Heartbeat

5.9K 235 17
                                    

"So kamusta Klyde?" Basag ni Francis sa katahimikan.

Napaubo ako ng di oras at halos iluwa ko ang iniinom ko. Naramdaman ko ang kamay na humaplos sa aking katabi at nakita ko iyong si London na nakangiti sa akin. Iyong chinito.

Tinanggal ko ng kamay niya at ginantihan ng ngiti. Tumango ako dito.

"Okay lang ako." Sagot ko sa tanong at tumawa pra maibsan ang nararamdaman.

Pagkatapos ng tanong iyon ay nagsimula na silang mag-usap tungkol sa mga bagay tulad ng basketball at iba pang mga laro pati din mga movies at mga babaeng magaganda sa campus.

"Dun sa kabilang Department yung mga Nursing ang daming magaganda dun." Ani Frank sa kanila. Sumang-ayon naman ang mga ito.

Napailing na lang ako sa mga pinag-uusapan nila.

Muli kong nilagok ang aking inumin na nasa baso at nagsalin pang muli.

Dadampot sana ako ng mani ng biglang may sumabay sa akin sa pagkuha. Nagdikit ang mga daliri namamin kaya agad ko itong inalis doon dahil sa naramdaman kong pagkapaso.

Muli na lang akong uminom tyaka tumingin sa ibang direksyon.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa post na kumalat kaya ganito ako makitungo sa kanila? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung nahihiya ba ako o kinakabahan na ewan.

"Sa kwarto tayo ni Klyde matutulog. Malawak naman ang kwarto niya tyaka may extra foam dito." Sabi ni Frank sa mga ito.

Nilingon ko si Francis na nagtitipa lang sa kanyang cellphone. Sinulyapan ko si Aiden na nakikipag-usap kay Frank at London.

Napatitig ako sa matangos ng ilong. Hindi ko alam kung may ibang lahi ba siya o ano, bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi, hindi ko alam bakit doon napunta ang atensyon ko.

"Diba Klyde?" Doon na lang nagbalik ang diwa ko ng bigla akong tanungin ni Frank.

"Ha?" Taka kong tanong.

"Sabi ko diba sa kwarto mo tayo matutulog?"

Tumango ako at napainom muli.

Muli kong sinulyapan si Aiden na umiinom ng kanyang inumin. Bumaba ang tingin ko sa paggalaw ng adams apple nito.

Muntik pa akong mahuling nakatitig sa kanya buti na lang agad kong nailihis ang paningin ko kay Francis na nanunuod ngayon.

"Eh ano balak niyo after graduation? May napikli na ba kayong airlines na aapplyan?" Usisa muli ni Frank sa kanila.

"Hindi ko pa alam pero gusto ko sa Philippine Airlines or Cebu Pacific muna ako." Sagot ni London.

"Wala pa akong plano." Plain na sagot naman ni Aiden.

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong tinignan ang baso ko at agad na kinuha ito.

Bakit ba kasi ako tingin ng tingin doon.

Bigla ko na lang naramdaman ang paa ko na may umaapak. Pasimple kong tinignan iyon at nakita ko ang isang paa, tinignan ko kung sino ang may-ari iyon at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Aiden na nakatingin sa akin at nakataas ang kilay.

Agad kong inayos ang upo ko at nilabas ang phone. Nagkunwari akong nagtitipa ng kung ano-ano doon para lang hindi niya isipin na tinitignan ko talaga siya.

Tumunog ang phone ko kaya naman napatingin silang lahat sa akin ngunit agad din nilang binalik sa kanilang pag-uusao at ginagawa.

Sinilent ko na kng ang phone para hindi maka istorbo. Binasa ko ang mensahe ni Leni sa akin. Nagsend lang siya ng picture niya na nakawacky. Humagikhik ako dahil ang laki ng butas ng kanyanb ilong.

Agad akong nagtipa.

Me: Tanga panget mo.
Leni: Ikaw din naman mas panget ka.

Nag-asaran pa kami sa chat hanggang sa may umubo at doon na lang nabalik ang aking atensyon kina Frank.

"Tubig Klyde." Utos ni Frank.

Agad akong tumayo pero bago ako dumiretso sa kusina ay kinuha ko muna ang vape ko tyaka nagsalin ng tubig.

Nilapag ko ang pitchel sa kanilang gitna.

"Labas lang ako." Paalam ko sa kanila.

Hindi ko na inantay ang sagot at dali na akong lumabas ng pintuan.

Pinindot ko ang switch ng vape para mag-on. Humigoo ako at agad na bumuga ng usok doon. Pinanood ko lang ito mng lumipad at nawalang parang bula.

Hindi ko alam pero nagagandahan ako sa usok. Muli akong humigop at gumawa ng maliit na bilog bago binuga ang natitirang usok.

Hihigoo muli sana ako ng biglang may kumuha nito. Nagulat ako ng makita ko si Aiden na hawak ito at agad na himigop sa aking vape.

Agad niyang ibinuga sa akin ang usok nito tyaka ngumisi.

"Si talagang gusto mo ako?" Mayabang na tanong niya.

Agad kong hinablot ang vape sa kanya ngunit mas malakas siya sa akin kaya hindi siya natinag.

Kumunot ang noo ko at nagsimula ng mainis sa ginawa niya.

"Akin na yan." Sabi ko dito.

Ibinigay naman niya agad. Pinunasan ko ito at agad na humigop muli.

"Arte mo naman." Aniya at agad na hinablot muli tyaka hinigupan na hindi pa niya pinupunasan.

"Bumalik ka na doon ano bang ginagawa mo dito."

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Gusto mo nga ako?" Aniya at tumingala para ibuga ang usok.

"Hindi. Akin na yan!" Inis na sabi ko.

Hahablutin ko na sana sa kanya ng mas nauna niyang nahawakan ang aking kamay tyaka ako hinila kadahilanan na mapasandal ako sa kanyang dibdib.

Parang naging mabagal ang pagikot ng oras sa akin. Nanlalaki ang aking mga mata habang naririnig ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.

***

Clicked (BL Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon