaccume pero pinagpatuloy ko na lang ngunit aatras sana ako ng maramdaman ko sa likod ko ng may natamaan ako kaya nung pagtingin ko ay si Aiden na nakatayo.
Buti na lang tapos na ako sa ginagawa ko kaya aalis na sana ako sa harapan niya para hugutin ang saksakan ng bigla niya akong hinawakan sa aking palapulsuhan at hinila kaya napayakap ako sa kanya.
Tanging ang tunog lang ng vaccume at ang malakas na pagpintig ng aming mga puso ang aking naririnig tyaka ang mabibigat naming paghinga.
Napapikit ako at lumayo sa kanya at tatalikod na sana para hugutin ang saksakan para maka-alis na ngunit nagsalita siya na ikinatigil ko.
"Sige jan ka magaling Klyde ang tumalikod kahit hindi pa natatapos." Malamig na pahayag niya.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/237694781-288-k429693.jpg)
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Teen FictionDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...