Addicted

5.9K 236 15
                                    

Napahiwalay ako kaagad sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Narinig ko ang hiyawan ng mga kasama, nanigas ako sa aking upuan at hindi makapagsalita.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Matamaan akong nakatingin sa sarili at iniisip ang nangyari.

What the heck, muntik na akong mapapikit doon. Anong nangyayari sa akin? Anong ginagawa ko. Tangina.

Napahawak ako sa aking labi. Muli nanamang sumagi sa isip ko ang halikan na naganap. Ang malambot niyang labi na dumampi sa akin.

Napasandal ako ng ulo sa salamin.

Bakit? Anong nangyayari sa akin. Nagustuhan ko ba ang paghalik niya? Muntik na akong bumigay dahil doon!

Narinig ko ang pagkatok.

"Klyde? Okay ka lang?" Narinig ko si Francis na nasa labas.

Inayos ko ang sarili tyaka binuksan at lumabas.

"Oo okay lang ako." Sagot ko at pumunta sa ref at kumuna ng malamig na tubig.

Agad akong nilagok iyon at napapikit para madama ang lamig ng tubig na pumasok sa katawan.

Lasing na ata ako hindi ko na alam ang iniisip ko, hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Dahil ata sa ininom ko kaya ako nagkaganun.


Imbis na bumalik ako sa inuman ay lumabas akong muli na hawak-hawak ang isang stick ng yosi. Nilabas ko ang lighter at suminindihan ito.

Napatingin lang ako sa pagbuga ko ng usok na lumilipad. Napapikit ako at muling humithit pa ng ilang beses

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang paglabas ni Aiden, lumayo ako at nagpunta sa gilid ng gate tyaka muling humithit.

"Fuck." Mahinang mura ko at muli sanang hihithit ay agad niya itong kinuha at inapakan.

Umusbong ang galit na aking nararamdaman. Dahil sa ginawa niya kanina at sa mga nangyayari ngayon.

"Putangina." Galit na mura ko at agad siyang sinuntok sa kanyang panga.

Napaatras siya dahil dito ngunit nakangisi siya habang tinignan ako ng matamaan. Ginalawa niya ang panga niyang nasuntok na animo'y inaayos.

"Lakas mo pla sumuntok ah." Anito at nakangiti pa.

Lumapit siya kaya napaatras ako, aatras pa sana ulit ako ng maramdaman ko ang bakal na nasa likod ko.

Napahawak siya sa magkabilang side ko sa bakal ng gate at nilapit niya ang mukha niya. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at bumaba ang tingin sa labi tyaka muling binalik ang tingin sa akin.

"I'm not sorry for what I did earlier." Aniya na muking ikinagalit ko.

Tinulak ko siya ngunit hindi sapat ang aking lakas. Nakakapit siya sa bakal kaya hindi ko siya mapaalis sa aking harapan.

"Ano bang gusto mo? Pinagtritripan mo ba ako?!" Tanong ko.

Bumagal ang paghinga ko dahil sa naraamdaman kong galit. Bumibilis na din ang pintig ng aking puso.

"No." Malamig na sagot nito.

"Kung iniisip mong gusto kita nagkakamali ka! Hindi kita gusto at hindi ako ang nagpost ng confession na iyon para sayo. Hindi pa ako tanga para magkagusto sa isang tulad mong antipatiko at arogant—"

Hindi ko naituloy ang bibitawan kong salita ng bigla ko na lang ulit naramdaman ang labi niyang dumampi sa akin. Ginalaw niya ito na animo'y sinasabing igalaw ko din ang akin.

Hindi ko alam pero para akong naadik sa mga halik nito o dala lang sa kalasingan dahil madami na din naman akong nainom.

Para akong nahihipnutismo at napapikit na lang ako at sumabay sa kanyang ginagawa.

Halos mawalan ako ng balanse buti na lang naalalayan niya ako agad. Ang kamay niya ang inalalayan ang aking likod habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa aking ulo.

Bago pa may makakita sa aming ginagawa ay napahiwalay na ako sa kanya. Hingal na hingal ako habang nakatingin sa mga nitong maitim.

"Fuck." Malutong na mura niya at muli pa sana siyang magsasalita ng bigla ko na siyang tinalikuran.

Mag aala-una na ng natapos ang inuman. Iginayak ko na sila sa aking kwarto. Kinuha ki na din ang extra naming foam para sa hihiga sa sahig.

Napagpasyahan na lang namin na ang magkapatid na lang ang hihiga sa aking kama habang kaming tatlo sa baba. Ayaw ko pa sana pero nahihiya akong umapila.

Humiga na ako sa gilid habang ang dalawa naman ay nasa labas pa, hindi ko alam ang ginagawa.

Inayos ko ang kumot at pinikit ang mga mata pero sa bawat pagpikit ko ay sumasagi ang mga nangyayari kanina.

Nakarinig ako ng pagbukas kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko upang magpanggap na natutulog na.

Nakaramdam ako ng paghiga sa aking tabi. Malamang si London ang tumabi sa akin.

Ilang minuto na akong nakapikit ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok, tanging paghinga ko lang ang aking naririnig. Hindi pa din ako humaharap sa likod ko dahil ayaw kong makita kung sino ang aking katabi.

"Klyde." Bulong nito.

Agad akong napamulat dahil sa pagtawag niya ng aking pangalan. Hindi ko alam ngunit para itong musika sa aking mga taenga. Nababaliw na ata ako.

"Klyde." Ulit niya. Napapikit ako at pinigilan ang sarili na sumagot.

Unti-unti kong nararamdaman ang kamay niyang humawak sa balikat ko. Agad niya akong pinaharap sa kanyang direksyon.

Nagtama ang aming mga mata at tanging mabibigat lang naming pahinga ang aking naririnig.

Kumakabog ng malakas ang aking dibdib habang nakatitig sa kanyang mukha.

"I'm addicted to your kisses." Malambing na pahayag nito na maslalong nagpakabog ng aking dibdib.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon